SA UNAHAN ng kabayo ay ang matandang lalaking nagpapatakbo sa kabayo. Nakasuot ang matandang lalaki ng pulang kasuotan. Hindi ito nakabalabal katulad ng mga manglalakbay. Pinatigil nito ang kinasasakyan nang mapadako ang tingin nito sa kanilang naroon sa harapan ng nasirang templo. Sa paghmapas nga nito sa hawak na lubid huminto ang kabayo na humahalinghing nang mahina habang pinapadyak ang kaliwang harapang paa. Lumapit na lamang ang lider ng mga manglalakbay dito para kausapin ang matandang lalaki. Nabaling na lang niya ang atensiyon dito kasabay ng dalawang manglalakbay pa. “Ano ang kailangan niyo?” pag-usisa ng lider sa bagong dating. Pinagmasdan nito nang maigi ang matandang lalaki. Sinalubong ng matandang lalaki ang tingin ng manglalakbay. “Maaari bang makipahinga kami kasabay niyo

