CHAPTER 3 <BRANDON'S POV>

652 Words
"Hey, are you okay babe?" Ramdam ko ang pagkabalisa ni Mila habang inihahanda ang mesa. Isang simpleng hapunan ang inhanda nito para sa amin ngayong gabi. Ngayong kasi ang dating ni Felix sa condo. "Yes, I-I'm just tired." paiwas na tugon nito. "Okay. Do you want me to help you?" Muli kong tanong habang magaan kong hinahaplos ang makinis nitong braso. "N-no need babe. Just stay there. I'll take care of everything." muli itong umiwas palayo sa akin. Napabuntong hininga ako. "Sure. Just relax okay?" "Yes. Thank you babe." Iyon lamang at iniwan ko na ito sa kusina. Minabuti kong maglagay na ng plato sa mesa upang hindi na ito dadagdag sa aasikasuhin nito pagkatapos nitong magluto. She's a good cook. She's perfect in every way. May kaunting guilt akong nararamdaman nang tapunan ko nang tingin si Mila. Balisa pa din ito. Muli akong napabuntong hininga. Alam kong kabaliwan ang ginagawa kong ito ngunit isa itong s****l fantacy na matagal nang bumabagabag sa akin. Matagal akong nawalan ng interes sa pakikipagtalik mula nang kumalat ang s*x video ng aking ex-girlfriend kasama ang aming professor. Sakit at kahihiyan ang dulot noon sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit kailan ma'y walang nangyari sa amin ni Mila bago ako umalis patungong US. Ngunit nagbago ang lahat ng maabutan ko ang mainit na pag angkin dito ni Felix. Noong una'y galit ang naramdaman ko, ngunit habang tumatagal na nakatayo ako doon sa sulok ng pinto habang pinapanood ko ang pag indayog ng katawan ni Mila sa ibabaw ni Felix, may kakaibang init na nabuhay sa aking katawan. Isang napakagandang tanawin noon para sa akin. Oo, alam kong may nangyayari sa mga ito habang wala ako. Base sa nasaksihan ko, hindi iyon ang unang beses na nangyari iyon. Ngunit hindi ko kayang lubusang magalit sa mga ito. May pangangailangang sekswal si Mila, at hindi ko iyon maibigay dito. Ano ang karapatan kong magalit? Isa pa mahal ko si Mila. Ayokong masira ang aming relasyon dahil lang sa tawag ng laman. Kaya mas pinili kong itago iyon sa mga ito. Nagkunwari akong walang nakita, walang narinig, at walang naramdaman. Sa katunayan, gusto kong magpasalamat sa mga ito. Dahil doon, muling nabuhay ang init sa aking katawan. Nagkaroon ako ng gana sa pakikipagniig. Naging makulay muli ang aking sekswal na buhay. Walang gabing hindi naging mainit ang tagpo sa amin ni Mila. Noong unaý bakas ang pagkagulat dito. Ngunit kalaunaý ito na ang nangunguna para may mangyari sa amin. Alam kong nagugustuhan niya ang bawat gabing ipinapalasap ko sa kaniya. Ngunit sa mga nagdaang panahon, tila bumabalik sa aking balintataw ang tagpong inabutan ko noon dito sa condo. Hubo't hubad magkaulayaw si Mila at Felix at tanging mga ungol nila ang pumupuno sa buong condo.  Sa hindi malamang dahilan, naging obsession ko na na muli silang makitang magniig. May mga pagkakataong, pinaglalaro ko iyon sa aking imahinasyon. Ngunit tila may kulang. Kaya ngayon na may pagkakataon, kinuha ko na. Hindi ko alam kung gagana ang aking plano. Ngunit wala namang masama kung susubukan. "Hey, let me carry that." Inagaw ko mula dito ang hawak nitong ulam. May kalakihan iyon at alam kong may kabigatan. "Thank you babe." "Why don't you take a shower first? Para hindi ka amoy ulam pag dating ni Felix. Baka sabihin noon inaalila kita." Malambing kong turan dito saka pinunas ang butil butil ng pawis sa noo nito. "O-okay." Tumango ito saka inalis ang apron na suot. "I'll be fast." "Take your time babe." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko dito saka kinintalan ito ng magaan na halik. Nakasunod ang mga mata ko sa papaalis nitong pigura habang tinatahak nito ang CR. Lantad sa suot nitong maikling shorts ang makinis at mahahaba nito hita. Bawat hampas ng beywang nitoý kaakit akit din. Sinong matinong lalaki ang hindi mahuhumaling dito? Walang sino man na nasa katinuan ang aayaw dito. Lalong lalo na si Felix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD