Lise’s Point of View
Ako:
Mga sis may lakad ba kayo?
Girls, reply naman.
Nasaan kaya ang mga 'to? Saturday naman, bakit ayaw magreply.
Trisha:
Nasa office ako Lise. I have deadlines next week.
Kaye:
Nasa India ako girl. Naghahanap ng mga tela. Ano gusto mong pasalubong?
Diane:
Lise, I have an emergency C-Section today. Iyong isang kabayo manganganak na.
Ako:
Grabe naman kayo. Weekend ngayon. Wala akong raket eh.
Sam:
Girl, mayro’n akong hearing later.
Syempre si Marie hindi sumagot. Malamang nasa Paris pa or kung saang bansa sila nandoon ni Red.
Masakit naman panoorin si Juan Miguel. Para akong sinasampal ng mga tula niya. Pero dahil sa kanya, nabuhay muli ang dugo ko sa tula at literatura.
Na-miss ko bigla magsulat. Bakit nga ba hinayaan kong mamatay ang pagmamahal ko sa tula?
Hinanap ko kung saang bar tumutula si Juan Miguel. Oo, fan ako. Siya nga lang pinapanood ko sa On the Wings of Love. Paki ko naman kay James Reid.
So hinanap ko nga siya, tamang-tama mayro’n siyang gig ngayon sa isang bar sa Eastwood.
Pagdating ko sa eastwood, hinanapan ako ng ID ng guard. Oo, alam kong maliit ako pero Lord, ID talaga? Binigay ko ang driver's license ko sa guard. Tiningnan niya iyong ID tapos ako tapos tumungin ulit sa ID. Tapos pinakatitigan ako.
“Manong, 25 years old na ako. Kung tapos ka na sa kakatitig mo sa akin, pwede na bang pumasok?” naiiritang tanong ko.
I always get that look; iyong lagi silang nagdududa kung peke ang ID ko.
Oo na maliit ako. 5'2” compare sa height ni Marie. Mukha ako unano kapag katabi ko siya. Oo na, nasa level ako ng cute hindi sa level na maganda. Oo na ako na ang pandak na walang love life. Masaya na kayo?
“Sorry, ma'am. Sige po pasok na kayo.” Inabot sa akin ng guard ang ID ko. Pagpasok ko sa bar sinalubong ako ng isang waitress.
“Table for how many ma'am?” magalang na tanong ng waitress. Pero dahil nainis ako sa guard at sa mga busy kong kaibigan, sinungitan ko siya.
“Isa lang. May nakikita ka bang kasama ko?”
“Errr, this way, Ma'am. Sa table po. Malapit sa stage,” nagkakanda utal na sabi ng waitress. Para na akong matandang dalaga sa sungit. I sat on a table that is good for two. I ordered my snacks and listen to the person on the stage.
She is there, bravely delivering a poem that is condemning the country. Her words are sharp and with wisdom. I clapped after she bowed. She said her thanks and stepped down on the stage.
Two more poets delivered and then I saw Juan Miguel.
“Magandang gabi po,” bati nya.
Madaming kinikilig sa may bandang likod. Pero mas madaming pumalakpak. Respeto. Ito ang nakuha niya mula sa akin.
“Nandito pala si Ms. Lise,” bati nito. Kinawayan niya ako. Ngumiti naman ako.
“Nakasama ko siya sa mga pictorial ng On the Wings of Love. Isa siya sa pinaka favorite kong photographer,” sabi pa nito.
Wow lang ha Migs, huwag mo akong bolahin.
“Anyway, itong tula na ito ay para sayo. Ito ang huling tulang isusulat ko para sayo.”
And Migs took me to the day I saw Renz for the first time.