Chapter 2
Machete’s POV
“Mang Danilo, mag-ingat po kayo sa biyahe.”
Mahinahon kong sabi habang iniabot ko sa kanya ang isang puting sobre na makapal ang laman.
“Nandiyan na po lahat pangpa-check up, gamot, at dagdag para sa mga kailangan ninyo. Huwag na po kayong mag-alala.”sabi ko kay Mang Danilo.
Nakatingin lang sa akin si Mang Danilo, at sa sandaling iyon, para siyang tumanda ulit ng ilang taon.
“Salamat po, sir Machete napakalaki na naman po ng tulong ninyo.”
Ngumiti siya, pero may pagod doon yong pagod na hindi na kayang itago ng ngiti.
“Huwag niyo pong pasanin mag-isa ang lahat, Mang Danilo.” tugon ko habang tinatapik ang balikat niya.
“Ako na ho ang bahala rito sa bahay at sa inyo.”
Tumango siya ng marahan, at halatang pilit pinipigilan ang pag-angat ng emosyon sa mukha niya.
“Sir, kapag nakakita po ako ng matinong tao na puwedeng mag-alaga dito sa bahay, sasabihin ko po agad. Kailangan niyo rin po ng kasama.”
Napahinga ako nang malalim.
Hindi ko masabi ng diretso, pero matagal ko nang gustong sabihin sa kanya na matagal na siyang dapat nagpapahinga.
Simula nang nawala ang pamilya ko, siya lang ang natira at siya pa ang pinakamadalas kong pinag-aalalahanan.
“Sige, umalis na po kayo bago kayo abutan ng dilim. Huwag n’yo na pong sayangin ang lakas niyo.”
“Opo, sir. Mauna na po ako.” paalam niya
Kumilos siya paalis, dahan-dahan, at sa bawat hakbang niya parang lalo siyang lumiliit sa paningin ko tila ba unti-unti ko siyang nakikitang nauubos.
At nang tuluyang magsara ang malaking pintuan ng bahay, kumalat ang katahimikan.
Kumalabog iyon sa dibdib ko.
Tahimik. Malamig. Malawak.
Pero sanay na ako.
Lumakad ako pabalik sa loob at tumingin sa mga ilaw na hindi ko man lang binuksan.
Walang gana. Walang dahilan.
Mas gugustuhin ko pang umupo sa dilim kaysa pagmasdan ang mga ilaw na nagpapakita ng kawalan ko ng kasama rito.
Diretso ako papunta sa silid-aklatan ang tanging lugar sa bahay na parang hindi ako sakal.
Dito, pwede akong huminga.
O kahit paano magpanggap na kaya ko pa.
Umupo ako sa lumang upuan, narinig ko ang kaluskos ng lumang kahoy.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
“Heto na naman.” bulong ko sa sarili.
“Ako na naman sa dilim.”
Napahawak ako sa sentido ko habang nakatitig sa mga lumang libro na ilang beses ko nang nabuklat pero hindi ko maalala ang laman.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo, pero malinaw ang pakiramdam iyong mabigat sa dibdib na paulit-ulit na bumabalik.
Simula nang mawala sila.
Ganito na lang lagi.
Isang malaking bahay.
Isang katahimikang parang anino.
At isang lalaking hindi na marunong sumaya.
Hinugot ko ang malalim na hininga.
“Tangina naman.” bulong ko habang pinipisil ang tulay ng ilong ko.
Gabi na pala.
At gaya ng dati, nararamdaman ko na naman ang kilalang sakit ang pakiramdam na wala akong kontrol sa kahit ano.
Sobrang tahimik ng buong paligid habang kumakain ako mag-isa sa mahabang mesa. Tanging isang maliit na dilaw na ilaw mula sa kusina ang nagbibigay ng mahina ngunit malamlam na liwanag parang apoy na pilit pang tumitibok sa gitna ng dilim.
