Kabanata 34

2072 Words

Ibinaling ng guro ang atensiyon sa kanilang naroon pang mga mag-aaral pagkaalis nga ni Odeo. Tinuro siya nito nang mapadako ang tingin nito sa kaniya. "Ikaw na ang kasunod," sabi nito sa malakas nitong boses. Tinuro niya ang kaniyang sarili upang makasigurado na siya nga ba ang tinutukoy nito. "Ako?" tanong niya pa. "Oo. Lumapit ka na rito," saad naman ng guro. "Puwedeng mamaya na lamang ako," pakiusap niya sa guro ngunit ginantihan siya nito ng pag-iling ng ulo. Bumuntonghinga siya nang malalim dahil balak niya sanang tumagal doon nang makita niya pa ang ibang mga mag-aaral kung ano ang kayang gawin ng mga ito. Ngunit dahil nga sa guro hindi mangyayari iyon. Sa ibang pagkakataon na lamang niya ulit gagawin na alamin ang kakayahan ng ibang mag-aaral. Humakbang siya papalapit sa guro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD