bc

The Boss' Wife (YCC Series # 3)

book_age18+
759
FOLLOW
2.3K
READ
spy/agent
possessive
pregnant
badboy
kickass heroine
boss
bxg
city
disappearance
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

YCC SERIES # 3

(R-18)

'Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan? Hindi papabayaan na ako'y mag-isa

Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?

Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?'

HUNTER ENOA SAAVEDRA- Boss of a Secret Security Agency focused on finding missing people, or hiding tracks. His past is haunting him, he can't seem to move on from his late wife.

TATIANA QUINCY AMARILLO - Assistant to the boss. She's also his wife, while Hunter is on a mission, she tragically died leaving Hunter devastated.

Hunter just can't seem to move on, how when he loves her so much? He didn't even gave a proper goodbye. After a few years, there's this job na pinagagawa sa kanya ng kanyang ama. Siya mismo ang gustong kunin bilang undercover sa mission na ito dahil mabigat ang makakalaban nila, ang mismong pumatay sa asawang si Tate.

Can he face his past? Can he find justice for his wrecked heart?

DISCLAIMER:

Names, places, and events are all product of my imagination.

This story consist explicit words, graphic s****l scenes, and violence. R-18

Read at your own risk.

Plagiarism is a crime, basa lang tayo peepz.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
20** HUNTER "Boss... Anong gusto mong ulam mamaya?" "Up to you agent.." malambing kong sagot habang nakangiti, ang cellphone ko ay nakaipit sa kanang tenga ko habang hawak ang tracking device sa kaliwa. "Nako mahirap yang up to you mo na yan tapos pag nilutuan ka, pag-uwi mo magrereklamo ka pa rin kasi di mo gusto" kahit di ko siya nakikita ay alam kong nakanguso nanaman ang asawa ko. "Tonight, I'll eat anything you cook I promise..." "Okay! I'll see you at home boss! I love you!" Bago pa ko makasagot ay may tumawag na sakin mula sa earpiece... 'EAGLE ONE! CODE BLACK! EAGLE ONE CODE BLACK' "Sh*t!" "Boss what's happening? Boss! Narinig ko yung code black call. Where are you? Pupuntahan kita! Just tell me the location. Paalis nako!" "Don't go out Tate delikado ang misyon na 'to. Just stay there and wait for me," matigas kong utos rito. "But it's code black and kailangan ako diyan, ako ang pinakamagaling mong agent remember?" "Tate I said no. I'll hang up. Listen to me and just stay there, cook whatever you like at pag-uwi ko kakain tayo, understood?" Hindi siya sumagot kaya inulit ko, "Tatiana Saavedra do you understand?" "Yes boss. Take care please.. I love-" Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya at binaba na ang tawag. Iba ang nararamdaman ko ngayon, parang may mangyayaring hindi maganda. Sana makauwi pa ako ng ligtas... Inilabas ko ang telepono ko at tinawagan ang isang agent ko. "Trent, send someone at Brittany Woods. I need someone to watch over Tatiana. Don't let her get out of the house." "Copy Boss!" "EAGLE ONE! TARGET LOCKED! I REPEAT, TARGET LOCKED!" "MEN! MOVE!" I shouted in our radios. Isa-isa nang pumwesto ang mga agents na kasama sa misyon na ito. Matagal na naming minamanmanan ang number one Drug Lord ng bansa, si Ramon Castañeda. He's a business man in diguise, business associate siya ng pamilya Lopez, mayroon din siyang pag-aaring mga clubs at pasugalan. He's also San Andres' Mayor, at ayon sa nakalap naming impormasyon hawak niya ang mga illegal na pasugalan sa buong city at maging mga karatig-bayan nito. Hindi mahuli-huli ng mga pulis ang Castañeda na ito dahil wala siyang iniiwang bakas. Pero walang nakakalusot sa isang Hunter Saavedra. "Boss! They're moving, palabas sila sa isang building sa east side. I'll send you the coordinates." "Okay. Men, palibutan ang buong east side ng gubat, there's an old building near the lake malamang dun nagtatago ngayon ang Castañeda na yan." "Copy Boss!" Naramdaman kong nagva-vibrate ang cellphone ko, sinilip ko at si Tate ang tumatawag pero pinatay ko muna ito dahil papasok na kami sa loob ng gusali. "Surround the area, Zorro you go first kasama ang team mo." "Aye! Aye! Boss." Pagpasok nina Zorro ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Sumugod na rin ang ilan sa mga agents ko. "BOSS! ABORT THE MISSION! THIS IS A TRAP!" sigaw ni Zorro sa earpiece. May pagsabog pa sa loob ng gusali at kitang-kita ng mga mata ko kung paano tumilapon ang mga tauhan ko, si Zorro ay may tama ng baril sa balikat. Susugod sana ako ng maramdaman kong may tumama sa braso ko, "Sh*t! MEN ABORT MISSION! I REPEAT ABORT MISSION!" Hinatak ko si Zorro sa isang puno at nagpaputok ng baril sa mga nakikita kong pasugod sa amin. Meron pang mga nagtatago sa puno kaya pinaputukan ko rin. Maya-maya ay may humaharurot na sasakyan ang lumapit sa'min, "BOSS! SI TATE!" binundol ako ng kaba sa ekspresyon ni Aldred. "What about Tate? Pinapunta ko na si Trent doon 'di ba?" kunot ang noong tanong ko. "Wala daw siya sa bahay nyo Boss!" "What? Dalhin mo si Zorro sa ospital. Call an ambulance, naiwan pa sina Phoenix sa building. I need to go to my wife." Naalala kong buksan ang cellphone ko. I tried calling her but to no avail. Matinding kaba at takot ang lumulukob sakin ngayon. "Please wife answer the phone d*mmit!" Pagdating sa tapat ng bahay ay bumaba agad ako, may nakita akong pigura sa taas ng kwarto, malamang ay si Tate at narinig ang paghinto ng sasakyan ko. Ang mga tauhan ko ay nasa paligid ng bahay, si Trent ay papasok na rin sana nang biglang sumabog ang bahay. Sa lakas ng impact ng pagsabog ay tumilapon kaming tatlo. "TATIANA!" Kahit masakit ang katawan ay tumayo ako at akmang lalapit sa bahay nang pigilan ako ni Aldred, "Boss delikado, may tama pa kayo ng baril." "NO! My wife is inside the house! TATE!" iwinaksi ko silang mga pumipigil sa'kin, hindi ko na pinansin ang pagtawag nila, nakita ko sa paligid ang mga walang malay na tauhan ko. Napatiim-bagang ako at sumugod sa loob, "TATE! Where are you wife?! TATIANA!" Pagpasok sa loob ay halos manghina ako sa dinatnan ko, nakakita ako ng nakahandusay na katawan sa may kusina. The body is wearing my wife's dress nang umalis ako kanina, grabeng kaba ang bumundol sakin. "TATE!" Paglapit ko ay halos panawan ako ng ulirat, ang mukha niya ay halos hindi makilala dahil sa mga sugat na tinamo sa kung anong matigas na bagay na inihampas sa kanya. "TATIANA! Wife! No! Come on get up! Dadalhin kita sa ospital. Please baby don't die on me. TATE!" Yakap ko ang katawan niya at maya-maya ay nakarinig ako ng naglalaglagang mga kahoy, ang pader sa kusina ay gumuho na, kailangan kong mailabas ang asawa ko. Sinalubong ako nina Trent at Aldred, "Start the f*cking car! I can still feel her pulse, go!" Habang nasa sasakyan ay tuloy-tuloy ang pagdadasal ko na sana ay umabot pa si Tate sa ospital, iisa lang ang naiisip kong gumawa nito, 'Ramon Castañeda'. "Boss, mukhang planado lahat ng 'to ni Castañeda. Alam niyang susugod tayo, alam niyang mahuhuli mo na siya Boss kaya gumawa siya ng trap" nanggigigil na wika ni Trent. Si Zorro ay nakasandal sa bintana ng sasakyan dahil sa sugat na tinamo. Nagpumilit itong sumama at hindi sumabay sa ambulansya dahil nag-aalala rin ito kay Tate. "I think there's a mole in the group. Kung wala ay paano niya malalaman ang operation natin? Pati si Tate nadamay!" gigil na wika ni Zorro. "If something happens to my wife, sisiguraduhin kong kahit lungga ng daga hindi niya mapagtataguan" tiim-bagang kong saad habang pumapatak ang luha ko. Napatingin ako kay Tate at niyakap siya ng mahigpit. "Please baby don't die on me... Hold on for me please... I love you so much." Pagdating sa ospital ay sinalubong agad kami ng mga doktor at nurse sa emergency room, hindi na ako pinapasok pa ng mga nurse sa loob ng operating room. Kinse minutos ang nakalipas nang may marinig kaming announcement na nagpakaba sa akin ng husto. "Dr. Valentino and Dr. Willis to the OR please, paging Dr. Valentino and Dr. Willis to the OR please. Code Blue." Narinig namin at maya-maya ay nagtakbuhan na ang mga doktor at iba pang nurse papasok sa operating room. Nakita ko si Uncle Tony at hinarang siya, "Tito what is happening with my wife?" "I'm not yet sure Hunter, but I think this is an urgent matter." tinap niya ang balikat ko at tumakbo na papasok sa OR. 30 minutes has passed pero wala pa ring lumalabas mula sa OR. Palakad-lakad lang ako sa labas, si Zorro ay nagamot na. Pinipilit ako ng mga nurse kanina pero hindi ko kayang umalis na hindi ko nasisigurong ligtas ang asawa ko. Nakarinig ako ng mga yabag at napalingon ako sa mga dumating. Unang yumakap sakin si Calvin at sunod-sunod nang lumapit sina Clay, Atticus, James, Arkin, Sage at si Mace. "How is she Hunter?" Umiling lang ako at naiiyak. Hindi ako nakikitang umiyak ng mga kaibigan ko, pero ngayon ay hindi ko kinakaya ang kabang nararamdaman ko. I felt Arkin's re-assuring grip on my shoulder and then I hugged him, kauuwi lang nito galing France para kamustahin ang negosyo dito sa Pilipinas at babalik din ulit next week. "She'll be fine Hunter, we'll pray for her" Mace said na ikinatango ko lang. Biglang bumukas ang pinto ng OR kaya napalingon kami at nagmadaling lumapit kay Uncle Tony, parang gusto kong panlamigan sa nakikitang lungkot sa mga mata niya. "No... No... She's alive right? Nakaligtas siya?" "I'm sorry Hunter..." "Nooooo! TATE!" "TATE!" Hinihingal akong napaupo sa higaan ko, pawis na pawis ako habang hinahabol ang paghinga ko, inabot ko sa night stand ang gamot na tatlong taon ko nang iniinom... "Panaginip... isang masamang panaginip nanaman..." at naglandas ang luha sa mga mata ko. Sa loob ng tatlong taon, gabi-gabi kong napapanaginipan ang pagkamatay ng pinakamagaling kong agent. My wife, Tatiana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook