chapter 11

2132 Words
nang makarating siya ng kusina ay dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa silyang kaharap nito. nag umpisa ng kumain si kuya pagka upo niya. niyuko ko ang ulo at mahinang umusal ng dasal bilang pasasalamat. nang matapos ay nag umpisa na rin siyang kumain tahimik lang siya habang ngumunguya. kahit naiilang ay pinilit niyang nilulunok ang pagkain ng tahimik. hindi rin niya ito nililingon dahil baka kung saan-saan na naman mapadpad ang kanyang mata pag napatitig na kasi siya dito ay hindi niya agad nababawi ang paningin. mahirap na baka mas lalo lang siya mahulog mula sa malalim na bangin. doon lang siya napaangat. ng tumikhim Ito na tila ba kinukuha ang kanyang atensyon. "m-may problema po ba k-kuya?" tanong niya ng hindi siya nakatiis dahil nakatitig na naman ito sa kanya. parang may gusto itong sabihin sa kanya pero nanatili pa ring tikom ang bibig. ng hindi ito nagsalita ay lumipad ang mata niya sa pinggan nito. konti na lang kasi ang pagkain nito sa tingin niya ay hindi pa Ito tapos kumain dahil hawak pa rin nito ang kubyertos. hindi na siya nag dalawang isip pa. kinuha niya ang kanin at nilagyan ang plato nito kumuha rin siya ng ulam at nilagay din doon. dinampot niya ang pitsel ng malamig na tubig at nagsalin sa baso nito. nang matapos ay tsaka niya binalikan ang sariling pagkain. hanggang sa matapos siya. nakitang niyang wala ng laman ang pinggan nito habang tumatayo ay kinuha niya ang pinagkainan nila ng hindi ito nililingon nilagay niya lahat sa lababo at tinakpan niya ang natirang kanin at ulam sa mesa dahil kakain pa sila nanay soledad kaya hindi na lang niya iniligpit iyon. ng matapos ay hinarap niya ang lababo at hinugasan lahat ng pinag kainan nila. "you don't have to do that." rinig niyang sabi nito sa kanya. "it's just a little bit so kayang kaya ko na po Ito."maingat niyang sabi dito. katatapos lang niya mag hugas ng pumasok na sila nanay soledad wala na rin si Gavin siguro ay umalis na. "ganda hindi mo naman kailangan pang hugasan ang pinag kainan niyo ni ser nandito naman kame para gumawa niyan." binalingan niya si ate lanie at nginitian ito. "wala naman pong problema ate at tsaka wala na rin Kasi akong gagawin eh. kain na po kayo."Sabi niya sa mga ito.nag paalam siyang aakyat na sa kanyang kwarto. kanina pa siya nakahiga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dalawin ng antok nakapikit ang kanyang mga mata pero gising naman ang kanyang diwa. bumangon siya nang makarinig ng ugong ng sasakyan sinulyapan niya ang orasan 1:30am na ng madaling araw. kahit may hinuha na siya kung sino ang dumating ay lumapit pa rin siya sa bintana at sumilip doon. hindi nga siya nag kamali dahil si kuya gavin lang naman ang umalis kanina pagka tapos mag dinner. "saan kaya siya galing at inabot na ng ganitong oras." sa isip-isip niya. umalis na rin siya doon at bumalik sa kama kailangan na niyang matulog kung ayaw niyang mag mukhang zombie sa school. ilang oras na lang ang itutulog niya. maya-maya lang ay hindi na niya naramdaman ang paligid maging ang pagpasok ng isang malaking bulto sa kanyang kwarto. mahigpit na nakakuyom ang mga kamao habang matalim na nakatitig sa kanya. para itong papatay ng tao. sa huli ay pinigilan nito ang sarili at walang lingon likod na lumabas ng kwarto. pupungas-pungas pa si ericka ng tumunog ang kanyang alarm. "pasok" namamaos pa niyang sabi ng may kumatok sa kanyang pinto. si ate lanie iyon para ipaalala sa kanya ang oras kahit may alarm clock siya. ay alam nito na hindi agad siya babangon kaya Ito ang paraan nito para gisingin siya. "good morning ganda ihahanda ko na ang mga susuotin mo ha."ngumiti ako dito kahit inaantok pa. "ako na po ate lanie." bumangon na rin ako at tinungo ang kabinet hinanda ko muna ang mga susuotin ko pati na rin ang sapatos nangingiting pinapanood siya ni ate lanie " sige at tutulongan ko na lang si ate solidad sa paghanda ng almusal." nang lumabas si ate lanie ay pumasok na ako sa banyo at naligo. nang matapos ay lumabas na ako habang nagtatapis. pero natulos ako sa kinatatayu-an ko ng makita kong nasa loob ng kwarto ko ang taong ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na makikita ako sa ganitong eksena na halos hubo't hubad at tanging ang tuwalya lang ang nakabalot sa aking kahubdan. pinangapusan ako ng hininga. napalunok ako ng hagurin ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. nanginig pa ang kalamnan ko sa ginawa nito. kung gaano ako nagulantang dahil sa pagkakita dito. ay kabaligtaran naman ang naging reaction nito ni hindi man lamang ito nagulat o nagbawi ng tingin bagkus at deritso pa itong nakatitig sa akin habang hinahagod ang mata sa kabuuhan ko tumagal pa ito doon sa lantad kong mapuputing hita na may tumutulo pang tubig. "k-kuya."nanulas lang yon sa kanyang bibig pero ang dating ng tuno niya ay parang nang aakit. ni hindi man lang ito natinag habang nakatutok pa rin ang mata sa kanyang mga hita. napaatras na siya ng isang hakbang dahil parang mabibingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya. nataranta pa ako ng may biglang kumatok sa pinto ko. halos mamutla na rin ng pipihitin na Sana ng kung sino mang kumakatok ang seradura. umangat ang kamay ni kuya at ni lock ang pinto upang hindi mabuksan iyon ng hindi man lang nito inaalis ang tingin sakin. nang umulit pa ang katok ay doon lang ako natauhan nagmamadali akong lumapit sa pinto hindi na niya nabigyang pansin ang pag daan niya sa harap nito ng nahagip pa niyang pumikit ito ng mariin at parang may inamoy pa don. nanginginig ang kamay niyang inabot ang seradura binuksan ng bahagya ang pinto iniumang niya ang ulo at sinilip ang kumakatok. "ay ganda pinapatawag kana pala ni aling soledad para mag almusal."bungad sa kanya ni ate lorien. "s-susunod na po ako m-magbibihis lang saglit."ngumiti naman ito bago umalis. nang maisarado niya ang pinto ay wala sa loob na napahawak pa siya sa kanyang dibdib nanlambot siya dahil muntik na silang mahuli. inangat niya ang paningin ng makita na nasa mismong harap na niya ito at naka pamulsa pa hindi mo talaga makikitaan ng emosyon hindi man lang yata ito kinabahan kahit alam nitong muntik na silang makita ni ate lorien sa ganuong ayos. tao paba Ito? hindi ba siya natakot kahit konti.?" "tss." he smirked bago ito lumabas ay hinagod pa ako nito ng isang beses. nakahinga siya ng maluwag ng maisara nito ang pinto. ilang minuto pa siyang natulala habang nakatayo ng maalala niya na kailangan na talaga niyang magmadali binilisan niya kilos at halos takbuhin niya na ang palabas ng pinto ng mansyon dahil sa nangyaring kahihiyan ay hindi na nga talaga siya nag almusal hindi niya kasi alam kung paano pa ito haharapin. "ang gwapo talaga ni kuya." nakagat niya ang labi ng maalala ang tagpo kani kanina lang. napanguso siya ng maalala niya rin na may girlfriend na iyon. okay na sa kanya ang crush lang as if naman na papatol siya sa jowa na ng iba kahit si kuya gavin pa ang pinaka gwapong lalaki sa mundo ay iiwasan pa rin niya ito dahil pag mamay ari na ito ng iba at hindi niya maaatim na saktan ang girlfriend nito dahil sa kanya. nang makarating sa school ay naabutan ko pa si grace at dom na naglalakad papunta sa room namin. inakbayan ko silang dalawa na ikinagulat nila. "bruha ka maagang mamamaalam ang beauty ko sayo.!"ani dom pero agad itong tumahimik at nagpa cute ng papalapit sa amin si lexter at nathan. "hi girls" "ayyyyy tinawag tayong girls ni lexter."parang maiihing saad ni dom. "feeling naman nito kinilig agad.!" sawata naman ni grace dito babatiin niya na ang dalawang bagong kaibigan dahil alam niyang mag babangayan na naman si dom at grace. "hello oh lexter bakit ka nandito diba sa kabilang section ka.?" napakamot naman ito "ang totoo niyan gusto ko kasi muna kayong makitang apat diba sabi niyo friends na tayo.?" napatawa naman kameng lahat ang astig at hearthtrob crush ng Campus na si lexter ay mahiyain din pala pag dating sa amin. nakipag goosebumps pa kame dito isa-isa "pare magkakaibigan na talaga tayo dito." inakbayan pa Ito ni nathan. at tumango kameng tatlo. nang tumunog ang bell ay inihatid nga kame ni lexter. kumaway pa ito sa classmates namin na agad nag tilian bago umalis. "grabe kapag magaganda ba kailangan mga gwapo din ang kaibigan.?" narinig naming bulungan nila. nagtinginan lang kameng apat at umupo na rin sa mga silyang nakalaan para sa amin. nang sumapit ang break ay sabay-sabay kameng lima na lumabas ng school meron kasing malapit na fastfood na kung saan ay madalas din naming tambayang tatlo nila dom halos lahat ng mga studyanteng nakakasalubong namin ay sa amin nakatingin ang iba ay nag papacute kay lexter nathan at dom. nagulat pa kame ni grace ng may biglang nag tabon sa ulo namin. mag po-protesta na sana kame ng mag salita si lexter "girls pasensya na pero kailangan namin tabingan ang mukha niyo." nagtatakang tinignan ko Ito. "hindi ba kayo aware kung pano kayong dalawa titigan ng mga kalalakihan dito?aba mapapa away yata kame ni nathan nito eh." tuwang tuwa naman ang bakla nilang kaibigan "ay korek kayo boys..yung ako pa nga lang mag isa pakiramdam ko ay mapapa away na talaga ako. bawas bawasan niyo kasi ang pagiging maganda mga friend." nagkatinginan na lang kame ni grace at sabay ngumiti. ang ending ay nakarating kame ng fastfood na nasa gilid ko si nathan at nasa gilid naman ni grace si lexter masaya kameng kumain habang nagtatawanan. "alam niyo boys may secreto ang isa diyan hindi niya maamin." nanlaki ang mata ko sa turan ni grace. mas lalong nanlaki ang mata ko ng sabay at natatawang saad ng dalawang lalaki. "alam namin.!"napanganga kameng tatlo "h-how did you know guys?."mahinang tanong ko. "mas nauna pang nalaman ni lex bago ako." saad ni nathan. nalipat ang nagtatanong naming mata kay lexter. itinaas lang nito ang kamay "crush niya nga ako diba." sabay hagalpak nito ng tawa "nung ikaw ang sumagot ng phone number na binigay ni grace don pa lang alam ko na."dagdag pa nito. nahihiyang tumango na lang si dom wala na itong magagawa kung hindi ang umamin dahil alam na ng dalawang kaibigan nilang lalaki. "wala naman masama sa pagiging isang guy ang importante ay wala kang inaapakang tao gawin mo kung ano ang makapag papasaya sayo just go with the the flow kung hindi tanggap ng parents mo ang kasarian mo nandito lang kame. kame ang sasalo sayo." na touch talaga ako sa inihayag ni lexter. si dom naman ay parang maiiyak pa inakbayan agad Ito ni grace. "friends.?" inilahad ni nathan ang kamay sa gitna ipinatong naman lexter ang kamay sumunod ako tapos si grace at dom. "friends." sabay naming sigaw lahat. "salamat talaga sa inyo nabawasan na ang bigat sa loob ko." naiiyak pa ring saad ni dom. ngumiti kameng lahat dito at ipinaunawang naiintindihan namin siya at walang dapat ikabahala dahil nandito lang kame handang suportahan ang isa't-isa. nang matapos ang klase namin ay sabay-sabay din kameng lumabas ng university. sumilay ang ang ngiti ko ng makita na nandoon ang sundo ko kasama si tita at tito. napatakbo agad ako palapit sa kanila agad akong nag mano at yumakap kay tita "I miss you so much po."malambing kong sabi dito "I miss you too sweetie how are you.? inalagaan kaba ng kuya Gavin mo? habang wala kame dito?."napalunok ako sa sunod-sunod na tanong ni tita. "y-yes po tita." dalangin kong sana ay hindi na ulit ito mag tanong. nakahinga ako ng maluwag ng lumapit ang mga kaibigan ko. lumapit ako kay tito nag mano muna ako bago ko Ito binigyan ng halik sa pisngi "how are you sweetie?." tanong ni tito. "ayos lang po ako tito."nabaling ako sa mga kaibigan ko ng mag salita si grace. "hi po tita kamusta po?" sabay halik nito sa pisngi ni tita ganon din kay tito. sunod na lumapit si dom at bumati. ipinakilala ko sa kanila si nathan at lexter na ikinatuwa naman nila dahil nadagdagan na daw ang mga kaibigan ko alam kasi ng mga ito na hindi ko basta-basta binibigay ang tiwala ko lalo na sa mga lalaki. inimbitahan pa sila ni tita sa mansyon para makilala at makipag kwentohan pa daw sa kanila na agad namang malugod na tinanggap ng dalawa sa saturday ng hapon daw pupunta silang lahat. ilang sandali pa ay nag paalam na rin kame dahil nag hihintay na daw si kuya gavin sa restaurant kung saan kakain kame para makabawi naman daw sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD