PUMALAHAW ang puting tigre habang nakamasid sa kanila. Sa balak nitong pagtalon sa kinatatayuan nilang bubongan, binitiwan siya ng babae upang pigilan ang mabangis na hayop. Napakapit na lamang siya pinakatuktok ng bubongan nang hindi siya madulas paibaba pabalik sa lupa. Tumayo sa kaniyang harapan ang babae sa paghanda nito sa hawak na palaso. Hindi na hinintay nitong makatalon ang puting tigre. Pinakawalan nito ang mga pana ng palaso nang sunod-sunod. Mabilis na gumalaw ang mga kamay nito mula sa pagkuha ng pana sa sisidlan hanggang sa pagbitiw niya rito. Umiwas ang mabangis na hayop sa pinakawalan ng babae. Iilan lamang ang mga tumama sa mga paa ng tigre dahil iyon naman talaga ang nais na mangyari ng tumutulong sa kaniya. Ang karamihan sa mga palaso’y bumaon sa lupa paikot sa kinatatay

