WALA SIYANG pagsidlan ng katuwaan at kilig na nararamdaman kaya hindi nakakapagtakang mailap sa kanya ang antok. Bumangon si Vera Mae at nagpasyang bumaba na walang partikular na plano kung ano ang gagawin niya roon. Dumiretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas. Habang ginagawa iyon ay parang gusto niyang matawa. Iyon ba talaga ang laging gagawin niya sa kawalan ng ibang magagawa? At kagaya ng dati, tinikman lang niya iyon saka tinitigan. “Hindi ka makatulog?” Napakislot siya nang marinig ang tinig ni Brian. Buhat sa kuwartong tinutuluyan nito ay lumabas ito. “Ano ka ba, tulog na tulog na nga ako, eh. Naghihilik pa!” “Pilosopo.” Naupo ito sa tabi niya. “Baka ipainom mo na naman sa akin iyan?” Inilapit niya dito ang baso. “Tama. Magaling ka palang manghula.” “Nagtitimpla ka pero h

