Kabanata 30

2117 Words

Kung nakapantalon si Esperanza, madali lang para sa kaniya ang lumundag mula sa sinasakyang kabayo. Iniisip niya pa lang kung paano siya bababa'y nakita niyang lumapit si Goyo. Pero nakipag-unahan si Lucas at para pa ngang tinabig nito ang kaibigan. "Tulungan na kitang bumaba," sabi ni Lucas. "S-sige." Uminit ang mukha niya at idinasal niya na sana'y matakpan ng dilim ang pamumula niyon. Alam niya kasing hahawakan siya nito sa kaniyang baywang tulad ng ginawa nito kanina nang sumakay siya sa kabayo. Kumapit ito sa baywang niya. Nakapapaso ang init ng palad nito, nanunuot sa kalamnan niya. Hinigit niya ang hininga kaya't saglit na huminto ang pintig ng puso niya bago muling tumibok nang malakas. Ipinatong niya sa balikat nito ang kaniyang mga kamay. Ramdam na ramdam niya ang paghinang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD