3. King and Queen of ❤️

1576 Words
"Hay, ano yan? Lasing na naman ba ang babaeng yan?" Napamulat ako ng mga mata ng marinig ang tinig na kinabubwisitan ko. "Hi, Lola!" Pagbati ko sa Mommy ni Prof na may halong pang aasar. Ayaw niya kasing tinatawag ko siya na lola. Stepmother siya ni Papa so steplola ko siya pero ayaw niya. 50 years old na si Papa at ang stepmother niya ay 58. Malaki ang agwat ng edad nito sa namayapa kong Lolo. Ayaw niyang tinatawag ko siyang Lola at ayaw rin niyang tawagin ko siyang Mommy dahil hindi raw niya ako tanggap bilang manugang niya. Naiinis ako sa kanya at mas iniinis ko naman siya. Nakasimangot siya nang tignan ko siya. Sanay naman ako sa mukha niyang ganyan. Deserve niyang maasar at kulang pa 'yun sa mga ginawa niya sa Papa ko. "Dapat kasi hinayaan mo na lang yan! Aba'y sa pagwawalwal niya mauubos ang pera mo!" Mataas na tono na sabi niyang ikinairita ko. "Excuse me, grandma, pera ko po. Pera namin ng Papa ko!" May diin kong sabi. Feeling ko ay nawala ang kalasingan ko dahil sa bruhang ito. Parati niyang sinasabi na gold digger ako at pera lang ang habol ko kay Prof samantalang siya itong ganid sa pera. "Abay walang hiya ka talagang babae ka!" Galit na galit niyang sabi. "Mom, enough!" Ma-awtoridad na sabi ni Prof. Huminto naman sa pagsasalita ang Mommy niya, hanggang umakyat na si Prof sa hagdan. "I'm sorry about my Mom!" Sabi niya pag akyat namin sa itaas. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko hanggang maramdaman ko sa likod ko ang kama. Sa ilang araw naming mag asawa ay parati kong naririnig sa kanya iyon. Parati na lang siyang humihingi ng pasensya sa tuwing nagbabangayan kami ng nanay niya kahit minsan ay ako naman ang nagsimula. Hindi kasi maalis sa isip ko na ang Nanay niya ang may kagagawan kaya nawala kay Papa ang dapat na sa kanya. Sobra ring panlalait ang nakuha ni Mama sa kanya noong magpunta kami sa mansion na ito para isanla ang bahay namin. Tatlong taon ang usapan nila ni Mama ng pagbabayad ng bahay pero ilang buwan pa lang ay gusto na niyang kunin ang bahay namin. Wala pang maibayad sa kanya si Mama dahil walang wala kami, hanggang si Prof na ang gumawa ng paraan. Kinausap niya ako at sinabing gagawan niya ng paraan na mapunta uli sa amin ang bahay namin at wala ng babayaran sila Mama doon. Siya na rin daw ang bahala sa lahat ng gastusin sa pagpapagamot kay Papa at sa lahat ng expenses namin pero ang kapalit ay ako. Gusto niyang pakasalan ko siya. Ibibigay niya raw lahat ng gusto ko basta pakasalan ko siya, na hindi ko alam kung ano bang dahilan niya. --- "Marry me, Raselle, and everything you want will be yours!" Seryoso niyang sabi habang nasa kotse niya kami. "Ano?" Nawindang ako sa sinabi niya. "Ako na ang bahala sa lahat. Magiging maayos ang buhay niyo. Aayusin ko ang lahat. Ako na ang bahala kay Mom, just marry me!" Nasa tinig niyang parang desperado. Gusto kong isipin na pinagti-tripan lang ako ng lalakeng ito. Hindi kaya may galit pa rin siya sa akin dahil nabitin ang gagawin niya sana noon sa kwarto nang bigla akong sumulpot? Ngayon ko na lang uli siya nakita simula ng magtungo kami ni Mama sa mansion dalawang buwan na ang nakakaraan, tapos pagpapakasal agad ang gusto niya sa akin. "Wait lang po, Uncle, seryoso po ba kayo diyan?" Kunot noo kong sabi. "Tss! Mukha ba akong nagbibiro?" "Baka po kasi gusto niyo lang ako pakasalan dahil nakita ko na po yang sa inyo?" Sabi kong tumingin sa nakabakat sa pants niya habang nakaupo siya. Pakiramdam ko ay nagblush ang mukha ko nang maisip kung gaano iyon kalaki. Dalawang buwan na ang nakakaraan pero malinaw pa rin sa isip ko ang itsura nun. Napatingin ako sa kanya nang tumawa siya. "Siguro nga!" Sambit niyang tumatawa. Natigilan naman ako. "But to be honest, gusto ko na rin talaga mag asawa. Gusto kong may makasama na sa buhay. Wala naman ako nagugustuhang babae, at ikaw ang babaeng nakakita nitong alaga ko, kaya panindigan mo!" "Panindigan ko?!" Hindi ko alam kung matatawa ako sa dahilan niya. Panindigan ko raw siya dahil nakita ko na ang ari niya. Professor ang lalakeng ito pero mukhang may saltik yata. "I'm just kidding!" Bahagya siyang tumawa. "But Raselle, I'm serious! I want to marry you. Mas pabor sa'yo at sa pamilya mo kaya pag isipan mo." Sambit niya at napaisip rin naman ako. Iyon ang naging usapan namin at kinabukasan nang mapagpasyahan ko agad na pumayag sa gusto niya. Naisip kong mas pabor nga iyon sa pamilya ko. Nahihirapan na ang magulang ko at mas nahihirapan akong makita silang ganun. Nagsakripisyo sila para sa akin kaya tama lang na magsakripisyo rin ako para sa kanila. May kapatid pa akong nakababata na nasa highschool at next year ay college na kaya dagdag pa ito sa gastusin namin. Hindi ko na iniisip pa ang sarili ko at tanging sila na lang. Pangarap kong makapangasawa ng lalakeng mahal na mahal ko at mamahalin rin ako ng wagas pero siguro ay sa mga fiction na lang iyon nangyayari. Hindi pa naman ako nakakaranas na magmahal ng lalake pero nakikita ko kung paano nasaktan ang mga kaibigan ko kaya parang natatakot na rin ako sumubok. Ayokong maranasan ang bagay na iyon pero ngayon ay napagpasyahan kong magpakasal sa lalakeng kailan ko lang nakita. Kahit kahibangan mang isipin ang gagawin ko ay gagawin ko pa rin para sa pamilya ko. Sinabi ko kay Mama ang tungkol doon. Si Papa ay nastroke kaya wala siyang malay sa nagaganap. Hindi pumayag si Mama dahil hindi naman ganoong buhay ang gusto niya para sa akin, kahit tumutol siya ay buo pa rin ang pasya ko at sa huli ay wala rin siyang nagawa. Kahit na may hinanakit siya sa akin ay tiniis ko na lang dahil para rin naman ito sa kanila at alam kong balang araw ay maiintindihan rin nila. Makaraan lang ang dalawang linggo ay nagpakasal kami ni Prof. Naging mahirap sa akin dahil kailangan kong iwan ang magulang ko at ang buhay na nakasanayan ko. Pero sa bawat araw ay nasasanay na rin ako, unti-unti na rin akong nasasanay kay Prof, at hindi ko alam hanggang kailan kami ganito. ----- "Raselle, today is our 1st monthsary!" Napamulat ako ng mga mata habang nakahiga sa kama nang sabihin niya iyon. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatitig sa akin. Akala ko ay lumabas na siya ng kwarto ko. Hiwalay kasi kami ng kwarto dahil isa ito sa condition ko sa kanya noon, na ayokong makasama siya sa iisang kwarto at ayokong may mangyari sa amin. Hindi ako handa para doon. At isa pa ay napag usapan naming maghihiwalay rin kung hindi magwork ang marriage namin. So para saan pa kung ibibigay ko ang sarili ko sa kanya. Pumayag naman siya sa condition ko. Pero madalas ko siyang makita na mainit ang tingin sa akin, kahit nakakaramdam rin ako ng kakaiba sa mga tingin niya na kagaya ngayon. "First monthsary?" Sambit ko. Actually, kanina ko pa sa school naiisip na wedding monthsary namin ngayon kaya nga naisipan kong magwalwal na lang. Balewala rin naman ang araw na ito. Akala ko nga ay hindi niya iyon maaalala, pero binanggit niya ngayon sa akin. "So?" Nasabi ko lang at pumikit uli. "I'm just saying, we've been together for a month now, but we haven't even had a honeymoon." Napamulat uli ako ng mga mata sa sinabi niya. Tama ba ako ng narinig? Honeymoon! "Honeymoon? Are you out of your mind, Prof? Pinag usapan na natin yan!" Mariin kong sabi. Biglang feeling ko ay nawala ang kalasingan ko. Napakamot siya ng ulo niya. "Fine! Please, just take this!" May kinuha siya sa bulsa ng pants niya. Nakita ko ang isang maliit na box. Iniisip ko kung singsing ba iyon pero bracelet ito nang buksan niya. Kinuha niya ang bracelet mula sa box at hinawakan ang braso ko. Hindi ko napigilang mapangiti habang isinusuot niya ang bracelet sa braso ko. Hindi naman ako mahilig sa mga jewelries pero nagustuhan ko ang binigay niya. "When I saw this bracelet, I immediately thought of you. I knew it had to be yours. It's beautiful, just like you are." He softly said habang sinusuot ang bracelet sa akin. Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya na ilang beses ko na rin naramdaman sa kanya. Napangiti siya matapos iyon maisuot sa akin. Agad ko naman iyon tinignan. "King and queen of heart!" Sambit ko nang makita ang heart na may naka engraved na crown ng king and queen. Iniisip ko kung kami bang dalawa iyon since King ang name niya. "Ang ganda! Thank you ha!" Napangiti kong sabi. Mas lumapad naman ang ngiti niya. "Sorry wala akong gift sa'yo!" Sambit ko at bigla namang naguilty. Wala na nga akong regalo sa kanya, binigyan ko pa siya ng stress kanina sa bar. "It's okay! I know someday makakabawi ka rin sa'kin!" Napangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin at hindi ko nalang inintindi pa yon. "So, goodnight! Take a rest now, may pasok ka pa bukas." Sabi niya at tumayo. Dire-diretso na rin siyang lumabas ng kwarto ko. "Goodnight!" Sambit ko habang nakatingin sa kanya na naglalakad hanggang sa lumabas na siya ng pinto. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD