Chapter 1

1042 Words
Wenshie's POV 3 years later Dahil hindi pa nagsisimula ang live band kaya hindi masyadong maingay ang buong paligid. Kanina habang papasok silang magpipinsan sa loob ng La Veda Bar, nasa kanila ang buong atensyon ng mga tao. Humigpit ang pagkahawak ni Wenshie sa kaniyang baso nang nakikitang nakipaghalikan si Khier sa isang seksing babae. Naghiyawan pa ang mga pinsan nito. Pagkatapos na umalis ang babaeng iyon 3 years ago dumating si Florence, at wala siyang inaksayang oras. She left her condo, umuwi siya sa mansyon ng kaniyang lolo sa Laguna, after a week, bumalik siya sa US, inatake sa puso ang kaniyang ama. She tried everything para makalimutan si Khier. Ang t*nga naman niya kasi. Kahit sa maiksing panahon na pagsasama nila, nagkaroon siya ng feelings sa lalaki, but he lied, Khier told her that he was single. "Come on Wenshie, just drink!" Hinablot ni Mensia ang kaniyang baso at sinalinan ito ng whiskey. Hindi niya namalayan na napatulala pala siya. Nang bumalik siya sa Pilipinas 3 months ago, nagtagpo ang landas niya at ni Khier. She was with Hermes that day sa isang charity ball para sa batang may cancer. Pinabayaan na lamang niya ang kaniyang pinsan, nandito sila para mag-enjoy kaya lubos-lubusin na niya. Napatingin si Wenshie kay Hermes, nang nakita niyang tinitingnan siya nito nang maiigi saka umiling-iling. "What?" tanong ni Wenshie, sabay inilapag ang wala ng laman na baso. Tumayo ito at nakipagpalitan ng puwesto sa kay Mensia na mukhang lasing na. Sina Florence, Mike at Kelvin naman ay nag-uusap. Ang plano kanina, silang dalawa lang ni Mensia ang pupunta rito sa La Veda, nang palabas na sila ng mansyon nakasalubong nila apat at nagpumilit na sumama sa kanila. "Makakanta ka ba pa niyan mamaya?" bulong ni Hermes saka hinawi ang iilang hibla ng kaniyang buhok. "Yup," maiksing sagot ni Wenshie kay Hermes. Kaibigan ni Hermes ang may-ari ng La Veda na siyang lead vocalist ng LVB mas kilalang La Veda Bachelor Band, na may anim na miyembro. Inakbayan siya ni Hermes nagkibit-balikat lang si Wenshie. Nang nailapag ni Wenshie ang kaniyang baso nahuli niyang nakatingin sina Mike at Kevin sa kanila ni Hermes. Bigla siyang napatingin kay Mensia nang kalabitin siya nito, may inginuso ito sa bandang kaliwa nila. Sinundan niya ng tingin ang inginuso ni Mensia. Khier is looking at her with dark aura on his face. Napakislot siya nang nararamdaman ang mainit na hininga ni Hermes malapit sa kaniyang tainga. "Stop looking, babe," bulong ni Hermes. Napapikit si Wenshie at ibinalik ang atensyon sa dalawang pinsan niyang nakatingin pa rin sa kanila ni Hermes. Nakita niyang tumayo si Florence nagpaalam na pupuntang comfort room, hinila pa nito si Mensia na panay salin ng alak sa sarili nitong baso. Nang naiwan silang apat, tinanggal ni Hermes ang pagkaakbay ng braso nito. "So... it's Khier, Wenshie?" seryosong usisa ni Mike. Ramdam niyang may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kaniya. "I don't want to talk about it Kuya Mike," sagot ni Wenshie. Natawa naman si Kevin sa sagot niya at tinapik-tapik ang kaliwang balikat ni Mike, nagsalin naman ng alak si Hermes sa baso nito. "He's an ass!" bulalas ni Mike. "Parang ikaw hindi," singit ni Kevin. Natawa naman sila sa narinig. Alam naman ni Wenshie na alam ng mga pinsan niya na si Khier ang lalaking nasa painting, obvious naman kahit hindi masyadong nakikita ang mukha nito sa painting. After all nasa iisang mundo lang naman ang ginagalawan ng mga ito. Sabay-sabay silang napatingin sa stage nang umakyat na roon ang LVB band. "Let's enjoy the night, tonight!" sigaw ni Calvin ang lead vocalist at ang may-ari ng La Veda Bar. Naghiyawan ang mga naroon. "But before that, let's welcome our guest singer tonight," pagbibigay-alam ni Calvin. Bigla siyang kinabahan hindi naman niya alam na nandito rin ang grupo ni Khier. "Please come up here on stage, Miss Wenshie Jalandoni," dagdag ni Calvin. Napalunok siya ng wala sa oras. Nang humiyaw ang tatlong kasama niya natuon ang mga atensyon ng ibang naroon sa kanilang puwesto. "Goodluck babe," sabi ni Hermes at ginawaran siya ng halik sa gilid ng kaniyang labi. Tumayo siya at naglakad papuntang stage. Itinali niya ang lagpas balikat na buhok. She's wearing a black brallete tank top with high waist black pants, kitang-kita ang ang kaniyang curvy at flat na tiyan dahil medyo may kalakihan ang kaniyang hinaharap her clevage is showing. Sinalubong siya ni Calvin at nakipagbeso sa kaniya. "Thank you sa pagpayag," bulong ni Calvin. She intentionally avoided Khier direction nakita niya pang kumaway-kaway ang mga kasama niya. Nag-enjoy ang mga tao sa bawat kantang kinanta nila. "Before we take a break, this is the our last song and only our guest singer will sing," imporma ni Calvin. Nagpalakpakan naman ang nanonood. "Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Wenshie sa lahat. "Yes!" sabay-sabay na sigaw ng mga tao. Lumapit si France sa kaniya at ibinigay ang gitara nito. "Thanks," pasasalamat niya sa lalaki. Ngumiti lang ito sa kaniya. Nag-strum siya ng gitara. "Pamilyar itong kanta sa lahat, puwede ninyo akong sabayan," sabi ni Wenshie. Apologize by Timbalad "Oh, yeah..." "I'm holding on your rope Got me ten feet off the ground." Napapikit siya habang kinakanta ang intro. Iminulat ni Wenshie ang kaniyang mga mata at nagtama ang paningin niya at ni Khier. Ipinagpatuloy niya ang pagkanta, habang hindi inaalis ang tingin kau Khier. She closed her eyes again and continue to sing. Kailangan niyang matapos ang kanta at baka kung ipagpapatuloy niya ang pakipagtitigan sa lalaki ay bigla na lang siyang mag-walk out. "It's too late to apologize, it's too late I said it's too late to apologize, it's too late, whoa." Hindi pa rin nawala ang sakit na matagal na niyang kinalimutan. At ito siya inaalala ang nakaraan. Mahirap but she needs to move on and continue her life as if na walang nangyari. She opened her eyes again. Tahimik ang mga taong nanonood. Nang sa huling parte na ng kanta, nilakasan niya ang kaniyang loob at tumingin ng deretso sa mga mata ni Khier. "I'm holding on your rope Got me ten feet off the ground." Pagtatapos niya ng kanta. Naghiyawan ang mga nanood. Before she can say another word. Someone grabs Wenshie and kiss her torridly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD