NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 16 JAMES’ POINT OF VIEW Nakaramdam ako ng pandidiri na ang dati ko pang barkada ang gumawa no’n sa akin. Ang barkada ko na kahit alam ko naman na babae pa rin ang katawan ay akala ko damdaming lalaki pa rin ang umiiral sa kanya. Tinitignan ko kasi siya bilang kabaro ko na. Hin di na isang tunay na babae ang pakitungo ko sa kanya ngunit ngayon parang nagbago. Masahol pa siya sa isang bakla sa ginawa niya sa akin kagabi. May tomboy palang ganoon? Kaya pala ng isang tomboy gumawa o magpaligaya ng lalaki sa ganoon paraang? Pero, hindi na tombnoy sa tingin ko kay Mandy. Babae siya. Tunay siyang babae at gusto niya ako. Tama ang lahat ng kutob ko. Tama ang lahat ng aking paghihinala. Naligo muna ako at lumabas. Nag-almusal a

