“HOY! Bakit nyo pinagtutulungan ang kapatid namin, ha?!” Nasadlak si Berry sa putikan habang susugurin naman ito ng grupo ng mga babae. Tama nga si Sky, hindi naman foreigner ang babae. Madilaw lang ang buhok nito. Iyon na ang hudyat para tuluyang magkagulo. Sumugod na rin siya kasama sina Sky at Amira. Sumaling kay Sky ang mga kasama ng blondie. “Hala! Pinagtutulungan nila si Ate Sky!” “Maryosep! Maghanap tayo ng saklolo, Ailene!” Nagpa-panic na si Yumi. “Hayaan mo sila, Ate Yumi. May nurse tayo. Kaya na ni Mabel gamutin ang mga iyan pagkatapos.” Cool na cool naman si Ailene. Hinila ni Berry ang buhok ng blondie palayo kay Sky. “Huwag na huwag mong sasaktan kahit ang cellphone ng mga kapatid kong blondita ka!” “Ako ang kaaway mong malandi ka!” sigaw ng babaeng madilaw ang buhok.

