Episode 19 HINDI na ako nagulat nang gawin iyon ni Alice sa akin. Nang sabunutan niya ako ay kaagad ko siyang itinulak para lumayo sa akin. Anong ginagawa nilang dalawa rito ni mama? “Anong ginagawa niyo rito?” kalmado kong wika sa kanila. “Nalaman ko ang ginawa mo kay Carlos, Avi. Kaya kaagad naming kinontak ang staff ng Love Line para puntahan ka at kausapin,” sagot ni mama. Kausapin? Eh parang hindi naman pag-uusap ang gusto nila mangyari lalo na ngayon na nandito sila. “Gusto kong bawiin mo ang pagkakaso kay Carlos, Avi,” wika ni mama sa akin. Umawang ang labi ko at pagkatapos ay saka huminga ng malalim. “Bawiin mo ang ginawa mo sa fiancée ko! Paano kami magpapakasal kung makukulong siya sa bilangguan dahil sa’yo!” sigaw ni Alice sa akin. Inaasahan ko naman na ito. Na magagalit

