“ANONG nangyari sa iyo, Mimi? Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital?” puno ng pag-aalalang sabi ni Yumi. “Huwag na, okay lang ako.” “Kagabi ka pa pala nilalagnat, hindi naman namin alam. Kung hindi ka pa kinatok ni Nana Elsa kanina, hindi namin malalaman.” “I’m fine. Ihihiga ko lang ito.” “May nakain ka bang hindi tama? Baka naligo ka nang malamig at nabigla ka?” “Wala naman. Magpapahinga na muna ako, Yumi,” banayad na taboy niya sa kapatid. “Sige, tumawag ka lang kung may kailangan ka.” Nang mapag-isa siya sa kuwarto ay nagtalukbong siya ng kumot. Ang totoo ay masakit na masakit ang ulo niya. Halos wala siyang tulog sa buong magdamag. Sa tuwing pipikit siya parang nakikita niya ang mga lumang nitso sa loob ng Old Diplomat Hotel. Sa sarili lang niya aaminin na kaya siya nilagnat

