chapter 14

1765 Words
nakabalik ako ng silid ko na nasa aking isip pa rin ang sinabi ni ate lorien na hinahanap daw ako ni kuya gavin. "hmm bakit pa kasi niya ako hinahanap hindi ko na naman tuloy mapigilan ang mag assume" humiga siya para itulog na lang ang problema ng puso niyang pasaway na mahilig umasa sa wala. "ano ba kuya umalis kana sa isip ko may pasok pa ako bukas" mukhang hindi na naman siya makakatulog agad dahil dito. ayaw mapuyat baka maging lutang na naman siya sa klase nila bukas. pero sa awa ng diyos ay dininig naman ang kanyang hiling na makatulog kahit papano nagising siya kinabukasan na may energy para pumasok sa school at harapin lahat ng dapat sasagutang problems na ibibigay ng mga guro. "I'm readyyyyyyy.!!!!"sigaw niya sa loob ng kanyang silid.masigla siyang bumangon ang mindset niya ay mag aral ng mabuti para pag makapag tapos siya ay siya naman ang babawi sa mga taong tumulong sa kanya mula pagkabata. gusto niya maging nurse balang araw. aalagaan niya ang mag asawang miller at siya ang titingin sa kalusugan ng mga ito. iyon din sana ang gusto niyang gawin sa mommy at daddy niyang sina Mr. and Mrs diane miller pero malabo ng mangyari iyon. dahil sa isang aksidenteng ilan taon ng nakalipas. matapos siyang mag bihis ay lumabas siya ng kwarto na dala ang magandang ngiti nakasalubong pa niya si kuya gavin sa pasilyo na bagong ligo lang din at fresh na fresh itong tignan. "good morning po kuya gavin." masiglang bati niya at sa sobrang taas ng energy niya ay nagawa niya pa itong ngitian ng matamis at "mahal na mahal po kita kuya" dahil hindi niya ito mahalikan sa pisngi at mayakap kaya yon na lang ang naisatinig niya. tinalikuran na niya itong mataas pa rin ang energy at hindi na naisip kung ano ang nasabi niya kay gavin. "good morning po at lorien." bungad niyang bati dahil naghahanda na Ito ng almusal. "good morning din ganda ang ganda yata ng gising natin ngayon ah." nginitian niya ito ng matamis. "maganda pa po ako sa umaga ate." nag bibirong sabi niya dito nagtawanan silang dalawa. "yes you are beautiful very beautiful." pareho kameng natigilan ng pumasok sa kusina at magsalita ng seryoso si kuya gavin nakatutok na naman ang mata nito sa kanyang mukha. "ay totoo po tama kayo señorito gavin kaya nga po ganda ang tawag ng karamihan sa kanya eh." parang hindi pa aware si ate lorien sa titig sakin ni kuya gavin kaya patuloy lang Ito sa pagsasalita. "k-kuya nag bibiro lang po ako." at sabay senyas ng tingin kay ate lorien na tama na look. pero hindi nito napansin dahil kumuha Ito ng malamig na tubig sa ref. "well I'm joking I'm true to my words." mahina pero siniguro nitong maririnig niya ang bawat kataga. "hindi ako marunong mag biro." dagdag pa nito ang mataas na energy niya kanina ng gumising siya ay biglang naglaho na parang hinigop ng kanyang kaharap. lumakas ang pintig ng puso niya. heto at mukhang pinakilig pa siya ng to the highest level. ng kuya niyang kamukha ni wolverine tama Ito nga ang kamukha ni wolverine sa palabas na x-men "crush ko pa naman si wolverine" hay naku kailan paba ako titigil sa kahibangan ko. ngumiti na lang siya dito ng bahagya kahit hindi niya alam kung ngiti pa ba iyon o ngiwi na bahala na ito ang umintindi nang mailapag ni ate lorien ang tubig ay nag usal na rin siya ng maiksing dasal pag mulat niya ay nakapikit din pala ito. na parang sinabayan siya sa pagdadasal agad niyang iniwas ang tingin baka mahuli pa siya nito mahirap na hindi niya alam kung ano pa ang isasagot sa pagkapahiya. kumain na siya para maiwan na niya si wolverine este si kuya pala ano ba yan kaka wolverine niya. baka mamaya pumasok na rin sa isip niya ang buong cast ng x-men the last stand. nauna akong natapos kumain dito kaya tumayo na rin agad. nag paalam ako kahit hindi ito sumagot ay tinalikuran ko na ito sana'y na akong hindi ito sumasagot pag kinukumusta ko weather-weather na lang talaga. pag hindi ito inabot ng katamaran mag salita. pero pag mag salita naman ay ma no-nose bleed ka dahil kargado ng spokining inglis. nakalimutan na siguro nito na ako ay pilipino sa puso't diwa. more practice na lang talaga selp. naghihintay na si kuya larry pag labas ko ng mansyon kaya sumakay na ako agad. sabado bukas mamaya ay pupunta sila ng mall para ibili ng mga bagong damit ang mga bata sa bahay ampunan. isasabay ko na lang din mamaya ang ipapadala kong pera para sa pamilya ni nanay soledad. para isahang lakad na lang. nang makababa ako sa kotse ay nakita ko na naman ang lalaking nakabunggo sakin kahapon nakatayo Ito sa gilid ng entrance kaya napansin ko. nakilala niya ako agad bago sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi nito. pamilyar talaga sa kanya ang mukha nito iniisip niya kung saan niya Ito nakita. hindi ko ito pinansin at deritso lang ang lakad ko. hindi ko talaga gusto ang presensya ng lalaking Ito. nakita ko si grace at hinila ko Ito agad palayo sa entrance nagtatakang napasunod siya sakin. lakad takbo ang ginawa namin para lang makalayo sa taong hindi ko naman kilala pero pamilyar sakin. nang makalayo kame ay hinihingal kong tinignan si grace. "sissy naman kulang na lang lumipad tayo sa sobrang bilis natin sino ba tinatakbohan mo.?" reklamo nito na nakayuko habang nakatungkod ang dalawang kamay sa tuhod. "may lalaki kasi nabunggo niya ako kahapon at hindi ko gusto ang pagkakatingin niya sakin habang nakangisi nakakakilabot." kwento niya dito. "talaga asan isumbong ko kay kuya gavin" "seryoso si kuya talaga?hindi pa nga ako sure kung sino iyon at kung ano ang pakay niya." Sabi niya habang nililinga ang lalaki kung nakatingin pa ba sa kanya. ang weird talaga ng lalaking yon kahapon ko lang nakita pero shocks kahit sino ay matatakot sa ngisi nito. may itsura naman sana ang lalaki at tingin niya ay may kaya din sa buhay dahil maayos naman ang pananamit napansin pa nga niya ang mamahaling relo ng lalaki. "ouch" magkasabay nilang daing ni grace dahil sa biglang paglingon niya hindi niya alam na magkalapit lang ang kanilang ulo. " ano ba Kasi tinitignan mo sissy ang sakit tuloy ng noo ko." napakagat siya ng labi at isang sulyap pa ang ginawa niya mula sa kinaroroonan ng lalaki bago ito hinarap ulit. "sorry sissy hindi ko napansin na nakatanaw ka rin pala." hinawakan niya ang noo nitong namumula. "curious lang naman ako kung sino yong lalaking sinasabi kasi naman kanina pa ako nag sasalita dito hindi mo naman ako naririnig." nanghahabang nguso na saad nito. "ayan may bukol ka tuloy." napahawak naman siya sasariling noo. tama nga Ito may nakapa siyang bukol doon. napabuga siya ng hangin " I'm sorry talaga sissy hindi ko sinasadya. halika punta na tayo ng room natin." yaya niya dito na sinang ayunan naman nito agad. iwinaklit niya ang lalaking nakabunggo niya kahapon. lalayoan na lang niya para hindi siya makaramdam ng takot. matapos ang klase nila ay pumunta nga sila ng mall para bumili ng pasalubong sa mga bata. at naihulog na rin niya ang pera na para sa pamilya ni nanay soledad. nagpadala na rin siya ng mensahe para alam ni nanay at magamit nila bukas. kumain na silang magkakaibigan sa bahay nila grace. para pag uwi ay mag papahinga na lang sila. dito kasi nila dinala ang mga pinamili at nagtulong tulong silang ibaba iyon at ipasok sa loob ini-arrange pa nila iyon at nilagyan ng mga pangalan para hindi mag agawan ang mga bata. "salamat sa inyo guys sa paghatid sakin goodnight." paalam niya sa kanyang mga kaibigan bago siya pumasok sa loob ng gate 10pm na ng gabi kaya patay na rin ang ilaw sa loob ng mansyon. gamit ang sariling susi ay pumasok siya ng hindi gumagawa ng ingay dumeritso siya sa kusina para mag timpla ng gatas. pero halos mapatalon siya sa sobrang gulat at muntik pang mapasigaw ng buksan niya ang ilaw dahil naroon lang naman si kuya gavin naka upo habang umiinom ng wine hindi man lang ito nagulat kahit nang buksan niya ang ilaw. samantalang siya ay halos iwanan na ng espirito niya sa sobrang gulat dito. napahawak siya sa dibdib na malakas ang tahip "where have you've been." baliwalang tanong nito at nagsalin ng wine sa kopita. "k-kuya nagulat ako sayo." dahan dahan niyang tinungo ang lalagyanan ng baso kumuha ng isa nagpainit muna siya ng tubig sa heater bago ng lagay ng powdered milk. "tss such a baby." mahina pero marinig niya iyon. "you haven't answer my question yet." hinarap niya ito kahit naiilang siya at malakas ang tahip ng dibdib. ay hinarap niya ito. "galing po ako sa bahay nila grace kasama ng mga kaibigan ko may ginawa lang po kame." magalang niyang sagot dito. "is it this time that a smart student goes home.?" natahimik siya sa tanong nito. " you didn't even say goodbye to lorien so she didn't cook dinner for you." nakagat niya ang labi. nakalimutan niya si ate lorien sa sobrang dami ng ginawa niya ngayong araw. "s-sorry po." nakayukong humingi siya ng paumanhin dito. ito ang unang pagkakataon na napagsabihan siya nito mula nong nagpabalik balik Ito dito sa pilipinas. gosh para siyang maiiyak hindi siya sana'y na napagsasabihan at Ito pa lang ang unang beses. sumosobra naba talaga siya.? kahit iniingatan niya ang bawat kilos na ginawagawa niya. para hindi siya mag kamali. at bawat salitang lumalabas sa bibig niya para lang hindi makasakit ng kapwa. pero nagkamali yata siya sa pagkakataong Ito aminado siya don. kaya nga parang maiiyak siya pero hindi niya hinayaang tumulo ang luha pina kalma niya muna ang sarili ilang minuto pa siyang tahimik na nakayuko lang kahit pa narinig na niya ang pag click ng heater senyalis na tapos ng kumulo ang tubig ay hindi siya nagpatinag. nag angat siya ng tingin dito kita niya ang seryosong mukha na hindi mo kababakasan ng kahit anong emosyon. hindi rin niya masabi kung galit ba Ito o hindi. deritso itong nakatitig sa mata niya. siya ang hindi nakatagal sa paninitig nito kaya nag iwas siya ng tingin huminga muna siya ng malalim. "I'm sorry po kuya hindi na mauulit. dahil sa nangyari ay hindi na niya itinuloy ang pag timpla ng gatas at umakyat na lang sa kanyang kwarto bukas na bukas ay hihingi din siya ng tawad kay ate lorien.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD