Sunday ngayon pagkatapos niya mag simba kanina ay dumaan siya sa the house of angel's hindi rin siya nagtagal kinumusta niya lang ang magkapatid at umuwi rin dahil may kailangan pa siyang tapusing report para sa subject nila sa school bukas. wala naman ang mag asawang miller may out of town business silang dinaluhan at sa makalawa pa ang balik.
maaga siyang umalis kanina para mag simba
ng makabalik naman siya ng mansyon ay Hindi na rin bumababa para kumain ng tanghalian
ayaw niyang makasabay si gavin dahil hindi na talaga maganda ang nararamdaman niya para dito kaya kung kaya niyang umiwas ay iiwas siya. nang matapos sa kanyang mga gawain
nagpahinga muna siya sandali. humarap siya sa side table at pinagmasdan ang picture frame na nandoon. "hi kuya william kamusta kana diyan?". sa isip niya. ibinalik din niya agad ang frame dahil baka maging pang mmk na naman ang hapon niyang ito. nagdesisyon siyang bumababa na para mag meryenda. mag a-alas tres na rin ng hapon at na bobored na siya sa kanyang kwarto kinuha niya ang gitara na binigay pa ni kuya william. nang malaman kasi nito mahilig siyang kumanta ay ito ang nag encouraged sa kanya na ipagpatuloy ang talent na meron meron siya. sinabi pa nitong wala daw siya dapat ikahiya. dahil kung tutuusin ay nasa akin na daw ang lahat nang katangian na hinahangad isang babae. sa part na iyon ay hindi ko pinaniwalaan si kuya. ano ba ang meron sakin na wala ang ibang babae. walang wala ako kung tutuusin kung ganda lang din ang pag uusapan ay mas marami ang mas nag gagandahang dalaga at may buong pamilya pa.
"tulad na lang ng girlfriend ni kuya Gavin."
pumasok na naman siya sa isip ko. huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy na sa pagbaba. si nanay soledad lang ang tao sa kusina kaya nilapitan niya ito.
"kamusta po nay?"sabi niya dito
"okay lang ako anak gusto mo na bang mag meryenda? hindi ka na naman kumain ng tanghalian."umiling ako at lumapit sa ref para kumuha ng juice nag salin siya sa baso.
"hindi pa naman po ako nagugutom nay"
totoong hindi pa siya nakakaramdam ng gutom
"kung nagugutom ka ay sabihan mo lang ako agad at igagawa kita ng meryenda mo ayos ba."
si nanay soledad talaga napaka maalalahanin sakin."opo nay" lumabas siya ng kusina dala ang gitara at juice na kinuha niya sa ref pumunta siya sa gilid ng mansyon doon kasi sila madalas tumambay ni kuya william habang nag ki-kwentohan masarap kasi sa pakiramdam ang hangin na dumadapo sa kanyang balat habang napapaligiran sila ng iba't-ibang klase ng bulaklak si mommy diane mismo ang nag tanim ng mga bulaklak noong nabubuhay pa ito.
kaya nang mawala si mommy ay ako na ang nagpatuloy sa pag a-alaga ng mga bulaklak pinanatili kong malinis ang buong paligid ng harden ng marating ko ang lugar ay napangiti ako pinikit ko ang mata habang dinadama ang hangin na nililipad ang lampas balikat kong buhok ang sarap talaga sa pakiramdam. nang dumilat siya dumako ang mata niya sa maliit na lamesang nandoon sa tabi ng malaking puno ng mangga at may duyan na nakasabit na madalas ay siya ang naka upo habang si kuya william ay naka upo naman sa bakal na silyang katabi ng lamesa habang pinag mamasdan lang siya nitong tumutogtog ng gitara. iyon ang saktong imahe na nakikita niya habang pinag mamasdan
ang duyan. bumuntong hininga siya bago nag lakad papunta doon inilapag niya ang juice na dala tsaka umupo sa duyan. inihanda niya ang gitara tinipa niya ang paboritong kanta na laging niri request ni william sa kanya.
'i came to you
and never asked too much
wondering what would you say
hoping you'd understand
it's not a role I usually play
don't speak too much
of what's been going on
the past is over and gone
give me your troubled mind
you know it's due
i can do so much for you
i want you...
having you near me
holding near me
I want you to stay
and never go away
it's alright,
having you near me
holding you near me
ill love you tonight,
it feels so right
feels so right."
pumikit siya at ini imagine niya
na nasa harap si kuya william habang
kinakantahan niya ito.
you're brave to say
that you'll get lost in love
but you've opened your heart to me
underneath all you feel
you know how deep our love could be
tonight we'll touch
until it's time to go
then I'm leaving it up to you
even a fool would know
that I'm not through
i can do so much for you
i want you
having you near me
holding you near me
i want you to stay
and never go away
it's alright
having you near me
holding you near me
ill love you tonight
it feels so right
feels so right........
nang dumilat siya ay muntik pa siyang
mahulog sa duyan dahil sa pagkabigla
biglang uminit ang mukha niya sa hiya
hindi niya kasi akalain na may nanonood pala sa kanya habang naka upo. kung saan din umoupo si kuya william habang pinanonood siyang kumanta dati. tumahip ng mabilis ang kanyang dibdib dahil nasa harapan lang niya ang taong iniiwasan niya. tinakpan niya ang mukha ng dalawang kamay habang nasa kandungan pa niya ang gitara na kamuntik pang mahulog buti na lang ay maagap ang taong kaharap niya. alam niyang namumula ang kanyang mukha dahil hindi siya sanay na malapit lang ito
at pinapanood pa siya habang kumakanta
kung si kuya william lang ang kaharap ay malamang na masayang masaya siya.
ang kaso ay kapatid ito ni kuya william.
ang taong ayaw sana niyang makita muna.
"k-kuya k-kanina kapa p-po ba diyan?"
nauutal niyang tanong dito at dali daling
tumayo at kinuha ang gitara na nahawakan nito.
bumilis ang kabog ng dibdib at hindi niya mapakalma. nakita niyang tumaas ang sulok ng labi nito. 'ang gwapo talaga"
itinaas nito ang dalawang braso at inilagay sa leeg naka dekwatro pa ito habang prenteng
naka upo doon. nag sigalawan ang mga muscles
nito. napatingin siya sa dibdib nitong nakaliyad
bagama't may t-shirt itong kulay puti ay bakat na bakat naman ang hulma niyon lalo na ang braso nito na nakikita niya ng malapitan
may lumabas pang mga ugat doon.
pumasok na naman sa kanyang utak kung ano ang pakiramdam na makulong sa mga bisig nito.
yon lagi ang naiisip niya. pag nakikita niyang naka hantad ang braso at dibdib nito.
iniwas ko ang mata doon baka sabihin pa nito ay pinagnanasahan ko siya. 'kahit totoo naman."
ipinikit niya ang mata ng mariin.
"yes."walang kagatol gatol na pag amin nito.
pinaka titigan siya nito ng husto at gaya ng mga titig nito sakin ay parang wala itong balak na tanggalin ang mata sa aking mukha.
"you are so young"sabay iling nito.
nagulohan ako sa sinabi niya. may problema ba ito sa pagiging bata ng edad ko.?"
dahil wala naman siyang mahagilap na sasabihin dito ay mabuti pa sigurong umalis na lang ako."papasok na po ako sa loob k-kuya"
akma niyang kukunin ang baso ng juice na inilapag niya kanina ng hawakan nito ang kamay niya. nanigas siya sa kinatatayo-an at hindi malaman kung anong gagawin nakatuon lang ang mata sa kamay niyang hawak nito libo libong boltahe ng kuryente ang nanulay doon
bahagya pa nito iyong pinisil kaya napapitlag siya at hindi makapaniwala dahil kani kanina lang ay pinapanood siya nito habang kumakanta
at sa isang iglap lang ay hawak na nito ang kanyang kamay. may gusto ba itong sabihin sakin?. gulong gulo talaga ako sa kinikilos nito. tapos kung maka titig pa Ito sa kanya ay parang hinihigop pati kaluluwa niya. hinawakan ko ng mahigpit ang gitara gamit ang isang kamay dahil nanghihina ako sa paraan ng pagtitig nito sakin nakakapang lambot talaga ng tuhod. hindi sinasadyang nakagat ko ang ibang labi at doon naman napako ang mata nito. nakita ko pang napalunok ito at bigla na lang nitong binitawan ang kamay niya. hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ng inisang lagok nito ang juice niya na ininuman niya kanina. at deritsong tinungo ang loob ng bahay. ng mawala Ito sa paningin ko ay saka ko pa lang binalingan ang baso hindi siya makapaniwala dito. sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi. maaring kay gavin ay wala Lang iyon dito. pero para sa kanya ay malaking bagay na. at hindi niya maiwasang kiligin
mali man ang umasa sa wala pero gusto niyang pagbigyan ang sarili kahit sa kilig man lang.
at wala na siyang balak palalimin pa kung ano man ang nararamdaman niya para dito.
dahil ayaw niyang makasakit ng kapwa niya babae. ang balak niyang bumalik sa loob ng bahay ay hindi na natuloy bagkus ay umupo ulit siya sa duyan at ipinag patuloy ang pagtug-tog ng gitara. papalubog na ang araw ng huminto siya sa pagtipa kanina pa rin siya kinakagat ng lamok at ng hindi na nakatiis dahil panay na ang kamot niya sa bandang binti ay pumasok na rin siya. naghahanda na ng hapunan sila nanay soledad ng pumasok siya sa kusina para ibalik at hugasan ang baso. "bakit parang ang aga naman po maghapunan.?"tanong niya niya sa mga ito. "anak may lakad kasi ang kuya gavin mo kaya nagpahanda na siya ng dinner niyo."
si nanay soledad ang sumagot.
matapos hugasan ang baso ay umakyat na siya sa kanyang kwarto ibinalik sa dating pwesto ang gitara katatapos lang niya mag hilamos ng may kumatok sa kanyang pinto. agad siyang lumapit at pinagbuksan si ate lanie. "handa na ang hapunan hinihintay kana ni ser gavin sa baba" tatanggi pa sana siya pero nag patiuna na itong lumakad para bumalik sa kusina.
wala na siyang nagawa kundi ang sabayan na lang sa pagkain si gavin.