chapter 12

2424 Words
aaminin kong naaliw ako nitong mga nakaraang linggo naka alis si kuya gavin ng hindi ko iniinda ang munting sakit sa dibdib ko dahil nandiyan ang mga kaibigan ko. nong araw na dumating sila tita galing business trip nila ay yon din ang araw na umalis si kuya gavin. pagkatapos naming mag dinner non ay dumiretso na ito sa airport. hindi rin ako makatingin sa kanya kahit pa alam kong nakatitig na naman siya sakin. dahil naalala ko lang ang tagpong halos hubad na ako sa paningin nito. araw-araw ko kasama ang mga kaibigan ko pero hindi naman kame lumalayo pagtapos ng klase namin ay umuuwi kame agad pag sabado nasa the house of angel's naman kame pumupunta mag hapon kameng nasa bahay ampunan dahil gusto namin maglaan ng panahon para sa mga bata at iyon nga ang naisip naming magkakaibigan kung baga Ito na yung gagawin naming tulong para sa charity hanggang sa magkaroon na kame ng pamilya hangga't kaya pa namin ay tutulong kame. every sunday naman ay nagsisimba ako. pagkagaling ko ng simbahan ay minsan nagkakayayaan kameng mag kita-kita sa mga bahay lang din namin nakarating na rin kame ng bahay ni nathan at lexter. at malugod namin kameng tinanggap ng mga magulang nila at mga kapatid. patulog na sana ako ng tumunog ang cellphone ko tinignan ko ang caller pero unknown number iyon at overseas call pa. sino naman ang tatawag sakin abroad wala naman akong kilala na may tatawag ng ganon kalayo sakin maliban na lang kay kuya gavin pero napaka imposible non. hindi naman siguro siya gagawa ng pag aawayan nila ng girlfriend niya. sa naisip ay binaliwala niya ang tawag. pero ilang beses ng tumatawag ang unknown number ay hindi pa rin ito tumitigil. sa huli ay sinagot niya ang tawag para malaman kung sino iyon. "hello." mahinang sagot niya "h-hello po." ulit niya. alam niyang naririnig siya sa kabilang linya dahil rinig na rinig din niya ang buntong hininga nito. hinihintay niyang may mag salita gusto na sana niyang patayin ang tawag dahil siya ang nanghihinayang alam niya kasi kung gaano kamahal ang tumawag lalo na't overseas call ito. "kung hindi po kayo magsasalita goodnight na lang po." pagtatapos niya. dahil puro buntong hininga lang ang naririnig niya. binuksan niya ang kanyang messenger dahil sa sunod-sunod na notification na natanggap niya galing sa kanilang group chat ginawa iyon ni dom para sa aming lima. hindi niya napigilang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ng mag asaran na naman ang kanyang mga kaibigan. grace: guys nakita niyo ba yon ang lagkit ng tingin ni dom sa bagong transfer kanina. nathan: may bagong subject na naman si dom dom: grasya bruha ka talaga..... lexter: okay lang dom support ka namin nakisali na rin siya sa mga ito. ako: tama na yan si dom na naman ang nakita niyo. ilang minuto pa silang nag kwentohan sa group chat bago siya nag goodnight sa mga ito mag kakasama lang sila kanina pero parang hindi sila na uubusan ng mga kwento sa buhay nailing na lang siya ipinikit niya ang mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. ng bumaba na siya sa kusina para mag almusal ay naabutan niya ang mag asawang seryosong nag uusap bigla lang nag bago ang kanilang ekspresyon ng makita ako. ngumiti agad si tita "good morning po." lumapit siya sa mga ito at humalik sa pisngi. "kanina ka pa ba diyan nakatayo hija?." nagtatakang napatingin naman ako kay tito at umiling "kadarating ko lang tito bakit po.?" parang naka