tahimik lang kame habang hinihintay ang sagot ni lexter sa tanong ni grace. pumikit ito ng mariin
at halatang problemado. ngayon ko naisip na kung hindi ko siya kinulit kanina ay hindi Ito mag kakaganito sinisisi niya tuloy ang sarili kung sana ay nanahimik na lang siya. aawatin ko sana siya na huwag na lang mag salita pero mukhang desidido na itong mag tapat. bumuntong hininga Ito. "I love her"
mahinang usal nito at iniyuko ang ulo.
"who" nanantiyang tanong pa ni grace.
"my sister maliah. I f*****g love her and I don't know what to do about my feelings akala ko ay ordinaryo lang ang nararamdaman ko para sa isang kapatid and f**k she's so young and innocent. lumayo na ako para pigilin ang nararamdaman ko inaamin kong naging makasarili ako. pati magulang namin ay sinuway ko gusto kong magalit sakin si maliah para madali ko na lang siyang kalimutan pero hindi umaayon sakin ang panahon. kapatid ko yon guys masyadong immoral at napakabata pa f**k" nagugulohang amin nito habang sinabunotan ang sariling buhok. yumuko Ito sa lamesa para itago ang emosyong biglang naungkat maya-maya lang ay yumog yog na ang balikat ni lexter. "a-ayoko nito guys natatakot akong baka hindi ko mapigilan ang sarili ko nahihiya ako sa inyo pero ano ba dapat ang tamang gawin sa ganito? nagugulohan na ako.!" mahina nitong daing. tahimik lang kame at walang nag tangkang magsalita
kahit ako hindi ko rin alam ang sasabihin dito
nakikita ko ang sarili ko kay lexter may nararamdaman din ako kay kuya gavin kaya ginagawa ko lahat para pigilin ang feelings ko kay kuya kahit pa hindi kame totoong mag kapatid at hindi lingid sa karamihan iyon.
bukod sa may girlfriend na si kuya ay tumatanaw din ako ng utang na loob sa mga taong tumulong sakin. hinayaan lang naming
umiyak si lexter habang nakayok-yok wala kameng karapatang husgahan Ito dahil una sa lahat ginagawa rin nito ang lahat ng paraan para pigilan ang nararamdaman para sa kapatid. hindi madali ang pinagdadaanan nito kaya hinayaan lang naming ilabas nito ang prostration. nang huminahon ay saka pa lang ito nag angat ng paningin sa amin. binigyan ko Ito ng nakakaunawang tingin. tumikhim muna Ito
para tanggalin ang bikig sa lalamunan.
"pasensya na kayo ayoko sanang makita niyo ako na ganito kahina sa harapan niyo" nahihirapang saad nito. tumayo si grace para yakapin Ito ng mahigpit. "napakatapang mo lexter alam mo ba yon? kahit ako siguro ang nasa sitwasyon mo ay hindi ko rin alam ang gagawin." ani grace habang pinipigilan ang umiyak. kahit ako rin naman hindi ko alam ang gagawin sasarilinin ko na lang siguro ang sakit.
