“BUSY KA ba?” Ibinaba ni Vera Mae ang windshield sa tapat niya nang hintuan si Brian. Nasa SAGGAS ito at kakuwentuhan ang mga kaibigang tourist guides. “Hindi masyado. Bakit?” “Puwede mo ba akong samahan?” “Yes ma’am!” Bahagya itong yumukod. “At your service, ma’am.” Bumaba siya ng pick-up. “Ikaw na ang mag-drive.” “Saan ba ang lakad mo?” Nagkibit siya ng balikat. “Hindi ko alam, eh. Gusto lang sana kitang makausap.” “Aha, you tricked me. Gusto mo lang pala akong i-date,” biro nito. Inihinto nito sa may tapat ng Salt and Pepper Diner ang sasakyan. “Kumain ka na ba?” Umiling siya. “Tara, kain na muna tayo.” Hindi na siya tumanggi pa at umakyat na sila sa second floor ng kainan. “Bri, we have to talk,” sabi niya sa binata pagtalikod ng waitress na kumuha ng order nilang classic ch