Napatingin ako sa mga upuang nakahanay sa magkabilang gilid ng mesa. Naiwan pa rin sa isip ko ang huling tanghalian naming magkakasama… ang mga tawanan, ang mga kwentong paulit-ulit pero hindi nakakasawa lahat iyon ngayon ay alaala na lang na kumakagat sa dibdib ko tuwing sumasapit ang gabi.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.
Napabuntong-hininga ako bago ko ito dinampot. Pagtingin ko, si Tito Apollo ang tumatawag.
Idinikit ko ang cellphone sa tenga ko.
“Mac, kamusta ka na d’yan?” tanong niya, puno ng pag-aalala.
“Okay naman po ako,” sagot ko, baritono at medyo malamig.
“Nasaan ka ngayon?”
“Nasa bahay.”
May maiksing katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita si Tito.
“Ano ba naman ‘yan, Machete lagi ka na lang nakakulong sa mansyon n’yo. Lumabas-labas ka naman. Makihalubilo ka sa ibang tao. Hindi puwedeng ganyan ka palagi.”sabi niya sa akin na may pag sermon.
Napapikit ako. Narinig ko na ‘to nang ilang beses mula sa iba’t ibang kamag-anak.
“Bakit po kayo napatawag, tito?”tanong ko sa kanya.
“Ah, oo nga pala. Inaanyayahan kita bukas birthday ng tita mo. Magkakaroon kami ng salo-salo dito sa bahay. Punta ka, kahit saglit. Para naman maiba ang hangin mo.”
“No need po. Hindi ako sanay sa party. Mas gusto ko lang tahimik.”
“Machete naman.” napa buntong-hininga si Tito sa kabilang linya.
“Matagal nang wala ang mga magulang mo. Anak, hindi mo kasalanan ang aksidenteng ‘yon. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot. Hindi iyon ang gugustuhin nila.”sabi ni Tito Apollo.
Parang may humigpit sa dibdib ko. Pero hindi ako nagsalita.
Nagpatuloy siya, tila hindi sumuko.
“Machete?”
Huminga ako nang malalim.
“May sasabihin pa po ba kayo? Kung wala na ibababa ko na.”
“Sandali bukas pupunta rin si Edward. Kakauwi lang niya galing States. Matutuwa siyang makita ka.” sabi ni Tito Apollo sa akin
Saglit akong natahimik.
“Hindi po ako nangakong makakapunta, tito. Pero… susubukan ko.”
Mahinahon kong sagot.
“’Yan ang gusto kong marinig. Sige na, Machete. Pagbigyan mo na kami minsan. Ingat ka d’yan. Bye.”aniya sa akin.
Pagkababa ng tawag, tumahimik muli ang lahat pero mas mabigat na ngayon.
Napahawak ako sa sentido ko.
Hindi ko kasalanan. Hindi ko kasalanan pero bakit parang ako ang pinaparusahan ng konsensya ko?
Umalingawngaw ang tunog ng lumang orasan na nakasabit sa dingding.
Tila ba paalala na patuloy na umiikot ang mundo kahit ako, nananatili pa ring nakapako sa nakaraan.
Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang pinggan.
Isinantabi ko ito sa lababo at napatingin muli sa madilim na sala.
Isang iglap, naramdaman kong muli ang lamig at bigat ng mansyon.
Ako lang.
Ako na lang.
At ang katahimikan halos sumisigaw.
Kinabukasan, maaga akong bumaba sa sala nang marinig ko ang yabag ni Mang Danilo sa tapat ng malaking pintuan. Pagbukas ko, nakita kong may kasama siyang babae nakatayo ng tuwid, halatang kinakabahan, at paulit-ulit na pinipisil ang laylayan ng damit niya.
Napatingin sa akin si Mang Danilo bago siya nagsalita.
“Sir Machete heto po, may napakiusapan akong mag-aapply bilang katulong.” sabi ni Mang Danilo sa akin.
Pinagmasdan ko muna ang babae mula ulo hanggang paa bago ko kinausap si Mang Danilo nang medyo pasinghal.
“Mang Danilo, sigurado ka ba sa nakuha mo?” malamig kong sabi, baras kung baras.
“Hindi mo man lang masyadong kilala.”
Nagkamot siya ng ulo, halatang nahihiya.
“Ah… sir, nire-recommend lang din po ng kaibigan ko. Sabi niya maaasahan daw. Pasensya na po kung hindi ko pa siya kabisado.”
Hindi na ako sumagot. Muli kong tiningnan ang babae matangkad ng bahagya, maamo ang mukha pero bakas ang kaba. Parang gusto niyang tumakbo pabalik palabas ng gate kung bibigyan siya ng pagkakataon.
Lumapit ako sa kanya. Tahimik. Mabigat ang mga hakbang ko.
Nang tumapat ako sa harap niya, bahagya siyang napaatras sa tensyon ng presensya ko. Sinadya kong panatilihin ang matigas na ekspresyon seryoso, walang emosyon, walang kahit anong pahiwatig kung nagustuhan ko siya o hindi.
“Kaya mo ba ang trabaho dito?” tanong ko, malalim ang tono.
Napalunok siya. Kita sa mukha niya ang pag-aalinlangan.
“Ahh… a-ah… s-sir, kaya naman po… pero…” napatingin siya sa paligid.
“Pero parang parang haunted house po itong bahay n’yo. Ang laki ang dilim parang hindi ko po kayanin mag-isa.”
Inangat ko ang kilay ko, hindi nagustuhan ang sinabi niya.
“Kahit malaki ang ipapasahod ko sa’yo, ayaw mo?”
Diretso. Walang lambing.
Kitang-kita ko ang pamutla ng labi niya. Tumingin siya sa sahig bago muling sumagot.
“S-sir… pasensya na po talaga. M-matatakutin ako. Uuwi na lang po siguro ako. Hindi ko hindi ko po kaya ‘tong lugar.”
Hindi na ako nagpakita ng kahit anong reaksyon.
“Kung ganun, bukas ang pinto. Makakaalis ka na.”
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Yumuko siya nang mabilis.
“P-pasensya na po ulit, sir…”
Nagmadali siyang lumibot palayo at halos tumakbo palabas ng mansyon.
Pagkaalis niya, napatingin sa akin si Mang Danilo, nakakunot ang noo.
“Sir Machete tinakot n’yo naman kasi.” reklamo niya.
Napabuntong-hininga ako at umiling.
“Ayaw ko sa aura niya, Mang Danilo. Hindi siya bagay dito.”
Naglakad ako palayo, ramdam ang bigat ng katahimikan na bumalik sa bahay.
“Pero kailangan ko talaga ng katulong. Maghanap ka pa ng iba.” sabi ko sa kanya.
Tumango si Mang Danilo.
“Sige po, sir. Susubukan ko ulit.”
Habang umaalis siya, naiwan akong nakatayo sa gitna ng malawak at madilim na sala at doon ko napagtanto.
Wala talagang tumatagal sa bahay na ito.
Hindi dahil sa dilim.
Hindi dahil sa laki.
Kundi dahil sa akin.
Hindi ko mapigilan ang pagngisi ng mapait.
Kung sino man ang darating dito kailangan niyang kayanin ako bago niya kayanin ang bahay.
Hindi pa lumilipas ang isang araw, nagbalik agad si Mang Danilo mula sa bayan. Ayon sa kanya ay may isa raw siyang nakumbinsing mag-apply isang may edad na babae na nangangailangan ng trabaho.
Kinabukasan, tumawag si Mang Danilo mula sa gate.
Nasa tabi niya ang babae payat, halatang pagod, at may dala-dalang maliit na bag. Parang mas kinakabahan pa siya sa mismong paglulakad papasok sa malawak na bakuran.
“Maghintay lang po kayo dito, at pupuntahan ko muna si sir para makilala n’yo.”
Sabi ni Mang Danilo bago siya pumasok.
Nasa loob ako ng silid-aklatan, nakaupo sa lumang upuang kahoy habang nakabukas ang libro sa kandila. Kumatok si Mang Danilo.
“Sir Machete, nandito na po yung mag-aapply na katulong. Nasa baba po.” sabi niya sa akin.
“Sige. Papuntahin mo dito.”
Diretso at walang emosyon.
Bumaba agad siya at tinawag ang babae.
“Halika po kayo, pinapatawag po kayo ni sir sa silid-aklatan niya.”sabi ni Mang Danilo sa babaeng mag aapply.
Napansin kong mabagal ang pag-akyat niya sa hagdan, hawak pa ang rehas na parang baka matumba.
“Diyos ko ang laki naman ng bahay na ‘to. Para kang naliligaw sa loob.” mahina niyang bulong pero rinig ko pa rin mula sa taas sanay na akong marinig ang bawat yabag at bawat pabulong na salita sa loob ng tahimik na mansyon.
Kumatok sila.
“Pasok,” barasko kong sabi.
Napasulyap ako sa babae. Nanlaki ang mata niya nang marinig ang boses ko.
“Naku, manong nakakatakot naman ang boses ng amo mo,” bulong niya kay Mang Danilo, akala niya hindi ko maririnig.
Pagpasok niya, mas lalo siyang nagulat.
“Ay, bakit naman sobrang dilim dito? Wala bang ilaw ‘tong kwartong ‘to?”
Hindi ko pinansin ang komentong iyon.
Tumayo ako, humarap sa kanya.
“Kaya mo bang manilbihan dito?”
Diretso. Malamig. Walang pa-smile.
Napabitaw siya sa bag niya at agad itong dinampot.
“O-oo naman po, sir kakayanin ko po.” sagot niya, kahit halatang hindi niya kayang paniwalaan ang sarili.
“Kung ganun, magsimula ka na ngayon.”barasko kong sabi sa kanya.
“Sige po, sir.” Matipid niyang sagot sa akin.
Tumango ako kay Mang Danilo.
“Ihatid mo siya sa magiging kwarto niya.”utos ko sa kanya kay Mang Danilo.
“Sige po, sir.”agad niyang sabi.
Mabagal silang bumaba, at kahit wala na sila ay narinig ko pa rin ang pagod na paghinga ng babae habang naglalakad sa mahabang pasilyo.
Ilang oras ang lumipas…
Hindi ko na namalayan ang oras kakabasa nang biglang kumatok muli si Mang Danilo.
“Sir…” mahina ang boses. “Gusto na pong umuwi nung babae. Hinihika raw po. Nahihirapan daw huminga sa paglilinis sa itaas.”
Huminga ako nang malalim.
Hindi na ako nagulat.
“Hayaan mo siyang umalis. May edad na rin. Hindi ko rin mapipilit.”sabi ko kay Mang Danilo.
“Pasensya na po sir, lagi pong may rason umaalis.” sabi ni Mang Danilo na parang siya pa ang may kasalanan.
Umiling ako.
“Hindi mo kasalanan.”
Nakatitig ako sa bukas na pinto ng silid-aklatan nakasanayan ko na ang katahimikan.
“Sanay na rin ako na tayo lang dalawa dito.”sabi ko kay Mang Danilo.
Tumango si Mang Danilo, kahit bakas ang pagod at lungkot sa mukha niya.
“Sige po, sir. Ihahatid ko na lang siya sa bayan.” paalam ni Mang Danilo.
Pagkaalis nila, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa buong mansyon.
Araw-araw may dumarating araw-araw may umaayaw.
Wala talagang nananatili.
At sa sulok ng isip ko, isang pangungusap ang paulit-ulit na umuukit.