2. MARRIAGE

1350 Words
"Go, Raselle!" Panay ang tawa namin ng mga kaibigan at kaklase ko habang sumasayaw kami sa dance floor sa isang bar. I'm happy to have found new friends matapos kong magtransfer ng university na pinapasukan ko. Mula sa nalakihan kong pamumuhay sa Manila ay nasa probinsyana na ako ngayon matapos magbago ang buhay ko. Mabuti na lang ang mga naging kaibigan ko rito ay parang mga kaibigan ko rin sa Manila at feeling ko mas malala pa ang mga ito at mas gustong gusto ko. 2 weeks ago nang magsimula ang klase at nasa 4th year na ako ngayon. Huling taon ko na ito sa kursong Business Management. Gusto kong makagraduate dahil ito ang promise ko sa parents ko bago ako mahiwalay sa kanila at lumipat sa lugar na ito, kaso hindi ko alam kung tatagal ako sa buhay na ito na pinili ko. Panay ang hagikgikan namin habang sumasayaw sa dance floor. Feeling ko ay nakawala ako ngayon. I want to enjoy this night while I'm free, so I don't care what happens. "Girl, look, tinitignan ka ni Lance!" Bulong sa akin ni Sandra habang patuloy kaming sumasayaw. Napatingin naman ako sa table kung saan naroon ang ibang kaklase at kaibigan namin. Pansin ko ang mainit na tingin sa akin ni Lance. Napangiti ako nang makita ang gwapo niyang mukha. Gwapo siya at maraming nagkaka-crush sa kanya sa school pero feeling ko naman ay wala siyang dating sa akin. Ewan ko ba at sa dami ng gwapo sa university ay ni isa wala naman akong natitipuhan. Hindi ko alam kung sign of maturity ba ito o wala talaga akong interest dahil nasa pag aaral ang focus ko ngayon. O dahil may lalakeng mas gwapo at nakakakilig pa kaysa sa kanila sa paningin ko. Mainit na nakamasid sa akin si Lance pati na ang ibang lalake na naroon. Hindi ko naman sila masisi dahil maganda naman talaga ako at sexy pa. Sa Manila ay kabi-kabila ang gustong manligaw sa akin na hindi ko lang pinapansin. Wala naman kasi akong maramdaman sa kanila kaya sa edad kong 21 ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend and I'm a virgin, kaso.... "Hi, Miss. You're so pretty! Kanina pa kita tinitignan. Mind if I get to know you?" Nakangiting sabi ng isang lalake. "No, sorry!" Diretsa kong sabi sa kanya. Alam ko na kasi ang kasunod ng gusto niyang mangyari at hindi na iyon maaari. "Name lang naman, baka pwede naman!" Pagpupumilit niya at hinawakan ako sa bewang. Iiwas na sana ako nang magulat na lang ako nang bumulagta siya sa sahig. "Bastard, keep your hands off my wife!" Narinig kong sabi ng professor, I mean husband ko - ang asawa kong si Prof King, bago niya sinuntok sa mukha ang lalake. "Wife?" Halos sabay sabay na sabi ng tatlo kong kaibigan na babae. They were all shocked, not because Professor King punched the man, but because of what they heard him say. Yung siya mismo ang parating nagpapaalala sa akin na bawal kong ipagsabi sa school ang tungkol sa pagiging mag asawa namin dahil bawal iyon sa University pero siya naman itong lantaran ngayon. Akmang susugurin pa ni Prof ang lalake nang pigilan ko na siya. "Tama na, ano ba!" Hinawakan ko siya sa braso at hinila na siya paalis doon. Hanggang sa paglabas namin ng bar at pagsakay sa kotse ay nagpupuyos siya sa galit, ngayon ko lang siya nakitang ganito nang dahil lang sa hinawakan ako ng lalake. Wala naman kasi siyang pake sa akin. Sa isang buwan naming mag asawa ay wala naman siyang pake. Ang gusto lang naman niya kasi ay pakasalan ko siya at mas pabor iyon sa akin dahil may pansarili akong intensyon kaya ako pumayag na pakasalan siya. "What the fcuk!" Nagulat ako nang hampasin niya ang manibela pagsakay namin sa kotse niya. Hindi talaga biro ang galit niya. "Ano bang kinagagalit mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Marami akong nainom na alak pero feeling ko ay nawala ang kalasingan ko ngayon dahil sa kanya. "Dàmn, Raselle, nagpahawak ka sa ibang lalake...!" May diin ang salita niya na parang pinaiintindi 'yun sa akin. Iyon ang kinagagalit niya at ayoko namang isipin na affected siya dahil wala naman siyang pake doon. "And so?" Tanong ko pa na lalong ikinapula ng mukha. "Tss! Nang-aasar ka ba?" "Bakit, naaasar ka? Ikaw ang pumunta doon sa bar. Akala mo kung sino kang hari na basta na lang susulpot doon and ruining my night!" Nainis kong sabi. Parati na lang siyang kontra sa ginagawa ko. Gusto niya lahat ng lakad ko ay ipapaalam muna sa kanya. Akala ko nakawala na ako sa pagiging strict ni Mama sa akin pero mas matindi pa pala ang lalakeng ito. "Hey, Raselle, hatinggabi na. Nag alala ako kung nasaan ka dahil ang paalam mo sa'kin sa bahay lang ng kaibigan mo ang punta mo. Tapos makikita ko ang mga post ng kaibigan mo sa f.b na nandyan kayo sa bar!" "Wala ka ng pake kung saan ako pupunta." Inirapan ko siya. Napahaplos naman siya sa batok niya at napabuga ng hangin na parang nagpipigil. "Raselle, pinagkatiwala ka sa'kin ng magulang mo at nangako akong hindi ka pababayaan kaya dapat lang na alam ko ang mga lakad mo." Natigilan ako sa sinabi niya, dahil naiintindihan ko naman ang tungkol doon kaso hindi ko mapigilan ang inis sa kanya. Hindi na lang ako nag salita pa at tumingin na lang sa bintana para iwasan ang tingin niya na parang kailan lang ay gustong gusto ko. I remember that day, the very first time I laid eyes on him. Ibang iba ang pakiramdam ko noon sa kanya sa pakiramdam ko ngayon matapos kong malaman ang ginawa nilang mag-ina sa Papa ko, habang sila ay nagpapakasaya sa buhay na dapat ay sa amin. "Ibalik mo na lang ang dapat na para sa amin, para tapos na!" Mariin kong sabi at inirapan siya. "Sinabi ko naman sayo na wala kaming kinuha." Sagot niya at napahaplos sa batok. Ilang beses na naming pinag usapan iyon pero napupunta rin naman sa wala dahil pinipilit niyang malinis sila, but of course hindi naman niya aaminin ang totoo sa akin. They forged my Lolo's will. Yun ang paniniwala ni Papa na itinatanggi naman ng madrasta niya. Nag iisang anak si Papa ng lolo ko pero ni singko ay wala siyang nakuha. Naghirap siya at nagkasakit. He suffered a lot. Nairaos ni Papa ang bypass surgery noon pero matapos ang ilang buwan ay nastroke naman siya at si Mama lang ang nag aalaga sa kanya. Ang perang pinagsanlaan ng bahay namin ay ibinayad namin noon sa ospital. Malaki laki pa rin naman ang natira pero ngayon ay paubos na rin dahil ang mahal ng maintenance ni Papa, pwera pa ang pang araw-araw na expenses para sa pagkain at bills at kung hindi ako pumayag sa pagpapakasal ay baka nasa kangkungan na kami ngayon. "Raselle, you're my wife, and I didn't marry you for nothing." Saad niyang ikinatingin ko sa kanya. Hindi ko naman maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at muling tumingin sa labas ng bintana. Pinaandar na niya ang kotse. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya pumikit na lang ako. Hindi ko napansin na nakatulog ako. Nagising ako ng gisingin niya. "We're here!" Tumingin ako sa bintana at nakita ang magarbong pinto ng mansion. Medyo blur iyon sa panigin ko dahil sa pagkahilo ko kaya pumikit uli ako. "Kaya mo ba maglakad?" Tanong niya bago siya bumaba ng kotse. Napamulat uli ako ng mga mata nang buksan niya ang pinto sa side ko at buhatin ako. Wala naman ako maramdamang pagtutol sa ginawa niya, dahil bukod sa nahihilo na ako at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang maglakad pa ay nagugustuhan rin ng katawan ko na buhat niya. Nararamdaman ko na naman ang kaba na parati kong nararamdaman sa tuwing dumidikit siya sa akin. Naiinis ako sa kanya pero pakiramdam ko ay gusto ko ang ganitong pakiramdam. Kumapit ako nang mahigpit sa balikat niya at pumikit na lang hanggang sa pumasok kami sa loob ng bahay. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD