chapter 16

1329 Words
matapos ang nangyari nung gabing napagsabihan siya ay umiwas na siya sa kuya gavin niya. humingi na rin siya ng sorry kay ate lorien at nangakong hindi na mauulit ang hindi niya pagpapaalam. ilang araw na rin siyang umaalis ng maaga at bago siya umuwi ay kumakain muna siya sa fastfood na malapit sa school nila. ayaw niya muna makasabay sa hapunan ang binata. kaya balik siya sa dating gawi na pag iwas dito. sinasabihan niya si ate lorien na tapos na siyang kumain para hindi na ito mag abalang katokin pa siya sa kanyang silid. abala siya sa pag re-review ng may kumatok sa kanyang pinto tinignan niya ang oras 11pm na dapat ay tulog na siya sa mga oras na ito. pero marame siyang kailangan i-review dahil may exam sila sa wednesday. at ayaw niyang bumagsak nakakahiya naman sa nagpapa-aral sa kanya. tumayo siya at binuksan ang pinto. napaatras siya nang mapagbuksan niya ang binata. hawak nito ang isang baso ng gatas at habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang doorknob "i know you are awake so i brought you milk." he said in a low and serious voice. "kuy..." hindi niya natapos ang sasabihin dito. ng ilagay nito ang hintuturo sa labi para patigilin sa pagsasalita. kinuha ko ang gatas na inabot niya. "go to sleep goodnight." napanganga siya sa sumunod na ginawa nito. inabot ng lalaki ang ulo niyo na bahagyang yumuko tsaka marahang hinalikan siya sa sintido. naamoy pa niya ang mabangong hininga nito. sumulyap pa Ito sa kanya bago ipininid ang pinto. hawak ang gatas na hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari ngayon-ngayon lang. lalo pa't hindi maganda ang huling pakikita namin. "t-totoo..?". dali-dali niyang inilapag ang gatas sa center table. nagpapa pay-pay siya ng mukha gamit ang dalawang kamay habang nagpalakad lakad doon. oh my god nag goodnight si kuya at hinalikan ako hinawakan niya ang sintidong hinalikan ng binata. "shocks" hinalikan niya ako gusto niyang sumigaw sa saya pero hindi niya magawa baka magising pa ang mga kasama niya sa bahay kaya nag pigil siya kinagat niya ang labi na nangingiti. sinulyapan niya ang gatas ininom niya iyon. sumilay ang ngiti sa kanyang labi Ito na yata ang pinaka masarap na gatas na natikman niya sa tanang buhay niya. dahil ang kuya gavin niya gumawa non para sa kanya ay special iyon. napahagikhik siya sa ka-kornehan niya. inubos niya ang gatas ang balak niyang tapusin sana ang neri-review ay natagpuan niya ang sariling nililigpit ang mga nagkalat na libro, notebooks,and ballpen ibinalik na niya iyon ng maayos sa kanyang bag. humiga siya ng may ngiti sa labi. pwede naba kame maging malapit sa isa't-isa. napakagat labi siya. tumagilid ng higa "ang hirap mag isip" gusto ko ituring niya ako bilang kapatid niya sana para maging malapit kame sabik talaga ako sa atensyon ng isang nakakatandang kapatid pero sa kabilang banda ng isip niya ay iba ang sinasabi. nakatulogan na lang niya ang pag-iisip. nagising siya sa tunog ng kanyang alarm. pupungas pungas siyang bumangon. at nag ayos ng sarili siniguro niyang magandang maganda siya pag labas ng silid. nasa bungad pa lang siya ng kusina nang mapatigagal sa tanawin napakagandang tanawin parang gusto niyang sumipol. pumikit pikit pa siya baka nananaginip lang siya ayaw pa niyang gumising kung ganon. pero lumapit si ate lorien at siniko ako nito. "ang gwapo na nga ni señorito gavin tapos ang macho pa ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking katawan ganda." halatang kinikilig ito kaya kinurot Ito sa singit ni ate minda. "tigil tigilan mo nga iyan lorien Ito talaga may larry kana nga. tsaka hindi ka naman papansinin ni señorito no." " eh sino ba kasing may sabi sayo na gusto ko para sa sarili ko si señorito ha. crush ko lang oo pero gusto ko siya para kay ganda" napalingon pa ang dalawa sakin. "a-ako bakit ako" itinuro pa niya ang sarili. "bagay na bagay kayo ni señorito ganda tsaka hindi naman kayo magkapatid kaya pwedeng pwede kayong magka tuluyan." her jaw dropped at wala sa sariling nilingon ang kinaroroonan ni kuya gavin. na abala sa pagluluto at nakahubad baro pa hindi rin ito nag abalang mag suot ng apron. "oh tukso layuan mo ako oh.." usal niya sa isip ang lakas ng tahip ng dibdib niya ngayon lang niya nakita ang upper body ni gavin na walang saplot ang lalaki ng pandesal nito sa tiyan ang dede nitong namumukol gosh hindi niya kayang e-explained iniwas niya ang tingin sa katawan nito dahil nasisilaw siya. binalingan niya ulit ang dalawang makulit sa gilid niya na kanina pa nag sisikohan. "a-ayoko po mga ate bata pa ako menor de edad pa po ako." humagikhik lang ang dalawa. napatda siya ng lumipad ang tingin ni kuya sa amin napatayo naman ng tuwid ang dalawa. "halika na kumain na tayo ericka." napapikit pa siya ng banggitin nito sa masuyong tono ang pangalan niya ang sarap pakinggan pag galing dito. feeling niya ay babaeng babae siya para tuloy siyang nasa ulap ng mga oras na yon. napadilat siya nang may umihip sa kanyang mukha at bumungad sa kanya ang napaka gwapong mukha ng lalake bahagyang tumaas lang ang gilid ng labi nito. bigla yatang umakyat ang init sa mukha niya alam niyang namumula na naman siya dahil sa pagkapahiya sa harap nito nilingon niya ang gilid pero wala na doon ang dalawang kasama nangingiti pa ang mga Ito ng makita niya habang papalayo sa kanila. "saan sila pupunta" iniwan nila ako dito ng hindi ko alam ang gagawin sa harap ni kuya. pero naputol ang pag iisip niya ng hawakan nito ang kamay niya at inakay na siya para umupo bolta boltahing kuryente ang dumaloy mula sa magkasugpo nilang palad bahagya pa nito iyon pinisil. nag angat siya para salubungin ang tingin nito pero sana ay hindi na lang niya ginawa iyon dahil parang nang aakit ang mga titig nito yuyuko na sana siya para umiwas pero hinawakan nito ang baba ko at inangat ulit iyon. "good morning" malamyos na saad nito at hinalikan na naman nito ang sintido ko. hindi pa nga siya nakaka get over sa nangyaring pahalik nito kagabi tapos Ito na naman. parang hihimatayin na siya sa kilig. amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito dahil sa lapit ng kanilang mukha. ang lakas ng pintig ng puso niya para dito. "k-kuya" Ito naman ang napapikit ng bumuka ang bibig niya alam kong iniiwasan nitong mapatingin sa labi ko tumingala pa Ito at kitang kita ko kung paano Ito napalunok. mabilis itong lumayo. at umupo sa silyang kaharap ko. "kumain na tayo baka ma late ka pa. tulala akong tumango dito. hindi ko naiintindihan ang nangyayari dito biglang may pa goodnight and good morning with matching kiss pa. kinakausap na rin ako nito na maayos and take note Ito ang nag luto ng almusal today. may sakit ba siya nauntog ba ang ulo nito.? sa naisip ay walang pagdadalawang nilapitan niya ito at hinikap ang leeg kinapa ang ulo baka nag kabukol ito dahil sa pagkaka untog. "kuya may sakit kaba nauntog ba ang ulo mo" patuloy lang ang kamay niya sa pag kapa sa katawan nito nang pababa na ang kamay niya ay hinawakan na nito ang mga iyon para pigilin. ibinalik siya nito sa pagkaka upo. nang maka upo na rin ito ay tsaka pa lang ulit siya hinarap nito. "I'm not sick and i don't have lumps." hindi niya alam kung natatawa ito o hindi. hindi niya masabi. wala naman kasi siyang mabasa sa gwapong mukha nito. tinuboan na naman Siya ng kilig sa kinauupoan niya. hindi niya masalubong ang mata nitong titig na titig sa kanya. tumikhim siya para alisin ang bara sa lalamunan. "k-kuya pweding mag damit ka muna." "na di-distract ako ang sarap sa mata." gusto niyang idutong napakagat labi siya sa kapilyohan niya. tumayo naman ito at ibinalandra pa sa paningin niya ang mala greek god nitong katawan. "oh boy" mahinang naiusal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD