“WHAT’S BOTHERING you?” tanong sa kanya ni Yumi. Nasa Kiltepan Peak sila para mag-abang ng pagsikat ng araw. Kalat na kalat pa ang dilim. Ang ibang turista doon ay naggagatong sa bonfire para umamot doon ng init at magkaroon din ng tanglaw ang paligid. Ang ibang kapatid nila ay nasa van pa, marahil ay inaantok pa. Nauna na siyang bumaba at pumuwesto sa hagdang bato. Inabutan siya nito ng baon nilang nilagang kape. “Noong isang araw ko pa napapansin na parang may problema ka.” “Ang hirap sundin ng proviso ko,” sagot ni Vera Mae. “Pwede kong malaman kung ano?” “I need to marry someone,” hindi na nag-alangang sagot niya. Mahinhing tumawa si Yumi. “Pareho tayo ng proviso?” “Gusto ni Lolo na balikan mo si Jairus?” gulat namang tanong niya. “He’s matchmaking us!” “Ang dali mong nahulaan

