Kaba ang namamahay sa aking dibdib habang nagbibihis. Ilang minuto na lamang ay narito na si Felix. Paulit ulit kong pinagdarasal na maging maayos ang tagpo ngayon at hindi ito gagawa ng ano mang hindi nararapat sa harap ni Brandon.
Isang bestida na tutle neck na may kahabaan ang pinili kong isuot. Hanggat maaari ay gusto kong itago ang aking katawan mula sa mga mata nito. Hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok upang matakpan ang aking dibdib.
Isang katok sa pinto ang pumukaw sa aking atensiyon.
"Babe, Felix is here. Come on."
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at biglang bumilis ang pagtahip ng aking dibdib.
"S-sandali lang.."
"Make it fast babe."
Muling sabimbit nito saka ko naulinlingan ang papalayo nitong yabag. Naging pabalik balik ang paglalakad ko sa loob ng silid.
'Ano ang gagawin ko? Hindi ako maaaring magtago na lang dito habang buhay.'
Hindi matagal na iyon. Siguro naman ay nakalimutan na nito ang mga naganap sa amin? Madaming babae na ang nagdaan sa buhay nito. Imposibleng may interes pa rin ito sa akin.
Tama, sigurado akong wala na itong interes sa akin. Galing ito ng US. Malamang mas madaming babaeng magaganda ang nahumaling dito. Sino ba naman ako para ikonsidera niya pa diba?
Huminga ako nang malalim saka pinihit ang doorknob upang lumabas.
'Kaya ko 'to!'
Ngunit gusto kong muling bumalik sa loob ng kwarto nang magtama ang mga mata namin ni Felix. Prente itong nakaupo sa sofa habang tila inaaabangan talaga ang pagbukas ng pinto at iluwa ako. Isang pasimpleng ngisi ang ibinigay nito sa akin. Biglang muling nabuhay ang takot sa aking dibdib.
'Huwag naman sana diyos ko!'