Tuwid niyang pinagmamasdan si Mara sa paghawak nito nang pabalikdtad sa punyal na isang dangkal ang haba. Mahigpit ang pagkakapit ng mga daliri nito sa hawakan nang hindi dumulas ang matalim na sandata sa kamay nito. Naroon sila sa bakuran sa pagsisimula niya sa pagsasanay gamit nga ang punyal. Umiihip ang banayad na hangin sa kanilang kinatatayuan na siyang sumasayaw sa blusang suot at mahabang itim na buhok ng babae. Pinakita ni Mara kung paano umatake gamit ang punyal na nakasunod ang kaniyang mata sa bawat pagkilos nito. Una nitong inihakbang ang kanang paa kasunod ng kamay nitong hawak ang punyal. Umindayog ang buhok nito sa mabilis na paggalaw ng katawan nito. Sinugatan ni Mara ang hangin na gumawa pa ng tunog na tila pinupunit. Hindi lang isang beses nitong ginawa ang bagay na iyo