bigla namang tumulo ang luha niya ng hindi niya namamalayan kinapa niya ang sariling pisngi at saka pinunasan agad ng likod ng palad tumingala siya at pumikit pikit para maiwasan ang panibagong pag balong ng luha at nag tagumpay naman siya. nilingon niya ang mga kaibigan si dom ay kanina pa Ito umiiyak hinawakan ko ang kamay nito alam ko namang hindi ito seryoso sa nararamdaman nito para kay lexter kaya Ito umiiyak. umiiyak Ito dahil alam niyang nasasaktan ang isa sa mga kaibigan namin. nang tignan ko naman si nathan ay tahimik lang Ito at seryosong nakikinig hindi rin ito nag komento. hinawakan ng libre kong kamay ang kamay ni nathan na nakapatong sa mesa at pinisil iyon. ganon din ang ginawa niya sa kamay ko. "alam naming makakaya mong lagpasan ang lahat ng iyan pare. basta gawin mo lang kung ano ang nararapat huwag kang gagawa ng hakbang na ikagagalit ni maliah
ayaw naming dumating sa punto na itakwil ka ng sarili mong magulang bata lang si maliah at kapatid mo pa kahit bali baliktarin pa natin ang mundo iisa lang ang dugong nananalaytay sa inyo. kaya habang maaga pa ay kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mong iyan. tama ka masyadong immoral. kahit yon na lang ang tandaan mo. pare marami pang mag babago ituon mo sa iba ang feelings mo. huwag lang sa nakababatang kapatid mo. huwag kang mag fucos sa nararamdaman mo. bata kapa rin naman hindi lang sa kapatid mo iikot ang mundo mo kaya huwag mong hayaang sakopin ka ng kahinaan believe me pare marame pang mangyayari" mahabang latag na salaysay ni nathan. ito ang isa sa pinaka nagustuhan niyang ugali ni nathan tahimik lang ito at makikinig sa hinaing ng bawat isa pero pag nag advice na Ito ay tatatak talaga sa isip mo. para sakin ay tama pinupunto nito. nasayo na lang kung iaapply mo o hindi. natahimik kameng lahat habang pinapakiramdaman namin si lexter bumalik na rin sa upoan niya si grace. "bilib ako sayo lexter hinaharap mo ang lahat ng hindi nila alam kung ano ang tunay mong dahilan. para lang hindi makasakit mas gugustuhin mo pang ikaw ang maging masama sa paningin nila" hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit. "nandito lang kame para sayo" ani dom para pagaanin ang loob nito. tumayo si nathan at kumuha ng maiinom. ng bumalik Ito inabot nito ang tig isang bote ng beer kay lexter at dom juice naman ang sa amin ni grace. "baka masobrahan kayo guys mag da-drive pa kayo pauwi"
nag aalalang si grace. " ngayon lang naman ito
hindi naman nakakalasing ang beer. kung tamaan man sila ng alak ay ako na ang magmamaneho at sa bahay ko na lang muna sila patutulogin" tukoy ni nathan kay dom at lexter alam kasi nitong mababa lang tolerance ng dalawa sa alak habang si nathan ay kayang controlin ang sarili sa pag inom lalo pa't kung alam nito na may ihahatid pa siya. nakikita kasi naming mag papakalasing talaga ngayon si lexter. sana lang kinabukasan ay okay na ang lahat dito. kumuha kame ng pagkain ni grace
para makakain muna sila bago uminom.
ng mga bandang 10pm na ay nagpa alam na rin ako sa kanila dahil nag text na si mang mando na nasa labas na raw ito. inihatid pa ako ni grace sa labas ng gate nila kumaway ako dito ng makasakay na ako sa kotse.
kinaumagahan ay maaga akong nagising
tulog pa sila nanay soledad kaya ako na rin ang nag luto ng almusal namin. ng matapos ay umakyat muna ako sa kwarto ko para gumayak
bago ako kumain. nagpa hatid ako kay kuya larry sa bahay nila grace nag bilin kasi Ito kagabi na sabay na lang daw kameng pumasok.
duda kasi kame kung makakapasok ba tatlo ngayon lalo pa't naka inom sila kagabi.
pagdating namin sa bahay nila ay saktong nasa labas na rin si grace at ako nga ang hinihintay nang makababa ako sa kotseng minamaneho ni kuya larry ay sumakay naman kame sa kotse nila grace at ang daddy nito ang magmamaneho
kinumusta ko muna si tito at bumati na rin ako ng good morning dito bumati din ito pabalik bago ini start ang sasakyan. nang makarating kame sa university ay nagkatinginan pa kame ni grace dahil nandon na ang tatlo at parang walang nangyari na nginitian pa kame.
dahil maaga pa naman ay pumunta muna kame canteen buti na lang ay maagang nag bubukas iyon at may mga nakaluto na agad.
hindi pa daw kasi kumakain si dom at lexter dahil nahuli ng gising. naging abala sila pare pareho sa kanilang subject hindi niya namalayan na tapos na ang klase sabay silang lumabas ng school nag hiwa hiwalay lang sila ng nauna ng umuwi si lexter,dom,at nathan dadaanan pa kasi ng dalawa ang mga sasakyan nila na nasa bahay pa nila grace dumating na rin ang daddy ni grace kaya siya na lang ang naiwan mag isa. habang nakatayo ay may biglang bumunggo sa kanya hindi naman malakas pero napaatras pa rin siya at nalaglag ang mga gamit na kipkip niya. "I'm sorry" hinging paumanhin agad ng nakabunggo niya pag angat niya ng tingin dito ay naka ngisi lang ito. na parang hindi naman sensero sa pag hingi ng tawad. at parang nakakaloko pa. kinakabahan siya sa taong ito
kinilabutan siya ng madaiti sa kanyan kamay ang kamay nito dahil yumuko Ito at tinulangan siyang damputin ang kanyang mga gamit.
"dalagang dalaga kana hindi ko akalain na lalaki ka ng ganyan ka ganda" kinabahan siya sa sinabi nito dahil iba ang dating ng tono nito
bakit parang kilalang kilala siya nito?. nagmamadali niyang pinulot ang mga gamit para makalayo dito pakiramdam niya ay meron itong hindi mabuting gagawin. buti na lang ay dumating na si kuya larry at bumusina Ito dali-dali akong lumapit sa kotse sinulyapan ko pa ang lalaki nakangisi pa rin ito bago tumalikod. huminga muna siya ng malalim bago buksan ang pinto ng kotse
"kilala niyo ba iyon ma'am?" napansin din pala ni kuya larry ang bumonggo sakin. "hindi nga po eh. nabangga niya ako kani kanina lang nagmamadali po yata" sabi niya dito. kahit kinakabahan ay hindi niya ipinakita dito.
tumango naman ito at saka pinaandar ang kotse paalis. nagpasalamat muna ako kay kuya larry bago pumasok sa loob ng mansyon. napansin niya ang isang magarang sasakyan na kulay puti. nagtataka siyang pinagmasdan itong maigi nasisiguro niyang hindi Ito ang sa kuya gavin niya. pumasok na lang siya sa kabahayan para tignan kung sino ang dumating ang alam niya kasi ay sa susunod na buwan pa ang uwi ng mag asawa. nang makarating siya sa sala ay nakita niya ang isang napakagwapong lalaki kasing taas Ito ng kuya gavin niya at parehong malaki ang katawan. wait Ito yong lalaki na dumalo sa birthday party ng mama ni grace kahit naka uniform Ito ng pang sundalo ay namukhaan pa rin niya ito "hi i think i know you" malaki ang boses nito at makapal din. "What's your name?" hindi ko pa nga nasasagot ang unang tanong nito ng mag tanong na ulit Ito kung ano ang pangalan ko. "h-hello I'm ericka nice to meet you po"magalang kong pagpapakilala. "I'm edward dela vega nice to meet you too"
hindi ko na nagawang tanggapin ang kamay nitong naka lahad ng may tumikhim sa likod ko na umagaw ng atensyon ko mula sa lalaking kausap ko. kilala ko ang tunog ng tumikhim na iyon wala ibang nag mamay ari non kundi si kuya gavin lang. pinanabikan niya rin pala kahit ang boses lang nito. dahan dahan akong humarap dito. "k-kuya kamusta po" nanulas sa aking bibig pero hindi ko na nagawa pang dugtungan ilang beses ko pa ba itong kakamustahin tapos ang ending hindi rin siya sasagot buti pa noong nagkasakit ako ay kinakausap pa ako nito ng maayos at inalagaan pa. siguro kailangan ko ulit magkasakit baka sakaling kausapin ako ulit nito.
"bro magkapatid pala kayo?we meet at the birthday party that was yesterday" palakaibigan naman ang tono ng boses nito. hindi tulad ng kay kuya gavin na parang nang u-uyam.
"tss at the party" bagama't na mimiss ko siya pero natatakot naman ako sa tono ng boses nitong ginamit ngayon. mahina and yet nakakasindak masama ba ang pumunta sa birthday ng mama ng kaibigan ko?.
"bro halika na baka ma late tayo sa meeting"
doon niya lang din napansin na naka suot din pala si kuya ng military uniform. at talagang gwapong gwapo ako dito matikas ang pagkakatindig bagay na bagay sa kanya ang suot sa laki ba naman ng katawan nito kaya tama lang talaga dito ang propesyon niyang sundalo. Ito ang unang beses na nakita ko siyang naka military outfit at parang hindi ko kakayanin dahil sobrang gwapo ni kuya. "done eyeing me." napahiya pa tuloy ako sa turan nito. ang gwapo kasi kaya hindi ko napigilang matulala saglit. "saglit lang naman" sa isip niya pero ang saglit na pagkatulala niya ay napilitan ng kaba napako kasi siya sa mata nitong parang nang hihigop kung makatingin sa kanya. bumibilis na naman ang t***k ng puso niya sa titig pa lang nito. kaya para hindi na lumala ay magpapaalam na siya. "k-kuya aakyat na po ako" mahinang paalam niya. "bye ericka nice to meet you again" si kuya edward paalam na rin nito ngumiti ako ng bahagya dito at lumakad na palayo sa kanila. pagdating sa silid ko ay tumakbo agad ako sa bintana gusto ko pang makita si kuya ng matagal hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw para hindi ako nito makitang sumisilip. sakto namang nasa labas na sila at may pinag u-usapang importante dahil seryoso ang kanilang mga mukha. biglang nag angat si kuya ng tingin na ikinakaba ko ng husto dahil sa bintana niya ito nakatanaw pero nakasarado naman ang bintana niya at madilim sa kanyang kwarto. tinapik pa ni kuya edward ang balikat ni kuya at nauna ng sumakay sa kotse nito. samantalang si kuya ay ilang sandali pa ring nakatanaw sa bintana ko bago ito sumunod sa kotseng sinakyan din ni kuya edward. napahawak naman siya sa dibdib dahil sa kaba. "muntik na ako don" medyo madilim na kasi ang paligid kanina pag uwi nila ni kuya larry dahil dumaan pa kame sa books store para bilhin ang mga kailangan sa project na gagawin niya. matapos makapag bihis ay bumaba siya para kumain. nagtatakang hindi niya agad nakita si nanay soledad dahil ganitong mga oras ay naghahanda na iyon para sa hapunan. "ganda hinahanap mo ba si manang soledad?" si ate lorien dahil Ito lang ang nandoon na naghahanda. "opo kanina kasi pagdating ko ay hindi ko agad sila nakita pati si ate lanie." nagtatakang sagot niya dito.
"ay ganda umuwi sila sa probinsya nagkaroon yata ng emergency sa pamilya nila. hindi mo ba tinignan ang message nila sayo?" doon pa lang
niya naalala ang cellphone niya. umiling siya dito. "hindi ko pa po tinitignan ang cellphone ko mula kanina ate lorien." nag alala tuloy siya hindi man lang siya naka pag abot kahit konting tulong sa pamilya nila. "huwag ka mag alala ganda babalik daw sila agad. nag paalam sila kay señorito gavin at pinayagan din sila ni ma'am mary jane nandito naman daw ang kuya mo para tumingin tingin sayo." tamango na lang sa turan ni ate lorien. bukas mag papadala siya ng tulong para sa mga ito i se-send na lang niya sa pangalan ni nanay soledad. "halika na po ate kain na po tayo" yaya na lang niya dito. "ate anong oras po dumating si k-kuya" nahihiya niyang tanong. "kagabi pa dumating ang kuya mo ganda hinanap ka nga niya kaninang umaga para sabay na kayo mag almusal sabi ni manang soledad maaga ka umalis." napalunok ako sa narinig. siya hinanap ni kuya?.