Naiiyak na pinagmasdan ni Sam ang bangkay ni Rick. Nabalitaan niya ang nangyari rito kaya kagyat siyang pumunta sa morgue. Pinapasok naman siya pero kailangang madali lang siya dahil iiembalsamo na ang katawan nito. Impit na umiiyak na lumabas si Sam ng morgue. Mahal na mahal niya ang binata. At nagulat na lang siya dahil ang bahay nito at lahat ng ari-arian ay hindi na nito pag-aari. Nanghinayang man ay wala siyang magagawa. Sa pagkakaalam niya nga ay masama ang mga gawain ng lalaki. Nanghihinang napaupo siya sa isa sa mga upuang naroon. Nang biglang may lumapit sa kaniyang lalaki. "Ma'm, kamag-anak o kakilala niyo ba si Rick Sumampot?" Isang may katabaang lalaki ang nasa harapan ni Sam nang mag-angat siya nang paningin. "Kaibigan po." Tumango-tango ang nagpakilalang embalsamador.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


