"Paano pa kita iuuwi sa inyo? Lasing ka na." Malapit nang maubos ang pasensiya ni Lucas. "Ako? Lasing? Sinong nagsabi?" Halos hindi maintindihan ang mga salitang lumabas sa bibig ni Esperanza. Binagalan niya ang susunod na sinabi niya. "Para wala kang problema huwag mo akong ihatid. Daming tutulong sa akin. Hindi lang ikaw!" Kumumpas ang kamay niya. "Mabuti pang dito na muna kayo matulog, Lucas. Bakante ang isang kuwarto sa bahay. Bumukod ang anak ko nang madagdagan ang mga apo ko," suhestiyon ni Aling Esther. Medyo nakonsensiya ito lalo't hinikayat pa nitong uminom ang dalaga imbes na pigilan. Isa pa'y napasarap din ito sa paglagok ng alak. "Sumunod na kayo sa akin at ihahanda ko 'yon." "Narinig mo? Tapos ang problema! Halika na't sumunod na tayo kay Aling Estherrr!" Tumayo siya. Naw

