Chapter 4
Dahlia’s Pov
Pagkatapos kong makuha ang limang libong piso mula kay Aling Lita, dali-dali akong bumalik sa ospital. Ang bawat hakbang ko papasok sa ospital ay parang mabigat na mabigat, dala ang takot at kaba sa isip, pero ramdam ko rin ang determinasyon. Kailangan ko itong gawin para kay Tatay.
Pagdating ko sa public ward, agad akong naglakad papunta sa kwarto ni Tatay at Nanay. Ang puso ko ay tila tumitibok nang mas mabilis kaysa sa normal. Sa bawat pintuan na aking dinaanan, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin parang alam ng buong ospital ang bigat ng dala ko.
Pagpasok ko sa kwarto, humarap ako kay Nanay at may ngiti na pilit kong pinipilit para hindi maramdaman ang kabigatan ng puso ko.
“Nanay may pambili na tayo ng gamot ni Tatay,” bungad ko sa kanya.
Napatingin si Nanay sa akin, halatang nagulat. “Anak saan ka nakautang ng pera?” Tanong niya na may halong pag-aalala at pagtataka.
“Ito na lang po ang mahalaga,” sagot ko sa kanya habang inilalapit ang pera sa kanyang mga kamay. “Nakahanap po ako ng pera para sa gamot at mga panggastos ni Tatay. Okay na po, Nay.”
Huminga si Nanay nang malalim at ngumiti nang bahagya, parang may halo ng kaluwagan at pag-aalala.
“Kamusta si Tatay, nay?” tanong ko kay nanay ang tinig ko ay may bahagyang pangamba na agad kong naramdaman sa bawat paghinga niya.
“Okay naman po siya, anak. Pero kailangan niyang ma-ECG at magpa-laboratory test para masigurong ligtas ang kalagayan niya,” sagot ni nanay sa akin na, pilit pinipigil ang kaba sa boses ni nanay.
Napatingin ako sa kanyang mukha, ramdam ko ang bigat sa bawat salita. Para bang bumagsak ang lahat ng pag-asa sa dibdib ko. Ilang segundo akong nagpatulala, hawak ang kanyang kamay, ramdam ko ang init ng kanyang palad at ang bigat ng responsibilidad sa akin.
Ang isipan ko ay gumulong sa mga posibilidad. Sa loob ng puso ko, alam ko na may paraan ang trabahong sinabi ni Aling Lita.
“Nay, may naghahanap ng katulong sa isang mansion,” bulong ko, halos pabulong habang mahigpit na hinahawakan ang kamay niya. “Baka pwede po akong pumasok doon. Hindi ko pa po kilala yung amo, pero handa po akong makipag-usap at magpakilala. Basta kailangan lang po natin ‘to para sa gamot at panggastos ni Tatay.”
Tumango si Nanay, ngunit halata ang pangamba sa kanyang mga mata. Ramdam ko ang bigat na bumabalot sa kanya ang parehong takot at pag-asa.
“Saan na mansion, anak? Tanong niya sa akin.
“Sa mansion po ng mga Vergara, Nay,” sagot ko, buong tapang at determinasyon. “Need po talaga natin ng pera hindi na po pwedeng ganito. Kailangan ko pong gumawa ng paraan para matulungan si Tatay.”
Huminga si Nanay nang malalim, at ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. Tumayo siya, dahan-dahan lumapit, niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng kanyang yakap na parang nagdadala ng lakas sa kalooban ko.
“Ikaw, anak kung ito ang desisyon mo, bahala ka na. Alam kong hindi ito madali para sa iyo,” sabi niya, ang boses niya ay puno ng pagmamahal at pag-aalala.
Napangiti ako nang bahagya, pinipilit ang tapang na maramdaman niya.
“Salamat po, Nay. Alam kong mabigat pero gagawin ko po ito para kay Tatay,” sabi ko, habang pinisil ang kanyang kamay sa higpit ng pagkakapit.
“Dahlia… anak… alalahanin mo na lang, kahit anong mangyari, nandito lang ako. At sana, maging maingat ka sa trabaho mo. Alam kong hindi mo pa kilala ang amo mo, at baka matakot ka o mabigatan,” bulong niya, may bahagyang luha na pumapatak sa pisngi niya.
Humawak ako sa kanyang mukha, marahang pinisil ang kanyang mga kamay. “Nay, kailangan po natin ito para kay Tatay. Pangako po, magiging maingat po ako.”
Napayuko si Nanay at muling niyakap ako. Ang init ng yakap niya ay tila nagbibigay lakas at tapang sa loob ko, kahit ramdam ko ang takot at pangamba sa pupuntahan ko bukas.
Habang palabas ako ng ospital, hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko. Para bang may mabigat na batong nakapatong sa loob ang takot para kay Tatay, ang pag-aalala sa kakulangan ng pera, at ang kaba sa trabahong papasukin ko kinabukasan. May mga taong nagdaraan sa pasilyo ng ospital, pero sa pandinig ko, tanging t***k ng puso ko ang naririnig ko mabigat, mabilis, parang takot sumablay.
Lumabas ako sa gate, at agad akong sumakay ng tricycle. Habang tumatakbo ang sasakyan, ang mga poste at ilaw ng bayan ay parang humahabol sa isipan ko. Sana makabalik agad ako ng pera. Sana gumaling agad si Tatay. Sana tama ang desisyon ko.
Pagdating ko sa bahay, mabilis kong binuksan ang pintuan at iniwan ang tsinelas. Ang maliit naming sala ay madilim, maliban sa ilaw ng kandila sa may altar. Yumuko ako sandali, nagdasal nang tahimik.
“Panginoon sana gabayan N’yo po kami. Sana tama ang gagawin ko.”
Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto at kinuha ang lumang backpack. Isa-isang nilagay ko ang damit, panyo, tuwalya, sabon, at kaunting gamit. Habang nag-eempake, halos mapatalon ako nang marinig ko ang pagkahol ng aso sa labas isang senyales na may tao.
Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Leo nakasandal sa poste, nakayuko, parang matagal nang naghihintay. Paglingon niya, tumama ang malamlam na ilaw mula sa kanto sa mukha niya. Kita agad ang pag-aalala.
“Dahlia.” tawag niya. “Kamusta ang Tatay mo?”
Huminto ako sa harap niya. “Paano mo nalaman?”
“Kay Rina.” sagot niya agad. “Nakuwento niya kanina. Kaya nagpunta ako rito.”
Tumango ako, pero ramdam kong halos sumikip pa lalo ang dibdib ko.
“Nasa ospital pa si Tatay.” sagot ko nang mahina.
Nakita kong kumunot ang noo niya.
“Kumusta ang lagay niya?”tanong niya sa akin
“Hindi pa okay. Kailangan namin ng pera para sa gamot, para sa laboratory halos lahat kailangan bayaran. Hindi ko na alam paano.”sagot ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin nang matagal, bago niya inilabas ang kamay mula sa bulsa. May hawak siyang maliit na sobre.
“Dahlia, kunin mo ‘to.”sabi niya sabay abot sa sobre.
Napalundag ang puso ko sa gulat. “Leo… ano ‘to?”
“Pera. Para sa ospital. Tanggapin mo.” sabi niya sa akin.
“Leo, huwag.” agad kong itinutulak pabalik ang sobre. “Baka kailangan mo pa ‘yan. Nakakahiya. Ayoko namang maging pabigat.”
“Dahlia.” Hinawakan niya ang kamay ko, marahang pero mariing ibinalik ang sobre.
“Hindi ka pabigat. At hindi ito awa. Gusto kong tumulong. Kunin mo. Para sa Tatay mo.” Aniya sa akin.
Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilang maiyak.
“Leo salamat. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang tulong nito.”
Bahagya siyang ngumiti. “Gusto ko lang makatulong. Lalo na sa’yo.”
Nag-iwas ako ng tingin. May ibang bigat sa sinabi niya, bigat na ayaw ko munang harapin. Hindi ngayon. Hindi habang nagsusumikap akong kontrolin ang luha ko.
“Bukas magtatrabaho na ako.” sabi ko para baguhin ang usapan.
“Anong trabaho?” tanong niya agad.
“Katulong.” Sagot ko
Nabakas ang gulat sa mukha niya. “Saan?”tanong niya sa akin.
“Sa mansyon.”sagot ko
“Anong mansyon?”tanong niya sa akin.
Huminga ako nang malalim. “Sa mansion ng mga Vergara.”
Biglang nawala ang ekspresyon niya napalitan ng isang klase ng lungkot at takot.
“Dahlia…” halos bulong niya. “Yun yung mansyon na halos walang tao, ‘di ba? Tahimik, madilim, parang… parang haunted house.”
“Narinig ko na ‘yan.” sagot ko. “Pero wala akong paki. Basta may trabaho. Basta may sahod. Basta may panggastos kay Tatay.”
“Pero delikado raw doon.” dagdag pa niya.
“Mas delikado kung hindi ko matutulungan si Tatay.” sagot ko.
Natigilan siya. Para bang wala siyang maisagot dahil totoo ang sinabi ko.
“Buo na ba talaga ang desisyon mo?” tanong niya sa dahan-dahang tono.
“Ito na ba talaga ang gusto mo?”tanong niya sa akin na may pangamba sa mukha niya.
Tumingin ako sa kanya ng diretso, kahit nanginginig ang loob ko.
“Oo, Leo. Buo na. Kailangan ko itong trabaho para sa gamutan at utang namin. Hindi ko na kaya ang manood lang habang nahihirapan si Tatay.”sagot ko sa kanya.
Napatungo siya. Nakita ko ang pagkibot ng panga niya halatang may mga salitang gusto niyang sabihin pero hindi niya kayang bitawan.
“Kung gano’n… sana maging maingat ka.” mahina niyang sabi.
Ngumiti ako, kahit pilit. “Kaya ko ‘to.”
Pero bigla siyang lumapit ng isang hakbang.
Hindi namin sanay ang ganitong lapit.
Halos ramdam ko ang hininga niya sa noo ko.
“Dahlia kung may mangyari, kahit ano sabihin mo sa akin. Pupuntahan kita. Kahit saan. Kahit anong oras.”sabi niya sa akin.
“Leo—”
“Hindi ako magpapabaya sa’yo.” bulong niya.
Matagal bago ako nakasagot. “Salamat, Leo. Hindi ko ‘yan makakalimutan.”
Lumayo siya nang kaunti, saka tumingin sa backpack ko.
“Pwede kitang ihatid bukas.” sabi niya sa akin.
Umiling ako. “Hindi na. Baka isipin ng magiging amo ko na may kasama ako. Gusto kong magpakita nang maayos.”
Tumingin siya ulit, halatang hindi sang-ayon.
“Kung gano’n ihahatid na lang kita hanggang kanto. Hanggang doon lang.” sabi na niya sa akin.
“Sige.” sagot ko at ngumiti.
Pero habang tinitingnan ko siya parang may nababasa akong hindi niya sinasabi.
Takot. Pag-aalala.
At sa pinakailalim ng lahat..
Selos?
Hindi ko alam. At ayaw kong pangunahan.
“Dahlia.” bigla niyang sabi habang papalayo na ako.
“Sana hindi ka niya saktan.”
Napahinto ako at lumingon.
“Ha? Sino?”tanong ko
Napalunok siya.
“Yung amo mo. Yung nasa mansyon. Kahit sino pa siya. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ‘yon. Sana hindi ka niya masaktan. O mapahamak.” Sabi niya sa akin.
Huminga ako nang malalim.
“Kaya ko ang sarili ko, Leo.” sagot ko.
“Para kay Tatay, kakayanin ko lahat.” sabi ko sa kanaya na may paninindigan.
Tumango siya, pero halatang hirap.
“Basta tandaan mo… hindi ka nag-iisa.”sabi niya sa akin.
Kinagabihan, humiga ako sa higaan ko.
Hindi ako makatulog.
Iniisip ko ang mansyon.
Init ng ilaw.
Lalim ng gabi.
Katahimikan ng pasilyo.
Sino ang amo?
Ano ang mundong papasukin ko?
Hindi ko alam.
Pero bukas..
bubuksan ko mismo ang pintuang iyon.
At doon magsisimula ang kwento ko.
Ang kwento naming dalawa.
Ako… si Dahlia.
At ang lalaking nagtatago sa dilim.