hinga pa ng maluwag ang mag asawa sa sagot ko "w-wala naman sige kumain ka na at baka ma late kapa." nagtataka man ay kumain na lang ako at hindi na nagtanong. "sweetie siyanga pala aalis nga pala kame ng tito mo after three days."napaangat ako ng tingin" nagka problema kasi ang kompanya natin sa america at pinapatawag ang lahat ng stock holder doon alam mo naman na pag mamay ari iyon ng daddy gilbert mo kaya hindi namin pweding pabayaan na lang basta. mahabang litanya ni tita. "mga ilang araw po kayo doon.?" wala sa loob na tanong niya "mga one month siguro kame mag stay sa bahay ng tita wilma mo hija."si tito "po.! ganon po ba ka seryoso ang problema sa company ni daddy.!?" sabay silang tumango "gusto kasi naming siguraduhing magiging maayos muna ang lahat bago kame bumalik dito ." napatango na lang siya. "okay lang ba na maiiwan ka muna namin dito ng matagal? pero bago kame umalis ay pauuwiin ko muna dito si kuya gavin mo makikiusap ako sa kanya na mag take muna siya ng leave hindi daw siya sigurado alam mo naman kung anong klaseng trabaho meron ang kuya diba.?" agad akong umiling dahil nag aalala silang iwan ako mag isa dito. pero kompanya na ni daddy ang nakasalalay dito hindi naman ako talagang nag iisa dahil nandito sila nanay soledad. "tita okay lang po wala pong problema nandiyan naman po sila nanay soledad at ate lanie magiging okay lang po ako dito tita,tito."agad niyang sagot sa mga ito. Ito pa lang kasi ang unang beses na maiiwan nila ako ng matagal dito sa mansyon. "sigurado ka sweetie.?" naniniguradong tanong pa ni tita. ngumiti ako sa mga ito. "basta ikumusta niyo na lang po ako kay tita wilma pati na rin kay ate winona at ate wency."banggit niya sa mga anak ng tita wilma niya. bagama't nag aalala pa rin sila ay nagawa ko naman silang ma kumbinsi na magiging okay lang ako dito. nang maka alis na nga sila tita ay parang mas naging maluwang ang mansyon na parang may kulang. pero kahit ganon pa man ay hindi ko naisip ang maging malungkot dahil nandiyan ang mga kaibigan ko pati na rin sila nanay soledad. tumutulong ako sa kanila kapag wala akong ginagawa at hindi ko nakakaligtaang linisin ang likod bahay kung saan nandoon ang hardin. katatapos ko lang mag linis doon ng maka salubong ko si ate lanie sa pasilyo na dala ang lahat ng maruruming labahan. "ganda mag meryenda kana nag luto si ate ng ginataang bilo-bilo favourite mo yon." agad akong natakam sa sinabi nitong meryenda. "talaga po.?" nag niningning pa ang mata niyang tanong dito. "oo sige na at mauna ka nang kumain lalabahan ko muna ang mga ito." nang makatalikod si ate lanie ay dumeritso na siya sa kusina dahil bigla siyang nagutom pagka rinig sa nilutong meryenda ni nanay soledad. nag hahain na sila sa mesa ng maka pasok ako "tamang tama at naluto na meryenda maupo kana nak." ani nanay soledad nag hugas muna ako ng kamay bago naupo sa mesa. papasok na rin sila mang mando at kuya larry ng sumimangot naman si ate lorien.mukhang alam ko na kung bakit natawa na lang ako ng mahina. "kain na tayo binibining lorien."yaya agad ni kuya larry sa nililigawan nitong si ate lorien at ipinag hila pa ito ng mauupuan ni kuya larry. "hmmm ang sarap po talaga ng luto niyo nay." sabi niya sa mayordoma ng mansyon at malapit na niyang maubos ang laman ng malaking mangkok."salamat naman at nagustuhan mo nak." "gusto ko naman po ang lahat ng luto niyo nay wala kayang tatalo sa recipe niyo." sabay kindat niya