Part 23

1071 Words

SABIK NA niyakap ni Vera Mae si Angel. Sa kabila ng madalas na pag-uusap nila sa telepono ay miss na miss pa rin niya ito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang pigilan ang namumuong luha. “Aray ko, Ate! Hindi na ako makahinga sa yakap mo,” reklamo ni Angel. “Sorry.” Niyakap pa niya ito saglit bago siya tuluyang bumitiw. “Na-miss kasi kita, eh. Sobra!” “Na-miss din kita.” Tiningnan siyang mabuti nito. “Umiyak ka?” Inilapit nito ang dulo ng daliri sa sulok ng kanyang mata. “Tears.” Mabilis niyang kinusot ang mga mata. “Na-miss kita talaga!” Pinisil niya ang pisngi nito saka hinalikan. “Over ka naman, Ate,” natatawang sabi sa kanya ni Angel. “Wait, text ko si Mommy. Sabihin ko sabay-sabay na tayo mag-dinner. Nandun siya siguro sa cafe.” “Wala siya doon. Dumaan kami ni Brian doon ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD