bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya habang pinag mamasdan ang likod ng papalayong si ericka matapos humingi ng sorry. tumalikod agad Ito. nang mawala sa kanyang paningin ay binalingan niya ang basong may lamang powdered milk na basta na lang nito iniwan. "tss such guilty." nagsalin ulit siya ng alak sa kopita at inisang lagok niya lang iyon baliwala na sa kanya ang lasa ng alcohol he doesn't just get drunk. habang iniisip ang mukha ni ericka na parang maiiyak sa harap niya. "ericka ericka ericka. ang baby ng lahat. this is just the beginning." parang sirang plaka na aniya sa sarili. he turned home to the Philippines to face people full of anger in his heart that had been accumulated for many years. and ericka was first on his list. matagal na niyang gustong paimbistigahan ang totoong nangyari sa aksidenteng sanhi nang pagkamatay ng kanyang magulang. matagal na ang insidenting iyon pero hanggang ngayon ay nasa isip at nandito pa rin sa puso niya ang sakit na kahit kailan ay hindi nawala. sabi sa imbestigasyon ay aksidente ang nangyari dahil nawalan daw ng preno ang sinasakyang kotseng kinalulolanan ng kanyang magulang. ayon na rin kay william at auncle dahil kumbinsido na ang mga Ito sa naging resulta at walang dapat sisihin. parang sariwang nagbalik tanaw sa kanyang isip ang nakaraan.
'umuwi siya ng pilipinas na wala na ang kaniyang magulang at masakit iyon para sa kanya bilang anak. nagtagis ang bagang niya dahil hindi niya kayang makita ang mga magulang na nakahimlay sa dalawang kabaong. na nasa harapan niya kaya lumabas siya para sumagap ng hangin dahil parang kakapusin siya ng hininga sa loob. dito lang din ibinurol sa mansyon ang magulang. dahil gusto nila ng katahimikan at malalapit na mga kamag anak lang ang dumalo sa lamay. nagpunta siya sa likod ng bahay kung saan nandoon ang mga itinanim na bulaklak ng kanyang ina. hindi pa siya nakakarating doon ng makarinig siya ng iyak hindi naman malakas pero dahil palapit siya sa hardin kaya rinig na rinig niya iyon. "mommy daddy bakit niyo po ako iniwan pano na po ako ngayon sino na po ang mag aalaga sakin." hindi na siya lumabas doon. sumandal lang siya sa sliding door habang pinagmamasdan ang batang nakatalikod na naka upo sa duyan habang umiiyak. "ericka anak." napalingon siya sa asawa ng kanyang auncle na si aunte jane na papalapit sa kinaroroonan niya. "gavin hijo anong ginagawa mo dito." tanong nito ng makalapit hindi siya sumagot bagkos ay binalik niya ang paningin sa batang umiiyak. "who is she." tanong niya dito. lumingon Ito sa tinitignan niya. "siya si ericka ang batang kinupkop ng mommy mo wala na rin kasi siyang magulang." nilingon niya ito at tumango na lang nilapitan nito ang bata at pinapatahan. kahit hindi pa niya nakikita ang mukha ng batang iyon ay tinalikuran na niya. tahimik siya hanggang sa mailibing ang mga magulang kahit si william ay hindi rin niya makausap ng maayos. tatlong araw pa ang inilagi niya dito bago umalis pabalik sa america pero ilang taon lang din ang nakalipas ay umuwi siya dahil si william naman ang nakaburol at inilibing niya. nagtagis siya ng bagang. nagpakamatay ang kanyang kapatid. hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit humantong pa sa ganito. hindi niya kaya ang mag tagal dito habang sariwa pa ang sakit na nararamdaman niya. ngayon ay ulilang lubos na siya. ibinilin niya muna ang mga negosyo sa pangangalaga ni auncle bernard at bumalik ulit america.' bumuntong hininga siya at nabalik sa kasalikuyan. pag lipas ng tatlong taon bumalik siya dahil na rin sa pakiusap ng aunte jane niya para magbakasyon. doon ko unang nakita si ericka sa amateur dance contest. Ito yong ericka na mukhang bibig ng lahat kahit ng mga yumaong magulang niya at ni william. maganda bata pa
aaminin niyang mahusay ito sa larangan ng pagsasayaw. Ito lang tinitigan niya buong gabing iyon. habang nasa restaurant sila para mag celebrate ay napansin niya ang bracelet na suot nito pati ang kwentas at hikaw isang set iyon. ako nga pala ang bumili non para hindi na mahirapan ang kapatid ko sa pag iisip kong ano ang ipapasalubong sa batang si ericka noon. hindi niya alam kung saan Ito nanggaling dahil nong umalis siya ng bansa ilang buwan pa lang ang nakalipas ay sinabi ng kanyang magulang na nag ampon daw sila ng batang babae. wala na daw itong magulang. yon lang ang alam niya.
kaya para malaman ay kinausap niya ang isang kaibigan para gumawa ng imbestigasyon para alamin. ang background nito out of curiosity kaya ginawa niya iyon. isang linggo bago natanggap ang resulta at nalaman iyon ng kanyang uncle kinompronta siya nito at nagkaroon sila ng hindi magandang pagkakaunawaan hindi niya alam kung bakit ganon na lang nila protektahan ang batang iyon. kaya mas sumugid pa ang kagustohan niyang malaman kung anong meron dito. nagngit-ngit siya at pinag susuntok ang lamesa sa study room. ito ba ang dahilan kaya nila ako kinumpronta. nilamukos niya ang papel na hawak sa nalaman. ito ang dahilan kung bakit mas piniling ibunggo ng kanyang ama ang minamanehong sasakyan. dahil humarang Ito kasama ng isa pang bata na nasa gitna ng kalsada. buti na lang ay pina imbestigahan niya ito at higit pa pala doon ang kanyang malalaman tungkol dito. dahil kung nag kataon na nagtanong lang siya sa mag asawa tungkol dito ay malamang hindi rin sila magsasabi ng totoo at pagtatakpan lang nila ang ginawa nito. sa anong dahilan dahil ba bata pa si ericka noon at wala pa rin sa legal age hanggang ngayon. kaya hindi pa pwedeng makulong. dahil sa nalaman ay nag talo ulit sila ng kanyang auncle at auntie ang dahilan ng mga ito ay walang kasalanan si ericka at aksidente lang ang nangyari. pinoprotektahan nila ang babaeng iyon kaya wala siyang nagawa. pero hindi siya pweding tumahimik na lang at walang gawin.
nagawa pa niya itong sundo-in sa paaralan nito nong araw na yon para tanongin at makita mismo kung magsasabi ito ng totoo pero habang nasa byahe sila ay nagbago ang isip niya. hindi niya ipinahalata na may nalaman siya tungkol dito kahit pa nagngingit na siya sa galit. dahil sa nangyari ay bumalik siya ng america. ilang beses pa siyang nagpabalik balik dito. hanggang sa nakita niya ang sarili na pumasok sa loob ng silid ng kanyang kapatid. may hinahanap siya doon dahil
alam niyang hindi kompleto ang imbestigasyon na isinagawa niya alam niyang hinaharangan siya ng kanyang auncle. kinuha niya ang cellphone na nakatago ng maigi kasama ng isang sobre na hindi na nila pinagka abalahang buksan. hindi na mabuksan ang cellphone kaya isinaksak niya ang charger baka wala lang battery iyon at gumana naman.
binuksan niya ang sobre. sulat kamay iyon ni william. para kay ericka.
"hi sweetie pasensya kana dahil duwag si kuya
idinaan ko na lang sa pamamagitan nito ang nararamdaman ko para sayo sa totoo lang ay hindi talaga kita gusto maging kapatid. napakunot nuo siya. at pinagpatuloy ang pag babasa. alam mo sweetie habang lumalaki ka ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sayo sa simpleng tawag mo sakin ng kuya ay nasasaktan ako dahil alam ko naman na hanggang doon lang ang tingin mo sakin at masyado ka pang bata kahit anong gawin ko ay hindi rin papayag sila aunt na magtapat ako sayo dahil umpisa pa lang ay hindi kana magiging akin nasasaktan ako sa isiping iyon. na may tao ng nakalaan para sayo. pero alam kong nasa mabuting kamay ka at mamahalin ka niya hindi man ngayon. pero alam kong mangyayari yon hindi ka mahirap mahalin sweetie kaya nga nahulog ako sayo. siguro ay wala na ako pag nabasa mo Ito sa ngayon ay itatago ko muna. huwag mong sisihin ang sarili mo sweetie sa mga nangyari sayo babantayan kita kahit wala na ako mahal na mahal kita sweetie. hindi ko man masabi sayo pero ipinaramdam ko yon sayo. hanggang dito na lang. nagmamahal kuya william. pinunit niya ang papel pati ba naman si william ay nawala ng dahil sa kanya. nagpupuyos siya sa galit binuksan niya ang cellphone habang naka charge good thing dahil wala iyong password sinadya yata ng kanyang kapatid na hindi iyon lagyan kilala niya ito maingat sa gamit lalo na sa mga personal ng bagay. bumungad sa kanya ang litrato ni ericka na ginawang wallpaper nito.
stolen shot iyon at napakaganda nito doon talagang nakaka akit. tinignan pa niya ang mga litrato sa gallery nito halos si ericka ang mga nandoon at puro stolen shot nakita niya ang isang litrato na nakatingin si william kay ericka na puno ng pagmamahal para dito. yon ang sinasabi ng mga mata nito. hindi niya na tinapos iyon at niligpit niya pabalik ang gamit ng kapatid bago siya lumabas ng silid na iyon ay nakabuo na siya ng plano. ngayon alam niya na kung bakit hinaharangan ng kanyang auncle ang pag iimbestiga niya. ganon ba talaga sila kasabik na magkaroon ng anak kaya ganon na lang nila kung proteksyonan si ericka total ay wala naman ang kanyang mga magulang bakit hindi nila tuloyang inampon Ito. may iba paba silang dahilan kung bakit hindi nila inampon.?" I admit that the first time I saw her. I was fascinated by her beauty and I felt love at first sight. there was even a time when he was stunned by it. but after everything I discovered about from her I immediately killed whatever I felt about it. kung hindi niya pipigilin ang sarili ay mahuhulog din siya dito tulad ng kapatid niya and he would never let that happen. young and innocent yes kaya minahal Ito ni william but his love for ericka pushed him to take his own life. because he found out that he was not the man for ericka. and someone else was mean for her. he must also find out who the man is referred to in the letter. kahit protektahan at ipagtanggol pa Ito ng sarili niyang kamag anak. no one can stop him.
hindi siya nagpaka dalubhasa sa america para lang sa wala babalikan at hahanapin rin niya ang mga lalaking kumidnap at nagpahirap sa kanya ng ilang araw at pilit pinagamit ng illegal na droga siyam na taon na ang nakalipas at may ipinagahasa pang menor de edad. naikuyom niya ang kamao nang maalala ang pangyayaring iyon. ipinakiusap niya sa kanyang ama ang batang nadamay dahil sa kalaban ni daddy sa pagka gobernador noon kaya siya ipinakidnap ng kabilang kampo para palabasin na nangmolistiya siya ng menor de edad at nang sa ganoong paraan ay matalo o kusang umatras ang kanyang ama. pero hindi iyon nangyari dahil si Gilbert miller pa rin ang nanalo sa pagka gobernador. pero isang taon pa lang ang nakalipas nang mangyari nga ang aksidente dahil kay ericka. kahit malabo ang kuha sa CCTV ng mga panahong iyon at hindi kita ang mukha ng batang babae na nasa gitna ng kalsada ay kinumpirma naman Ito ng mga police na isang ericka ocampo at nasa poder daw nila ang batang iyon. "sa anong dahilan bakit hanggang ngayon ay minamahal at pinoprotektahan pa Ito ng kanyang auncle at auntie. malalaman ko rin iyan." malapit na niyang makalahati ang isang bote ng wine. nagsalin siya ng panibago at inisang lagok iyon. magbabayad ka ericka hihinay-hinay kita para mas maramdaman mo rin ang sakit na dulot ng ginawa mo sakin. mas sobra pa ang gagawin ko sayo hanggang sa ikaw na ang kusang umalis sa pamamahay ko.
iyon ang itinatak niya sa isip bago siya tumayo
at lumakad patungo sa kanyang kwarto.