CHAPTER 2

357 Words
Renz’s Point of View Hindi ko na-imagine na ganito kabaliw ang kapatid ko. Marie is just on his premises pero kung makapag-alala, akala mo nasa ibang planeta ang asawa. “Red, para kang pusang hindi maihi. Nasa Tree House Resto lang si Marie,” sabi ko. “Look at the carpet, nawalan na ng kulay kakalakad mo,” I added. “Papapalitan ko bukas ‘yang carpet,” sagot ni Red. Nagtawanan kami. Baliw nga. This is his Stag Party pero parang kami lang ang nalalasing. Nandito kami sa Club Zero kasama ang mga members. “Red, ano bang inaalala mo? Nando’n lang naman sila,” tanong ni Neil. Isa sa mga members dito. Tinuro pa niya iyong Resto. “Hindi ako nag-aalala, okay!” masungit na sagot ni Red. “So ano ang problema mo at kami lang ang nalalasing? Iyong bote mo, bro kanina pa nandyan. Iyong carpet nga naging puti na, brown kanina ‘yan,” sabat ko sabay tungga ng beer. Grabe ang sarap talaga ng beer kapag sobrang lamig. Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Naghihintay ng isasagot. Hindi ganito si Red. He changed. He changed for good. And I am happy for him. “Malay ko ba kung mayro’ng call boy doon!” naiiritang sagot niya. Muntik na akong gumulong sa tawa. Kung si Red ang dating Red na nakatayo sa harap namin malamang binaril niya na kami. Nabuga ni Mark ang beer niya. Si Kyle naluluha kakatawa. Si Kyle iyon, iyong bodyguard ni Marie na tinakasan ng emosyon pero tawa nang tawa ngayon. Gano’n ka-hilarious ang mukha ni Red. Siguro mga 5 minutes kaming tumatawa bago kami nakabalik sa katinuan namin. “Natanggal lasing ko,” biro ni Matteo, isa sa mga members. “Sige lang tumawa kayo. Kapag nakilala niyo na iyong babaeng magpapaikot ng mundo niyo, ako naman ang tatawa.” “That ain't gonna happen. Why settle for one when you can have five?” that was Lance. A player. Basketball player. Nakipag-high-five pa kay Audi. He has a point. Why settle for one when you can have more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD