Kabanata 23

2259 Words

Ginugol niya ang paglipas ng bawat sandali sa pagbabasa ng itim na librong ibinigay sa kaniya ng ahas. Hindi na nagpakita pa sa kaniya ang makamandag na hayop matapos nitong iwanan siyang mag-isa. Bumalik ang katahimikan sa loob kaya malinaw na maririnig ang pagtama ng ulan sa bubongan. Nadagdagan lamang ang ingay ng pagpatak ng ulan ng paglipat niya sa pahina ng librong kaniyang pinagtuunan ng pansin. Huminto lamang siya sa pagbabasa nang marinig niya ng pagbukas ng pinto sa ibabang palapag ng bahay. Indikasyon na nakabalik si Mara galing sa bayan. Nagmadali siyang isinara ang libro't naghanap ng mapagtataguan niyon. Dahil wala rin naman siyang mapagtataguan, inihulog niya lamang sa ilalim ng mesa. Hindi rin naman mapapansin kaagad iyon ng babae kung sakaling pumasok nga ito sa silid akla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD