“MALUNGKOT ka, Mimi,” pansin sa kanya ni Yumi at bumaba ang tingin nito sa sobrang hawak niya. “Pasensya ka na kung pumasok na ako. Nag-warning knock ako at bukas naman itong pinto ng kuwarto mo.” Pasimpleng ibinalik niya sa sobreng iyon ang sulat ni Lolo Alfonso. “Nakakaiyak itong sulat ni Lolo.” “Hindi ko na itatanong kung ano dahil alam kong pribado iyon. Pero puwede ko bang itanong kung mahirap sundin ang kahilingan niya?” Kumislap ang luha sa mga mata niya. “To tell you frankly, Yumi, kahit hindi niya itali ang mamanahin ko sa hiling niyang ito ay gusto kong sundin ang nilalaman ng sulat. I... I never thought he knew about it all along.” Nagtatanong ang mga mata ni Yumi. “Hindi pa ako handang sabihin ang tungkol dito Yumi. But promise, sasabihin ko din sa iyo kapag handa na ako.

