"Anong ibig... sabihin nito?" umaatras na saad ni Rick. Hind niya akalain na sa ganito hahantong ang lahat. Ngumisi ang lalaki at umaabante namang lumalapit sa kaniya. Nanatiling nakatutok ang dulo ng baril sa kaniya at parang anumang oras ay maaari na nitong iputok. "A, hindi mo pa ba naiintindihan? O, sadyang ang bobo mo? Ganito kasi iyon, kailangan isa lang sa atin ang mabuhay! Na siyang magpapatuloy nang pagpapalaganap ng wishlist. Oo nga pala, ako si Mon, letter M, ikaw si Rick, letter R, hmmm... pang-lima ka sa mapapatay ko," at tumawa ito nang malakas. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para ihampas dito nang malakas ang bag. Naging sanhi nang kawalan ni Mon nang balanse. Mabilis na tinungo ni Rick ang lamesa kung nasaan ang notebook, subalit wala sa ibabaw nito. Nakabawi sa ka

