NAGISING siya na nanakita ang kaniyang katawan. Pagkamulat ng kaniyang mga mata'y hindi pamilyar na kisame ang sumalubong sa kaniya. Sinapo niya ang kaniyang ulo nang siya ay maupo't iniikot ang kaniyang paningin sa loob ng kuwartong walang ibang gamit kundi ang higaan, tukador at ang salaming mayroong mesa katabi ng bintana na naroon sa gawing paanan ng kama. Pumapasok ang malamig na simoy ng hangin sa silid kaya sumasayaw ang maputing kurtina. Sa itsura ng pader ng silid na abuhin ang kulay malalamang gawa sa bato ang kabuuan ng bahay. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili na iba na ang suot. Malinis na pang-itaas na puti ang kulay ang ibinihis sa kaniya't pinaresan ng kayumangging salwal. Umalis siya ng kama nang marahan na hawak ang dibdib, nararamdaman niya pa rin ang pananakit ng kani

