NADATNAN niya ang mga manglalakbay na nagsasalin ng niluto ng mga ito sa mangkok na gawa sa kahoy pagkabalik niya sa harapan ng nasirang templo. Samantalang ang batang lalaki kasama ang matanda ay nakaupo sa mga bato sa tabi. Lumapit siya sa lider ng manglalakbay nang iabot nito ang dalawang mangkok. Hindi niya tinanggap ang binibigay nito’t pinagmasdan lamang ang mga iyon. “Ano ang ginawa mo roon sa loob?” pag-usisa ng manglalakbay sa kaniya. “Wala naman. Naglakad-lakad lang,” tugon niya naman dito. “Bakit? Mali bang pumasok sa loob ng templo dahil sa diyosa? Mamamatay ba ako dahil nakita ko ang rebulto?” dugtong niyang tanong. Naibaba na lamang ng manglalakbay ang mga kamay nito hawak ang dalawang mangkok. “Hindi naman. Sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?” nagtatakang saad nito. “S

