Nahaharangan ng nakalutang na unibersidad sa Kingon ang sinag ng araw na makadikit sa lupa. Kahit malaki ang unibersidad hindi iyon makikita sa malayo dahil sa nakabalot na mahika rito. Ang ilalim nito ay purong bato't lupa na matutulis. Sa pinakagitna makikita ang pangunahing gusali ng unibersidad na mukhang palasyo dahil sa matatayog na tore nito. Sa ibaba ng unibersidad ay ang malawak na lawa na kumikinang sa liwanag ng araw. Umiiihip dito ang sariwang hangin. Hindi na rin nawawala ang mga lumilipad na makukulay na ibon sa paligid. Napatingala siya sa unibersidad na inilalagay niya ang kaniyang kamay sa itaas ng kaniyang mata kapantay ng kilay. Naghihintay siya sa ibaba sa lilim ng istasyon kung saan nagkakatipon ang mga mag-aaral na katulad niya. Sa dami ng mga mag-aaral na tutungo sa

