chapter 17

1323 Words
hindi niya alam kung paano niya naitawid ang intense na umagang iyon. namalayan na lang niyang pauwi na naman siya sa mansyon. kanina ay hinatid siya ng kuya gavin niya tahimik naman ang lalake sa byahe napansin niyang mariin ang pagkaka kapit ng lalake sa manibela hindi na lang niya iyon pinansin kanina. nang makababa siya ng kotse ay agad pinaharurot ang sasakyan na parang gusto ng umalis agad sa lugar na iyon. ang weird nga eh, nakaupo siya sa waiting sched habang naghihintay ng sundo. nauna na kasing umalis ang mga kaibigan niya. kalahating oras na ang nakalipas pero wala pa rin si kuya larry nagbukas na lang siya ng libro habang wala pa ang sundo niya mag re-review muna siya kagabi ay hindi niya natapos dahil nasakop na ni kuya gavin ang isip niya kaya ngayon niya itutuloy. hindi na niya namalayan ang paligid pati na rin ang pag hinto ng itim na kotse sa mismong harap niya pag angat niya tingin ay nagulat pa siya dahil madilim na. agad tinubuan ng takot ang dibdib niya ng tignan ang oras ay 8:10pm na. ganon na pala siya katagal sa waiting shed. bakit walang kuya larry ang dumating. hindi naman iyon nahuhuli sa pagsundo sakin. niligpat niya ang libro aalis na sana nang biglang bumukas ang pinto ng itim na kotse. "get inside." sinilip niya muna ang driver baka nagkamali lang ito ng pagkakakilanlan. pero ang kuya niya iyon kaya nakahinga siya ng maayos "faster I'm hungry." sabi ni kuya sa naiinip na tinig. bakit ngayon lang Ito dumating. kung Ito pala ang magsusundo sa kanya. hindi na lang siya nagtanong baka magalit pa Ito lalo na't gutom na daw ito. napansin niyang maling direksyon ang tinatahak nito nagtatakang sinulyapan niya ito. pero seryoso lang itong naka tutok ang mata sa daan at hindi nag abalang lingunin siya. umayos na lang siya ng upo at itinuon sa labas ang tingin. hindi niya maintindihan ang ugali ng kasama. okay naman sila kanina bakit parang nag ibang tao na naman ito. kahit ng huminto ang kotse sa harap ng restaurant at bumaba ang kuya niya ay tahimik pa rin siya. binuksan nito ang pinto sa tabi niya at inilahad ang kamay sa kanya. tahimik na tinanggap niya iyon. at inalalayan siya nitong makababa. kahit nang makapasok sila sa kainan ay hindi nito iyon binitawan. tinignan niya ang kamay nilang magkasalikop. ang laki ng kamay nito magaspang at maugat pero masarap sa pakiramdam ang hawak nito habang bahagyang pinisil pisil iyon. tsaka lang siya nito binitawan ng ipaghila siya ng upoan. umupo naman Ito sa kaharap kong banko lumapit ang waitress sa table namin. magalang nitong inabot ang menu. kanin at beefsteak lang ang inorder niya sinamahan na rin niya ng chicken soup. hindi na siya kumuha ng dessert tubig lang sapat na sa kanya. "anything else?" napaangat siya ng ulo ng magsalita si gavin nakatingin lang din sa kanya ang waitress at tila nag hi-hintay pa kong may idadagdag pa siya sa mga inorder niya. "What's your dessert ma'am?" malumanay at tila hindi makabasag pinggan na tanong nito very professional at maganda ang ngiti sa labi nito sana lahat ng employee ay ganito kagalang at marunong uma proach ng customers. nginitian niya ito ng matamis. at saka umiling sa sinabi nito kung anong dessert niya. "tubig lang po ate." ngumiti Ito ulit sa kanya. "noted po ma'am." saka umalis. "kuya mag huhugas lang po ako ng kamay" paalam niya tatayo na sana siya pero nauna pa itong tumayo sa kanya. 'ill come with you" sabi nito sa baritonong tinig "k-kuya kaya ko naman po." pero nag patiuna na itong lumakad kaya napasunod na lang siya. pinapasok na siya nito sa comport room. naghugas lang naman siya at nag suklay ng buhok inayos niya ang pagkaka ponytail ng buhok niya ngayon ay kitang kita na ang leeg niyang nakahantad. inayos niya rin ang uniform niyang nagusot. ng makontento ay lumabas na siya nakatayo pa rin si kuya sa gilid ng pinto na akala mo ay isang magiting na sundalo at ako ang prinsesang pinagsisilbihan nito sa mga oras na iyon. muntik siyang mapahagikhik sa naisip hindi lang natuloy dahil dumapo ang mata nito sa leeg niya. seryoso lang itong umiwas ng tingin doon. nang makarating kame sa mesa namin ay saktong ibinababa na ang pagkain natakam ako sa amoy kaya umupo agad ako. pinikit ko muna ang mata ko bago umusal ng maikling panalangin. una kong kinuha ang chicken soup tinikman ko iyon. "hmmm ang sarap panalo to." sambit ko pa na parang ako lang mag isa sa lugar na iyon. kinuha ko ang kanin at beefsteak na inorder ko sumubo ako ng kanin at humigop ulit ng masarap na sabaw nilagyan ni kuya ng hiniwang beefsteak ang plato ko. "salamat kuya" sabi ko ng hindi na nag abalang tumingin dito. sinusulit ko kasi ang sabaw habang mainit pa. habang sumusubo ako ng kanin ay si kuya ang humihiwa ng beefsteak at nilalagay sa plato ko. kinuha ko ang bowl ng chicken soup dahil ubos na ang kanin ko dinala ko sa bibig ang bowl at hinigop iyon. ang sarap talaga. pag bumalik si nanay soledad ay mag papaluto ako sa kanya ng ganito. tagal na rin kasi since nung last na nag luto si nanay ng chicken soup. na miss ko tuloy. nilapag ko ang bowl ng maubos ko ang laman. magana akong nakakain ngayon at nawala ang hiya ko nang matikman ang chicken soup dito sa restaurant na pinagdalhan sakin ni kuya. sinulyapan ko si kuya pero nakatingin lang Ito sa kin bagama't hindi nagsasalita ay para bang sinisiguro nito na nakakain ba ako ng maayos. akala ko ay tapos na siyang kumain pero wala pang bawas ang pagkain na nasa harap nito. tsaka ko lang naalala na Ito pala ang naghiwa ng beefsteak at binibigay sakin kaya siguro hindi Ito nakakain ng maayos. gumalaw ito para kumain kaya hinintay ko ito. pinapanood ko Ito at hindi ko maiwasang maisip si kuya william dahil may pagkakapareha sa kilos nila kapag kumakain kahit ang pagpunas nito ng tisyu sa bibig ay kapareha ng kay william. kaya nagbaba siya tingin ayaw niya muna mag isip ng mga nakakalungkot na bagay kaya ipinilig niya ang ulo. nang tumayo si kuya ay nag yaya na itong umalis. "salamat po kuya" sabi ko pagkababa ng kotse nito. aalis na sana ako pero pinigilan ni kuya ang braso ko nagtatakang nilingon ko Ito. sumalubong sakin ang seryoso niyang mukha. akala ko ay may sasabihin ito. naramdaman kong unti-unti nitong binibitawan ang braso ko. hindi pa nito lubos na nabitawan ang braso ko ng ako mismo ang humawak sa malaking braso nito. ginamit ko ang dalawang kamay ko para makakapit ng maayos. para maabot ang pisngi nito. "goodnight kuya mahal po kita tulad ng isang totoong kapatid." hindi naman Ito nag salita na. nang makalayo ako dito ay nag wave pa ako bago nagtuloy tuloy sa loob ng mansyon. basta nasabi ko sa kanyang mahal ko siya bilang kuya ay okay na ako. nunkang aamin ako ditong mahal ko Ito hindi bilang isang kapatid. hindi ko yon gagawin. marunong akong tumanaw ng utang na loob sa mga magulang nito at hanggang doon na lang iyon hindi ko isasama sa utang na loob ang personal kong feelings. menor de edad pa ako kung tutuusin dahil kaka-seventeen ko lang. at next year pa ako mag e-eighteen. natawa ako ng pagak sa sarili ko. ako itong nagkakagusto lang kay kuya pero ako rin itong nagki kwestiyon sa sarili na menor de edad pa ako. ano ba tong pinasok niya. bahala na si wolverine este si batman. gusto ko lang talaga mapalapit kay kuya hindi ko naman ito aagawin sa girlfriend nito. hello sikat na modelo kaya ang girlfriend ni kuya siguro kung itatabi ako don ay mag mu-mukha akong mucha-cha non. nakarating siya ng kanyang kwarto na parang tanga kakausap sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD