Part 22

1604 Words

“BABALIK ka dito, ha,” malambing na sabi ni Yumi habang nakamasid ito sa pag-e-empake niya. Nakalipas na ang isang buong buwan na habilin sa kanila ni Lolo Alfonso na mamalagi sa Sagada at magkasama-samang magkakapatid. Ang iba pa niyang kapatid ay una nang nagsialisan. Malungkot sapagkat napamahal na sila sa isa’t isa. Pero naiintindihan niyang may babalikan ang mga ito na kani-kaniyang buhay. Parang siya. Kailangan na rin niyang bumalik sa Maynila upang ayusin ang ibang bagay. At miss na miss na rin niya si Angel. Nginitian niya ang kapatid. “Oo naman. Siyempre, babalik ako. Pero sigurado naman ako na hindi man ako makabalik agad ay hindi mo ako masyadong mami-miss. You’ll get busy with Jairus.” “Malapit na naming maisaayos ang lahat.” “Masaya ako para sa iyo, Yumi. Balitaan mo a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD