NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 17 JAMES’ POINT OF VIEW "Gano'n ba ang tingin mo sa akin? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa akin James?" nangilid ang luha niya. "At anong gusto mong tingin ko sa ginawa mo? Dapat bang palakpakan kita at sabihing "Wow, ang tropa ko babae na! Kaya nang manamantala kahit sa barkada pa niya ng ilang dekada" Kung sana marunong kang magpahalaga ng pagkakaibigan at pinagsamahan, sana hindi mo ginawa ang ginawa mo sa akin kagabi. Ngayon, tatanungin mo ako kung bakit ganoon na lang kababaw ang tingin ko sa'yo?" Hindi siya sumagot. Umagos ang luha sa kaniyang pisngi. Tumalikod siya. Pumasok sa kuwarto. May kaunting kirot sa dibdib akong naramdaman. Isang kurot na parang sakop ang buo kong pagkatao. Ngunit iyon ang alam kong da

