Parang may pumipiga sa sikmura ng dalaga nitong nagdaang araw dahil sa pag-aalala. Maglilimang araw na mula ng bumaba si Lucas sa bayan. Hindi na niya ito nakausap nang masinsinan, umalis ito kinabukasan ng gabing inangkin siya nito. Iniwan nito ang mga tauhang mahuhusay sa bakbakan sa pangambang sumalakay sina Alfonso habang wala ito. Si Goyo na laging kadikit nito sa lahat ng lakad ay hindi din nito isinama. Totoo ang banta sa kanilang buhay. Mapapansin iyon sa kilos ng mga tao. Huminto ang karaniwan nilang ginagawa sa araw-araw. Pati nga ang mga bata, pinagbilinang manatili sa loob ng bahay. "Sa tingin mo, may doktor na papayag pumunta rito?" tanong ni Esperanza. Nakaupo siya sa huling baitang ng hagdan ng bahay ni Lucas. Tumigil si Arman sa ginagawa. Ito o si Goyo ang parating naka