dito. "ay naku talagang bata ka sige na at kumain ka na lang diyan binobola mo na naman ako." tumayo Ito at nag sandok ulit dahil malapit ng maubos ang nasa lamesa. nang matapos akong kumain ay nag paalam na ako sa mga ito dahil dadaanan pa ako ni lexter birthday kasi ng mommy ni grace kaya pupunta kame doon sa kanila. nag sabi na rin ako kay nanay soledad na kila grace na ako mag di-dinner. nag paalala pa itong huwag daw akong mag papagabi masyado. nag suot ako ng dress na hanggang tuhod ang tabas ng tela malambot iyon sa katawan at komportableng suotin kulay green at bahagyang kumikinang dahil sa maliit na glitters. inipit ko ang kalahati ng buhok ko patalikod para maiba naman. matapos kong mag lagay ng light make up ay nag suot na ako ng black sandals na manipis ang strap. tamang tama dahil ng matapos ako ay nasa baba na daw si lexter. naabutan ko pang kinakausap pa ito ni mang mando at kuya larry habang nagtatawanan. na akala mo ay mag babarkada lang. natulala pa si lexter pag kakita sakin. "alaga namin yan." pukaw ni mang mando sa pagkakatulala ni lexter. "ngayon lang kasi kita nakitang nag ayos na ganyan grabe para talagang artista ang kaibigan ko." namamanghang sagot pa nito. "halika na nga binobola mo naman ako." binuksan na nito ang pinto para makasakay na ako. "ma'am ericka ako na po ang mag susundo sa inyo mamaya iyon po kasi ang utos ni soledad."tumango siya dito ng marahan. "opo mang mando alis na po kame." "alis na po kame tay mando pareng larry." magalang na paalam ni lexter sa mga Ito at tsaka pinaandar ang sasakyan nito. nang makarating kame sa bahay nila grace ay inalalayan pa akong makababa ni lexter humawak ako sa braso nito ng mag lakad kame papasok. "ang ganda talaga ng kasama ko ngayon." napapalatak na saad ni lexter habang nag lalakad kame. nginitian ko ito. "matanong nga kita lexter ikaw ba walang girlfriend mamaya ay may biglang lumapit at bigla na lang akong sabunutan dito." nahuli niya ang nahihiyang tingin nito at napaiwas pa ng bahagya. "hindi ko rin naman papayagang may manakit sa mga kaibigan ko lalo na sa inyo ni grace isama mo na rin si dom kame ang lalaki ni nathan kaya dapat lang na hindi namin hayaan na mangyari yon." hinapit pa niya lalo ang braso nito ramdam niya na totoo Ito sa sinasabi nito kahit bago pa lang namin siyang kaibigan ay alam naming naging totoo Ito. inihilig niya ang ulo sa braso nito. "oo alam naming hindi mo hahayaang manyari iyon pero may napupusuan kanaba?." pangungulit niya pa dito. napa ubo na tuloy ito. sabay iwas ng tingin sakin. pinaningkitan ko Ito ng mata. "huwag mong sabihin na may gusto ka grace." duda niya dito. agad namang nanlaki ang mata nito. "grabe ka naman kaibigan lang turing ko sa kanya noh."tanggi agad nito "kung ganun eh di sino.?" curious na talagang tanong niya dito napahinto pa kame sa paglalakad para matitigan ko lang ito ng deritso sa mata. "sa kapatid ko." amin nito napatakip pa ako ng bibig sa pagka gulat. "pumasok na nga tayo hindi ka naman naniwala." pero pinigilan niya ito ng akmang tatalikod na. "seryoso.?" pero ng makita niya kung gaano ito ka seryoso ay sumeryoso na rin siya. "pero bata si maliah" bata pa kasi ang kapatid nito nasa sampong taong gulang pa lang at ang malala ay kapatid nito si maliah. bente uno na ito. hindi kasi nito sineseryoso ang pag aaral at palaging nag ka-cutting classes sakit din ito sa ulo ng magulang niya. kaya tuwang tuwa ang parent nito ng umiwas na Ito sa barkada at sa amin Ito lumapit para maki pag kaibigan. ngayon lang din siya ng seryoso sa pag aaral at nag ti-take ng exam para mahabol ang mga taong nasayang dito. "ano magagawa ko sa tingin ko kasi hindi na siya biro." na po-postrate ng amin nito. naputol lang ang usapan namin ng lumapit si grace,dom at nathan. "mukhang seryoso yan ah.?"tumingin pa si nathan kay lexter na ngayon ay gulong gulo na ang isip. "seryoso talaga malala." sabi ko sa kanila "tara na sa loob na natin yan pag usapan."ani grace at niyaya na kame sa loob inakbayan ni nathan si lexter at inakay na ito "relax lang bro." pag papahinahon naman ni dom. "happy birthday po tita." magkakasabay naming bati sa mommy ni grace hinalikan namin ang butihing ginang sabay abot sa mga regalo namin. "salamat sa inyo mga bata kayo talaga nag abala pa. "dinala kame ng ginang sa isang round na lamesa na nakalaan talaga para sa amin. "okay na po kame dito tita asikasohin niyo na po ang mga bisita niyo dumadami na po ang tao. "si nathan. "naku mabuti pa nga maiwan ko muna kayo at ang anak ko na ang bahala sa inyo. inilibot ko ang paningin sa paligid lahat sila ay mga sosyal ang dating ang iba ay nagpapagandahan ng kanilang mga kasuotan dumako ang mata ko sa couple na kadarating lang habang inaalalayan nito ang kasamang babae siguro ay mag asawa sila. napakaganda ng babae at mahinhin pero maputla ang mukha nito na hindi naitago ng make up masyado din itong payat na sa tingin niya ay nanghihina pa hindi niya mawari kung bakit inalalayan itong makaupo ng kasamang lalaki. dumako ang tingin ng lalaki sa banda namin and oh my god napaka gwapo nito medyo may edad na ito na ang tingin niya ay nasa forty na. mukha itong kagalang galang at malaki rin ang katawan na pareho ng kay kuya gavin napaka linis nito tignan wala nga lang QQ ka ngiti-ngiti sa labi. lumagpas ang tingin nito sa lamesa namin nang sundan ko kung saan Ito nakatingin ay nagulat ako ng makita si grace na parang tinuklaw ng ahas habang nakatingin din ng deritso sa lalaki. nakita kong papalapit ang lalaki sa deriction ni grace pero nalagpasan lang nito ang kaibigan ko nagkadikitan pa ang kanilang mga braso hindi ko alam kung sinasadya ba iyon ng lalaki. "magkakilala ba sila.?" tinignan ko ang babaeng kasama ng lalaki at nakatingin din Ito kay grace ngumiti pa Ito ng bahagya sa huli. nang makabawi si grace ay lumapit Ito sa mesa namin ng natitigilan. umupo Ito sa tabi ko hinawakan ko ang kamay nitong nanginginig napatingin Ito sa akin. ngumiti ako dito ng nakaka unawa. sa tingin ko ay may kailangan kameng pag usapang dalawa. napukaw ako ng may tumunog na cellphone kay lexter pala iyon pero hindi nito iyon sinagot bagkus ay hinayaan lang nitong mag ingay ang aparato. tinignan ko ang caller at nakita ko ang kapatid niya ito. alam kong masama ang ginawa ko pero hindi ko matiis si maliah. "hello." napatingin silang lahat dahil sa ginawa kong iyon. narinig ko na parang maiiyak naman si maliah sa kabilang linya napatingin ako kay lexter na seryoso lang mula sa pagkaka upo nito. "b-bakit ka umiiyak." nag aalalang tanong ko dito pero hinanap nito ang kapatid kaya ipinasa ko na ang aparato kay lexter. mataman naman itong nakikinig. "maliah may ginagawa ako pwede ba huwag ako ang istorbohin mo." sabay patay nito sa tawag. bumuntong hininga Ito at seryosong bumaling sa amin. "may problema ba?." si grace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD