CHAPTER 2- THE STORY OF THE LOST CEO

1760 Words
TRINA’S POV (TRIXIE’S MOM) Nang makaalis na si Trixie ay pumunta na ako sa kwarto naming ni Ronald para magpahinga na. Ilang minuto naman ang lumipas, habang nanonood lang naman ako sa T.V ay nag-ring ang telepono ko. Nakita kong si Keith pala ito, ang asawa ng matalik kong kaibigan na si Lizel, kaya naman mabilis kong sinagot ito. “T-trina! Kailangan ko ang tulong mo!” sigaw niya nang masagot ko na ang tawag niya. Bigla naman akong kinabahan sa tono ng boses niya. Nakaramdam din ako na bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba kaya naman tinanong ko siya kung ano ang nangyari. “Bakit Keith? A-anong nangyari? Bakit ganiyan ang tono nang boses mo? Parang nanginginig ka?” nagaalalang tanong ko. “Si Lizel… Papunta na kaming ospital ngayon.” biglang umiiyak na sagot na niya. Bigla akong napabangon sa narinig ko. “A-ano?” nauutal na tanong ko. “Sa hospital na lang tayo magkita. D-don ko na lang s-sasabihin sa ‘yo, Trina.” Sagot niya sabay ibinaba na ang telepono. Mabilis naman akong tumayo sabay kinuha na ang susi ng kotse ko at nagmamadaling umalis na nang bahay. Habang nasa biyahe naman ako ay hindi ko maalis sa isip ko ang pag-iisip kay Lizel. Siya ang nag-iisa at matalik na kaibigan ko at parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya dahil bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami katulad ng mga magulang namin. Ilang minute pa ang lumipas at nakarating na rin ako sa Hospital. Dali-dali akong lumapit sa nurse station. “Miss saan ang room ni Lizel Esperancilla? Kaibigan niya ako.” tanong ko. “Lizel Espoerancilla…” sabi niya habang hinahanap ang pangalan nito. “Sa room 211 po, Ma’am.” sagot niya kaya naman mabilis akong lumakad papunta sa kwarto na ‘yun. Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga si Lizel at mukhang wala pa itong malay. Naupo naman ako at ilang minuto lang ay dumating si Keith. “T-trina… nandito ka na pala.” bungad niya. “A-anong nangyari kay Lizel?” nag-aalalang tanong ko naman. Umupo muna si Keith at nagsalita. “Nadatnan ko siyang nakahiga sa sahig ng kwarto naming habang bumubula na ang bibig niya. Nag-take daw siya ng maraming sleeping pills sabi ng doctor. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Trina. Sobra na akong naaawa at nasasaktan sa nangyayari sa asawa ko. Kasalanan ko ‘tong lahat.” “Alam kong sobrang nahihirapan kayo sa nangyari noon, hanggang ngayon. Kahit ako, wala akong magawa para tulungan kayo.” sagot ko. Nag-message muna ako kay Trixie na nandito ako sa kasalukuyan sa hospital, para aware rin siya sa nangyari sa Ninang niya. “K-kung hindi ko lang nagawa ang iyon kay Lucas… sana… sana kasama naming siya ngayon… sana hindi ganitong nahihirapan ng sobra si Lizel.” naluluhang ‘aniya. “Gagawin ko ang lahat, Keith para makatulong sa inyo. Ayoko na ring nakikitang ganiyan si Lizel, halos hindi na siya ang dating Lizel na kilala natin. Hindi na siya ‘yung Lizel na masiyahin at matapang. Halos mawalan na siya ng ganang mabuhay dahil umabot na sa ganitong punto na naisip na niyang magpakamatay. Pero mabuti talaga ang Diyos, dahil hindi siya nito pinabayaan, kaya naman naniniwala ako Keith, makikita at mahahanap pa si Lucas.” pagpapalakas ko nang loob sa kaniya. “Ginawa ko naman ang lahat, Trina… pero bakit ganito… parang wala pa ring nangyayari.” malungkot na sambit niya. “Huwag kang mag-alala, Keith. Baka nasa tabi tabi lang si Lucas. Gagawa ako nang paraan para mahanap siya.” sagot ko. Alam kong sa naiisip kong paraan ay makakatulong ito sa paghahanap sa nawawalang anak nila Lizel at Keith na si Prince Lucas. TRIXIE’S POV “Why, babe? Bakit napamura ka yata diyan?” nagtatakang tanong sa akin ni Maverick. Bigla akong kinahabahan sa nabasa kong message mula kay mommy. “Babe, n-nag-message kasi si mommy sa akin ngayon lang…” panimula ko. Nasa byahe pa rin kami sa kasalukuyan ni Maverick papunta sa Grand Reunion namin. Ihininto muna niya ang sasakyan sa tabi. “Why, Babe? Is there something wrong happened? Okay lang daw ba si Tita Trina?” tanong niya. Huminga naman ako ng malalim nang panandalian lamang sabay nagsalitang muli. “Nag-message kasi si mommy, babe. Ang sabi niya ay nasa hospital daw siya, and you know Tita Lizel, right?” Tumango naman si Mav. “Siya ‘yung bestfriend ng mommy mo ‘di ba? What about her?” tanong niya muli. “Nasa hospital nga daw si mommy ngayon dahil Tita Lizel committed suicide. H-hindi ko alam kung anong nangyari babe pero sobra sobra na siguro talaga ang pain and sadness na nararanasan ni Tita Lizel kaya niya nagawa ‘yun.” kuwento ko sa kaniya. “Maybe we can go to that hospital later, babe. After na lang siguro ng party? I’m sure na okay na rin naman niyan ang Tita Lizel mo, don’t worry babe, let’s just pray na wala nang mangyari pang hindi maganda sa kaniya.” pag-cocomfort naman ni Maverick sa akin. Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti na lamang kay Mav, and then nagsimula na ulit siyang mag-drive. Habng nasa biyahe ay bigla ko na naman naalala ang lahat ng patungkol kay Prince Lucas. Si Prince Lucas, siya ang nag-iisang anak ng bestfriend ng mommy ko na si Tita Lizel and Tito Keith. Prince Lucas was my childhood bestfriend. Kaya masakit at malungkot din naman sa akin ang nangyayari ngayon sa pamilya niya at lalong lalo na sa mommy niya. *FLASHBACK* “Wala ka nang ginawang tama! Ang gusto ko lang naman ay tulungan mo ako sa kompanya natin dahil para sa iyo rin naman ito, pero bakit Lucas? Madalas na sakit sa ulo na lamang ang ibinibigay mo sa akin! Akala ko kapag maaga pa lang na minulat kita sa mundo ko bilang isang businessman ay maaga ka nang magkakaroon ng interes sa negosyo!” sigaw ni Tito Keith. “I’m always doing what you want, dad! I’m doing my part to know how to be a good CEO in the near future.” sagot naman ni Lucas. “But I want BETTER!!! Ayoko nang good lang, Lucas, alam mo ‘yan! Ang hirap kasi sa ‘yo puro ka hangout with your friends!” sigaw muli ni Tito Keith. Nasa bahay ako ngayon nila Lucas, may pinapatanong kasi si mommy kay Tita Trina pero iyan ang mga narinig ko. Narinig kong nag-aaway silang mag-ama. Hindi pa man ako nakakapasok sa bahay nila ay hindi ko na ninais pang tumuloy tuloy pa dahil nga sa sigawang iyon. Hanggang sa ilang segundo lang ang lumipas at narinig kong may tumatakbo. Napalingon ako at nakita kong si Tita Lizel pala ‘yun na kakauwi pa lamang galing trabaho. Nilagpasan lang ako ni Tita Lizel at dali daling pumasok ito sa loob. Nasa gilid na kasi ako ng pintuan nila pero nakatago lang ako dito. “A-anong nangyayari ditto? W-wait, a-anong nangyari diyan sa mukha mo, Lucas? Bakit ang dami mong pasa? B-bakit may dugo ‘yang shirt mo? A-ano ba ‘yung nabalitaan ko na nakipag-away na naman kayo ng mga kaibigan mo, anak?” narinig kong nag-aalalang mga tanong ni Tita Lizel kay Lucas. “Ilang beses na ‘to, Lucas. Kailan ka ba titino?!” malakas na sigaw ni Tito Keith. “Ahhh!” narinig kong sumigaw naman sin Lucas na mukhang nakaramdam ng suntok sa daddy niya base sa tono sigaw nito. Ito ang unang beses na nakita o narinig ko na sinaktan ni Tito Keith si Lucas ng pisikal. Oo, madalas na nakakagawa ng mga hindi maganda si Lucas dahil sa impluwensiya ng mga kaibigan niya sa kaniya. Madalas kasi na hindi tumatanggi si Lucas sa anyaya ng mga kaibigan niya na lumabas kaya naman, madalas din na mayroon silang nakakaaway sa bar, hindi ko alam kung bakit pero madalas ay nadadamay lang naman siya. “Ano ba, Keith?! Nakita mo na ngang ganiyan na ang kalagayan ng anak mo tapos sasaktan mo pa!” galit na sigaw ni Tita Lizel habang ako naman ay patuloy na nakikinig sa kanila at napatakip pa sa bibig. “Kung ganiyan lang din ang gagawin mo palagi? Mas gugustuhin ko pang hindi na lang kita makita pa!” dagdag ni Tito Keith. “Okay, fine! Hindi niyo man lang ako hahayaang magpaliwanag hindi ba? Okay, sige. Mas mabuti nga sigurong hindi niyo na ako muling makita pa!” sigaw ni Lucas. Nagulat naman ako nang bigla ko na siyang makitang lumabas ng pinto at dirediretsong lumabas na nang bahay nila. “Lucas, anak!!! Sandali lang!” tumatakbo habang sumisigaw si Tita Lizel at pinipigilang umalis si Lucas ngunit nagtuloy tuloy lang naman si Lucas at tuluyan nang nakaalis. Nakita ko namang napaluhod si Tita Lizel habang umiiyak sabay nilapitan ko na rin naman siya. Nang gabing iyon ay sinamahan naming ni mommy si Tita Lizel sa paghihintay kay Lucas sa pag-uwi nito. Kinontak na rin naming ang mga kaibigan niya na posibleng kasama niya nang mga oras na iyon pero dumating na ang umaga pero walang Lucas na dumating. Ilang araw pa ang lumipas at nalaman na lang naming nila Tita Lizel na naagrabiyado pala sila Lucas at ang mga kaibigan niya nang gabing iyon kaya napaaway talaga sila at doon na nagsimula ang galit ni Tita Lizel kay Tito Keith dahil alam niyang nasaktan si Lucas kaya hindi na ito umuwi. *END OF FLASHBACK* “Nandito na tayo, babe.” Sabi ni Maverick pagkahinto ng sasakyan. Huminga naman akong muli nang malalim. Nasaan na kaya si Lucas? Kilala pa kaya niya ako? Ano na kaya ang itsura niya? Then bumaba na nga kami ni Maverick sa kotse niya at lumakad na papasok nang venue. Bago naman kami makapasok nang tuluyan sa loob ay mayroong nahagip ang mga mata ko. Napahinto naman ako, napataas ang dalawang kilay at kinusot ang aking mga mata “L-looks like familiar.” bulong ko. Hinawakan naman ni Maverick ang kamay ko. “Are you saying something, babe? Iniisip mo pa rin ba ‘yung about sa bestfriend ng mommy mo?” tanong niya. Umiling naman ako. “Ah, wala, wala babe. Let’s go?”aya ko na rin sa kaniya sabay nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa loob. P-parang nakita ko kasi si L-lucas. Pero… matagal na siyang hindi nagpapakita and… Basta, baka namalikmata lang ako. As if naman na si Lucas ‘yung lalaing iyon. A waiter? Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD