Kabanata 7

2222 Words

PINAGMASDAN siya ng lalaki sa kaniyang nasabi sa paglabas nito ng mga gulay mula sa kahon na pangdagdag nito sa sahog. “Kung ganoong nagtitipid ka bakit mo binibigay sa amin?” ang naitanong sa kaniya ng lalaki. “Sino ang mayroong nagsabi na binibigay ko sa inyo? Babayaran niyo iyan nang makabili kami ng karne gamit ang salapi,” pagbibigay alam niya sa lalaki. Mahahalatang natutuwa sa kaniya ang lalaki sa paglitaw ng manipis na ngiti sa mga labi nito. Lumingon sa kaniya ang babae matapos nitong mailagay sa siga ang malaking palayok na naglalaman ng tubig. Lumapit ito kapagkuwan sa mesa sa pagbalat ng lalaki sa karot. “Ilang taon ka na ba bata?” tanong sa kaniya ng babae na mayroong pagkamangha sa mga mata nito. Nangliit siya sa pagtitig ntio sa kaniya kaya naiyuyuko niya ang kaniyang u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD