Chapter 3
Dahlia’s Pov
Nay, anong nangyari kay Tatay?” halos pasigaw kong tanong nang makita kong nakahawak siya sa dibdib ni Tatay habang nakaupo ito sa papag, namumutla at pawis na pawis.
Inangat ni Nanay ang tingin niya sa akin nanginginig, nag-aalala, at kita ang takot.
“Anak… naninikip na naman ang dibdib ng tatay mo. Hindi na siya makahinga ng maayos. Kailangan na natin siyang madala sa ospital bago mahuli ang lahat.”
Parang may sumabog na kaba sa dibdib ko.
Agad kong lumuhod sa tabi nila.
“Tay… kaya pa po? Saglit lang po, hahanap ako ng tulong.” aligaga kong sabi sa kanya.
“Bilisan mo, anak!” halos pakiusap ni Nanay, nangingilid ang luha.
Tumayo ako agad at tumakbo palabas ng bahay walang tsinelas, walang pakialam kahit masakit ang lupa at bato sa paa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay oras.
Kailangan namin ng tulong.
Ngayon na.
Hindi bukas.
Pagkalabas ko, halos mauntog ako sa dalawang lalaking nag-aayos ng tricycle sa tapat.
“Kuya! Kuya tulungan n’yo po kami! Yung tatay ko po hindi na makahinga!”
Napabiyak ang boses ko sa sobrang kaba.
Agad silang nagtinginan, kita ang pagkabigla sa mukha nila.
“Saan? Saan banda bahay n’yo?” tanong ng isa.
“Doon po! Bilis po!” Itinuro ko ang daan habang mabilis na humakbang paatras, halos hilahin sila para sumunod.
Hindi na sila nagtanong pa.
Iniwan nila ang ginagawa at napatakbo kami pabalik sa bahay.
Habang bumabalik kami, ramdam ko ang pag-ikot ng sikmura ko sa takot parang sasabog ang dibdib ko sa pag-aalala. Ang ingay ng bawat yabag namin sa lupa ay humahalo sa mga sigaw ni Nanay mula sa loob.
“Dahlia!”
Nang marinig ko ang sigaw ni Nanay, lalo akong nataranta.
“Nay! Heto na po! May kasama na ako!” Sigaw ko
Pagpasok namin, nakita nilang dalawa si Tatay na nakakapit sa dibdib, nanlalabo ang mata, halos hindi na makahinga. Agad siyang inalalayan ng isa sa mga lalaki.
“Kuya, buhatin nyo po si Tatay dahan-dahan lang!” pakiusap ko, nanginginig ang kamay.
“Sige, ate kaya namin ‘to. Sumakay na kayo sa tricycle.”
Napatakbo kami palabas. Habang binubuhat nila si Tatay, hawak ko ang kamay niya malamig, nanginginig, at tila nawawalan na ng lakas.
“Tay… konti na lang po. Malapit na tayo sa ospital. Huwag po kayong bibitaw.” sabi ko kay tatay na nahihirapan huminga.
Narinig ko siyang bahagyang umungol sakto lamang para malaman kung nakikinig pa siya.
Umupo ako sa likod, karga si Tatay habang si Nanay ay nanginginig na nakahawak sa balikat ko.
“Diyos ko, anak iligtas mo ang tatay mo.” bulong ni Nanay, halos hindi ko marinig pero dama ko ang bawat piraso ng takot sa boses niya.
Habang umaandar ang tricycle sa bilis na kaya nito, tanging iisang pangako ang paulit-ulit kong inuusal sa isipan. “ Dyos ko wag nyo pong pabayaan tatay ko.”
Pagdating namin sa ospital, agad na dinala si Tatay sa loob ng emergency room. Hindi ko na halos marinig ang usapan ng mga nurse dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Si Nanay naman, nanginginig habang nakahawak sa braso ko, para bang doon lang siya kumukuha ng lakas.
“Anak sana kayanin ng tatay mo,” mahinang sabi ni Nanay habang pinupunasan ang luha.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang doktor pagod ang mukha, seryoso ang mga mata.
“Kayo po ba ang pamilya?” tanong niya.
Tumango ako, kahit nanginginig ang tuhod ko.
“May unstable angina ang tatay ninyo. Kailangan niyang ma-confine at sumailalim sa ilang tests ECG, blood work, at cardiac monitoring. Kung hindi maagapan, puwede itong mauwi sa mas malala.”paliwanag ng doktor sa amin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Dok… magkano po lahat?” tanong ko, halos pabulong.
Tumingin siya sa amin ng may pag-aalangan.
“Sa ngayon pa lang, aabutin na po ng tatlong libo ang emergency procedures. At depende sa resulta, maaaring kailangan pa ng maintenance na gamot at follow-up tests.”
Parang gumuho ang mundo ko. Wala kaming ganoong kalaking pera. Si Nanay, tahimik nang umiiyak.
“Dok… pwede po bang hulugan?” halos pakiusap ko.
“May social service naman,” sagot niya, “pero kahit papaano, kailangan pa rin ng pang-initial.”
Nagpasalamat kami at umalis sandali para mag-usap.
Pagkaupo namin sa lumang bangko ng ospital, saka ko naramdaman na nanginginig ang kamay ko.
“Nanay paano po tayo? Wala pa tayong pambayad sa utang sa palengke tapos ngayon si tatay pa.” Sabi ko.
Tumingin si Nanay sa akin, namumugto ang mga mata.
“Anak wala na tayong ibang mauutangan. Kahit kamag-anak natin, hirap din.”
Huminga siya ng malalim.
“Hindi ko alam kung saan tayo kukuha ng pang gasto kay tatay.”sabi ko na napapaluha.
“Nay, bahala na basta gumaling si tatay nay hahanap na lang ako ng paraan.” Agad kong sabi kay nanay.
“Paano? Saan ka hahanap Dahlia?” Tanong ni nanay sa akin.
“Hahanap ako ng pagkakautang o trabaho nay basta may panggasto tayo kay tatay.” Sabi na hindi nawawalan ng pag asa.”sabi ko kay nanay.
Sa bahay ni Machete….
“Mang Danilo kayo na po bahala at mag desisyon kung may nag babaka sakali pumasok maging katulong dito.” Wika ni Machete kay Mang Danilo.
“Sa palagay ko natatakot sila sa akin.” Dagdag niyang sabi.
“Kayo po bahala sir.” Sagot naman ni Mang Danilo.
“Taasan mo offer mo pagmay makita kang matinong magtatagal dito.” Sabi ni Machete.
“Magkano po ba sir Machete para masabi ko po?” Tanong ni Mang Danilo.
“Gawin mo dalawampu’t libo.” Sagot ni Machete kay Mang Danilo.
“Ang laki naman sir .” Gulat na sabi ni Mang Danilo.
“Oo para hindi hindi madaling umalis dito.” Sagot ni Machete.
“Sige po sir pag may makita ako at mag tatanong din ako sa mga kakilaa ko po.” Sabi ni Mang Danilo.
Nay… ikaw na muna bahala kay Tatay,” sabi ko habang hinahaplos ang kamay ni Nanay. “Hahanap po ako ng mauutangan. Kailangan natin ng pera ngayon.”
Malungkot ang tingin ni Nanay pero matatag.
“Sige anak… gusto kong samahan ka, pero walang magbabantay sa tatay mo rito. Hindi natin puwede siyang iwan.”
Tumango ako. “Huwag na po kayong mag-alala, Nay. Ako na pong bahala. Magtatanong ako sa mga kakilala natin.”
Paglabas ko ng ospital, pakiramdam ko’y mas mabigat pa ang hangin kaysa sa loob. Hindi ko alam kung saan pupunta, pero kailangan kong kumilos.
Naglakad ako papunta sa bahay ni Rina, umaasang baka kahit papaano may mahiram ako. Pagdating ko, agad akong kumatok nang sunod-sunod.
“Tao po! Tao po!”
May boses na sumagot mula sa loob. “Sino ‘yan?”
“Pwede po ba si Rina? Ako po si Dahlia!”
May narinig akong yabag, saka may sumagot: “Rina, may naghahanap sayo.”
“Sino po ah, Dahlia!” Lumabas si Rina, gulat pero nakangiti. “Uy, napa-bisita ka? Kamusta?”
Hindi ko na napigil ang luha ko. “Rina may hihingin sana ako. Nakakahiya pero kakapalan ko na mukha ko.”
Naging seryoso ang mukha niya. “Ano yun, Dahlia?”
“Pwede ba akong makahiram ng pera? Nasa ospital si Tatay wala kaming pambayad.”
Nagulat si Rina. “Ano? Diyos ko, Dahlia…” Napa-buntong-hininga siya. “May pera ako pero… isang libo na lang, pang-budget ko sa school.”
Napayuko ako. “Ayos lang kung hindi.”
“Hoy!” pigil niya. “Kung makakatulong sa’yo kahit kaunti, ibibigay ko. Saglit lang, kukunin ko.”
Ilang minuto pa, bumalik siyang may hawak na gusot na sobre. Inabot niya iyon sa akin.
“Eto isang libo. Pasensya na kung maliit lang.”
Kinumutan ko ang kamay niya. “Rina… malaking tulong ‘to. Hindi ko makakalimutan. Promise, babayaran ko.”
“Wag mong intindihin yun ngayon,” sagot niya. “Ang mahalaga, mabili mo ang kailangan ni tatay mo.
Nagpaalam ako kaagad. “Salamat ulit, Rina. Sige na, babalik ako sa ospital.”
Nagpunta ako sa bahay ng mga kamag-anak namin… pero pareho lang ang sagot.
“Pasensya na, Dahlia wala rin kami ngayon.” sabi ng kamag anak namin.
Umuwi akong mas mabigat ang loob. Pero hindi ako puwedeng sumuko.
Pumunta ako sa palengke, ang huli kong pag-asa. Nilapitan ko si Aling Lita na may tindahan doon.
“Aling Lita… baka naman po may pera kayo diyan. Pautang naman po, kahit konti lang. Kailangan po namin para kay Tatay.”
Napataas siya ng kilay, halatang inis.
“Naku, Dahlia! Ang haba-haba na nga ng listahan niyo dito, dadagdagan mo pa?”
“Maawa naman po kayo nasa ospital po si Tatay. Kailangan niya po ng gamot.”
Umismid siya. “Wala akong pera ngayon.”
Lunod ang puso ko sa hiya at desperasyon. Pero biglang lumambot ang boses niya.
“Alam mo,” dagdag niya, “magtrabaho ka kaya? May kakilala ako iyong asawa ng pinsan ko. May hinahanap silang katulong o tagabantay ng bahay.”
Napatingin ako sa kanya. “Saan po ‘yon?”
“Sa mansion ng mga Vergara,” sabi niya.
“Pero sabi ko nga wala raw tumatagal doon. Masyadong istrikto ang amo. At yung bahay? Diyos ko parang haunted house sa laki at dilim. Balita ko lang naman.”
Hindi ko alam kung matatakot ako o makakakita ako ng pag-asa.
“Pwede ko po bang makuha ang address?” tanong ko, kahit kinakabahan. “Kahit ano pong trabaho basta may panggastos kami.”
Tumango siya at kinuha ang cellphone. Tumawag siya kaagad.
“Oh, hello Lokring. May nahanap ka na ba para sa tiyuhin mo? Wala pa? Mabuti! Meron ako dito oh si Dahlia. Interesado.”
Pagkababa niya ng tawag, tumingin siya sa akin.
“O, bukas daw. Punta ka sa address na to. Sa malaking mansion ng Vergara.”
Tumango ako agad. “Sige po, pupuntahan ko agad bukas.”
Pero kailangan ko pa ng pera ngayon.
“Aling Lita… baka naman po kahit pang-gamot ni Tatay… pakiusap po…”
Napataas siya ng kilay, pero nagbuklat ng coin purse.
“Sige. May limang libo ako. Pero pag nagtrabaho ka na ibibigay mo sa akin anim na libo ha? Tubong lugaw lang.”
Hindi na ako nakipagtalo. “Opo basta pahiram nyo po muna.”
Inabot niya sa akin ang pera.
“Eto. Pero Dahlia, usapan ay usapan.”
Kinuha ko ang limang libo na parang hininga ng hangin sa taong nalulunod.
“Maraming salamat po, Aling Lita. Babalik na po ako sa ospital.”
Paglayo ko, pakiramdam ko'y nanginginig pa ang mga kamay ko.
Isang takot na hindi ko maipaliwanag ang bumabalot sa dibdib .Pero mas malakas ang pagnanais kong iligtas si Tatay.