“MAY BISITA ka, Mimi,” sabi sa kanya ni Yumi. Nagkasalubong sila ng kapatid sa hallway. Anyong pupuntahan siya nito habang pababa na rin siya. “I know. Inaasahan ko nang darating siya,” matamlay na sabi niya. Bahagyang humarang si Yumi sa dadaanan niya. “Nandito ako para sa iyo. Kahit ang iba pang mga kapatid natin sigurado akong nakasuporta sa iyo.” Malungkot siyang ngumiti. “Kaya ko itong mag-isa. Saka kailangan ko itong gawing mag-isa.” Hinawakan ni Yumi ang kamay niya. “Engagement ring galing kay Brian?” Nagkaroon ng kislap ang kanyang mga mata. “Yes. Pumayag na siyang magpakasal kami. It’s my fault I forgot about d**k. And this isn’t easy. I guess, there’s no easy way to break somebody’s heart.” "Linya iyan ng isang kanta. Pero tama ka naman." Nakakaunawa itong tumango. “Always

