SHE REALLY wanted to bond with her sisters. Nakatulong naman na maging kumportable sila sa isa’t isa nang mag-boodle fight dinner sila matapos panoorin ang paglubog ng araw sa Lake Danum. Sinabi ni Yumi na ang susunod na bonding nila ay ang pag-aabang naman ng pagsikat ng araw sa Kiltepan Peak. “Kailangan maaga tayong gumising,” sabi pa nito. “Huwag sanang masyadong maulap para mabistahan nating mabuti ang sunrise.” “Op kors. Paano natin makikita ang sanrays kung tanghali na tayo pupunta doon?” sabi ni Berry habang sinisimot ang barbeque nito. “Kailangan fully charged ang battery ko. Kukuha ako ng madaming pictures,” excited namang sabi ni Eira. “Ano namang bonding ang susunod pa?” tanong ni Ailene. Sinulyapan nito si Amira. Medyo nagkakairingan pa rin ang dalawa. “Wala pa akong defin

