bc

The Lost CEO’s Stalker

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
stalker
friends to lovers
independent
student
heir/heiress
bxg
female lead
first love
self discover
sassy
like
intro-logo
Blurb

Princess Trixie only wants to be free from her parents' limits and rules. She is twenty-one years old but she still can't do what she wants freely because of being the only child. Wanting to get away from the limitations and rules of her parents and get half of the total of her heirs, she agreed to her mother's offer to help her find the missing child of her best friend. And if she is able to find it, her parents will give her all her inheritance.

Prince Lucas, the missing and sole heir and CEO of the Fragrantella Company, is the only son of Trixie’s mother’s best friend. During Trixie’s search for Lucas, will it succeed knowing that she has a jealous boyfriend? And if so, what are the things that she will discover when they meet again? Will there be big changes in the lives of the two of them? Will this affect Trixie’s relationship with her boyfriend Maverick because of Lucas entering their lives?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- LIVING WITH LIMITATIONS
TRIXIE'S POV "Mom!!! Nasaan po 'yung susi ng kotse?" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Nagmamadali kasi ako today. Hay, male-late na ako sa party naming niyan! "I don't know, honey." sagot naman niya. Napakamot naman ako sa ulo ko ng bahagya. Kapag ganitong natataranta na ako ay medyo nakakaramdam na ako ng frustration. "Si dad po kaya?" tanong kong muli kay mom. Tumaas naman ang dalawang balikat nito sabay sabing, "Umalis na. Pumasok na siya sa work." Napailingh-iling naman ako. Hay, baka tinago na naman niya. Nakakainis naman. "I knew it. Baka tinago na naman ni daddy. Nakakainis naman oh!" pagdadabog ko pa. Nangyari na rin ang ganitong pangyayari noon. Madalas magtago ng susi ng kotse si dad lalo na kapag alam niyang ako ang magda-drive. Gusto kasi nila palagi na lang may driver na kasama. Hay nako. "Bakit ba kasi hindi na lang ako hayaan ni dad na magkaroon ng sarili kong sasakyan? Tutal marunong naman na ako mag-drive. May mga kotse nga na pinapagamit sa akin but, palagi na lang may driver." dagdag ko pa. Naupo muna ako panandalian habang nag-iisip kung paano na ako makakaalis niyan. Panigurado kahit na naka-park ang mga kotse o sasakyan dito ay wala rin naman ang mga susi. Lumapit naman sa akin si mommy. "You know what Princess, your dad is so protective hindi ba? Besides, nag-iisang anak ka lang namin kaya naman sobra sobra ka naming iniingatan. We always want you to be safe and secure kaya nagkasundo talaga kami na mas maganda at safe ka kung may driver ka palagi." paliwanag ni mommy. Napabuntong hininga naman ako because they always said that. Yup. Only child lang ako. Kaya nga kahit 21 na ako ay hindi pa rin ako malaya na gawin kung ano ang gusto ko. Kapag lalabas ako kasama ang friends ko? Papayagan naman nila ako but may limit ang time, kunwari aalis ako sa bahay ng 8 pm, dapat at 10 pm ay nasa bahay na ako, minsan naman kapag napakiusapan ko sila mom and dad ay sagad na ang hanggang 11 pm ko sa labas. Sa ibang bansa nga hindi ba? 18 years old or pagtungtong nila sa legal age, ayun, malaya na sa parents nila, they have to start being an independent individuals. Ako? Baka 30 na ako doon ko pa lang ma- enjoy ang life. Hays. "So... paano na mommy? Male-late ako sa party. Kung alam ko lang na ganito, sana nagpasundo na lang ako kay Maverick para sabay na kaming nakaalis." nag-aalalang sambit ko. "Bakit nga ba hindi ka na lang sinundo ng boyfriend mo?" tanong niya pa. "Kasi nga po, ako na ang nagsabi sa kaniya na magdadala ako ng kotse ngayon mom, kaya ayun, pinauna ko na rin siya. But, don't worry, tatawagan ko na lang siya para sunduin na ako dito. Baka nandoon na sila lahat. I’ve never been late sa kung ano mang event." sagot ko. "Okay, honey." sabi ni mom. Mabilis ko namang dinial ang number ni Maverick sa phone ko. "Babe, pick up the phone. Hurry up." sambit ko habang nakatayo na at lumalakad pabalik-balik. Ayokong ma-late talaga sa party na 'to. Ayokong maunahan ako ni Audrey na magpakita ng outfit for tonight dahil kapag nangyari 'yun, mas magiging famous na naman siya kaysa sa akin. Si Audrey ay kakompetensiya ko na noon pa man and ngayon lang kami ulit magkikita ng personal. A little information about Audrey, siya lang naman ‘yung childhood friend ni Maverick na pinagselosan ko talaga noon, because gusto rin niya si Maverick noon pa. Itong party nga pala ay reunion naming ng mga classmates ko noong high school. Hindi ko classmate si Audrey ngayong college, yup I'm a third year college now and ngayon lang nakapag-set ang mga classmates ko noon. Okay lang naman na ngayon lang sila nakapag-set and natuloy naman since semestral break naman namin ngayong malapit na ang pasko. Sumagot naman na si Maverick sa tawag ko. "Oh babe? Where are you? Hurry up, padating na 'yung iba pa nating mga classmates natin noong high school, medyo madami na nga kami dito." pag-iinform niya sa akin. "Pumunta ka ngayon sa bahay babe. Wala akong sasakyan, tinago ni daddy ‘yung susi ng kotse na dapat sana gagamitin ko tonight. Wala rin namang driver na available dito ngayon. Nakaka-stress na 'to ha." iritableng paliwanag ko. "W-what? Halos kulang half hour pa naman ang biyahe papunta dito sa venue pero okay sige babe. Wait for me there, okay? Sunduin na kita. Bye." sagot naman niya. "Okay, hintayin na lang kita. Bye. Take care." sagot ko rin naman sabay patay na ng phone call. Lumakad naman ako papunta sa salamin para i-check nag itsura ko. "Yaya, pahingi nga ng water!" utos ko sa kasambahay naming habang tinitignan ang itsura ko. Hays. Hindi ko pa man nakikita si Audrey, stress na ako. "Okay po, Ma'am." sagot nito at hindi rin naman nagtagal at dumating na rin siya na may hawak hawak na baso na may lamang tubig. Uminom muna ako para mabawasan ang stress na naramdaman ko dahil sa susing itinago ni daddy. Kahit kailan talaga si dad! Papadagdagan ko pa ang allowance ko niyan dahil sa ginawa niya. Kaya gusto ko na sanang magkaroon na rin ng sariling bahay. My own house, my own rules, own limitations, basta I want freedom. Pero hindi ko magawa dahil nga sa nasa puder pa ako nila mom and dad, and ayoko rin naman na isipin nila na hindi ko sila mahal. Nag-iisang anak na nga lang nila ako tapos iiwan ko pa sila? Pero naman kasi... ang daming limitations. "Thanks." pagpapasalamat ko sa kasambahay namin. Inayos ko na lang naman muli ang buhok ko, sinuklay ko lang nang bahagya ang mahaba, diretso at makintab kong buhok. Gusto ko na buhok ko pa lang ay agaw atensiyon na sa lahat mamaya sa party, lalo na kay Audrey. I am one of the famous girls in our school when I was in elementary, high school and until now naman sa college. Paepal lang talaga ‘yung si Audrey, pabibo minsan. "Ma'am may kailangan pa po ba kayo?" tanong ng kasamabay sa akin. Umiling- iling naman ako. "Nope, okay na. Sige na bumalik ka na sa kung ano man ang ginagawa mo." sagot ko. "Okay po." sabi niya sabay lumakad na palayo sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas habang nag-iscroll lang ako sa ** ay narinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa labas ng bahay namin. "Finally." bulong ko. I know na si Maverick na 'yun. Kaya naman tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at lumakad palabas ng bahay. Sakto naman na paglabas ko ng bahay ay papasok na rin si Maverick kaya nagkasalubong na rin kami. "W-wow... Kahit kailan, saan or kahit ano pa talaga ang isuot mo babe, you look so gorgeous." puri ni Maverick sa akin. "Talaga lang huh?" pagbibiro ko naman sa kaniya sabay nagbeso lang kaming dalawa at kasunod ay hinalikan naman niya ang kanang kamay ko. “Baka mamaya kapag nakita mo si Aud—” pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan nang pagdikit ng dailiri niya sa bibig ko. "You're beautiful, as always. Ayan ka na naman kay Audrey. Ikaw nga lang at kahit na maganda si Audrey, sa’yo lang titingin ‘tong mga mata ko." sagot niya sabay kindat pa sa akin. "Ano ba! Ang corny nang pakindat kindat na 'yan ha." natatawang biro ko pa sa kaniya. Madalas siyang ganiyan pero isa 'yun sa mga nagustuhan ko sa kaniya. He's not only cool but also may sense of humor. "Kinilig ka naman eh hindi ba?" nakangiting tanong pa niya. "Oo na. Mas kinikilig ako kasi ang gwapo mo. You look so handsome too, as always." puri ko rin naman sa kaniya sabay kindat din. Pareho naman kaming natawang bahagya sa ginawa ko. "Oh kita mo na? Nahawa ka na rin sa akin haha!" nakangiting sabi niya. Nakasuot si Maverick ng isang plain aqua blue na polo shirt at naka-black na pants habang ako naman ay nakasuot ng isang branded na Versace off-shoulder na purple dress na may minimalist na design, and of course naka- white Manolo Blanik high heels, one of the expensive brand ng mga high heels. "Let's go?" pag-aaya na sa akin ni Maverick sabay lumabas na nga kami ng bahay. "Bye, mom! Pakisabi kay dad naiinis ako sa kaniya." bilin ko pa. "Intindihin mo na lang, anak. Mag-iingat kayo ni Mav." sagot naman niya. "Okay po. Bye." sagot ko rin naman. "Bye, tita!" pagpapaalam naman na rin ni Maverick sa kaniya. Then, nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Maverick palabas at sumakay na sa kotse niya. After few minutes, habang nagda-drive pa si Maverick ay nag-ring ang phone ko. Napailing- iling ako at napasimangot nang makita kung sino ang tumatawag. "Who's that? Mukhang napasimangot ka yata?" curious na tanong ni Mav. "It's dad." sagot ko naman. Naiinis pa rin ako kay dad kasi naman dapat nasa party na ako. Kinuha or tinago pa kasi niya ang susi. "Yes, dad? Naiinis ako sa 'yo." bungad ko sa kaniya "Yes, I know and I expected it. Oo, tinago ko ang susi ng kotse na gagamitin mo dahil..." pagputol niya sa sasabihin niya. "Because?" I said. Hindi ko alam pero parang nag-tono ang boses ko as Miss Kris Aquino's voice. "Because, ayokong gamitin mo iyon dahil may bagong car akong ibinili for you." sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko at napangiti ng napakalawak. "Oh my God! Is that for real, daddy?!" excited at pasigaw na tanong ko pa. "Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo anak? Of course it's for real." sagot naman niya. "Thank you, dad! Thank you! Bati na tayo! Oh my God! I love you, daddy! Hindi na ako naiinis sa 'yo hahaha." natutuwang sambit ko. "Basta for you, anak. Kaya dapat be a good girl, okay? Nasaan ka na pala niyan?" tanong niya muli. Napatingin naman ako kay Maverick na nagmamaneho at wala pa ring idea kung bakit ako biglang natuwa at the same time ay na-excite. "I'm with Maverick, dad. Nagpasundo na lang ako sa kaniya dahil nga tinago mo 'yung susi ng kotse hindi po ba? Nasa biyahe pa kami papunta sa Grand Reunion namin ng mga classmates ko noong High School." sagot ko. "Okay. Pakisabi kay Maverick mag-ingat sa pagmamaneho. Huwag masyadong bilisan, okay? And, huwag kayong iinom ng marami or better na huwag na kayong uminom ng alcohol or beer or wine, basta, take care, Princess." bilin pa ni daddy. Hay nako, ayan na naman po siya sa mga rules niya. "Okay, dad. Puwede naman po ako uminom ng kaunti lang hindi ba? And besides, kasama ko naman si Mav. There is someone who will take care of me just in case that I can't handle myself at all pero, hindi ko naman gagawin 'yun. Sige na, dad, mamaya na lang po. Thank you so so much again! I love you, daddy!" pagpapaalam ko na at pagpapasalamat ulit. "Okay, sige na. Alam kong ayaw mo nang mahaba pang discussion about my rules and your limitations dahil alam mo na lahat ‘yan. Take care, and you're welcome. Bye, Princess." pagpapaalam na rin ni daddy sabay pinatay ko na rin naman ang phone call. "Oh my God, babe! I'm so... so... so happy!" panimula ko habang nakangiti. "Mukhang may gift ka from Tito Ronald, babe. Am I right? Ganiyan kasi ang reaction mo eh." tanong naman niya habang nakangiti rin. Tumango naman ako sabay sagot nang, "Yup. You're so... so right, babe. Daddy bought me a new car! Oh my God! Nakakatuwa talaga!" Napasigaw pa ako sa sobrang saya. "Wow! That's nice!" natutuwang sagot naman niya. "I don't know kung bakit pero alam ko once ko lang naman nabanggit kay daddy at mommy na may latest car ngayon and... that's it! I feel so much love by my parents talaga." nakangiting kuwento ko pa. "But, still, you're not that free to do whatever you want. Hindi nga tayo makalabas or makapag-out of town ng tayo lang dalawa hindi ba? I'm sure na, may limitations ka rin niyan sa paggamit ng new car mo, babe. You know your mom and dad. Baka may driver pang kasama ‘yun." paalala naman niya. Yup, he's right. Mom and dad has rules to be followed by me, dahil nga sa nag-iisang anak nila ako, they were so... so protective to me na kung minsan or I mean madalas ay nakakasakal na rin naman talaga to the point na naiisip kong sana may mga kapatid na lang ako para hindi lang sa akin nakatuon ang atensiyon nila. But, I understand them because that's how they show or what me to feel that they love me that much. "Huwag na nga natin isipin 'yan. Malapit na ba tayo sa venue?" tanong ko kay Mav. Tumango naman siya at sumagot. "Yup, mga 10 minutes na lang babe." Hanggang sa tinignan ko na lang naman ang phone ko at baka may message si dad about my new car. Baka mag- send siya ng picture ng car or what. Pero… Hindi message ni daddy ang nakita ko. It was a message from my mom na talagang nagpalakas at nagpabilis nang t***k ng puso ko. “Oh my God.” gulat na sambit ko sabay napatakip ako sa bibig ko. “Sh*t.”dugtong ko pa. Bakit kailangang umabot sa point na ganito? Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook