NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 25 Mandy’s POINT OF VIEW Si James, sa pagdaan ng araw ay nagiging tahimik na. Hindi na din siya pumupunta kay Lydia. May mga gabing napapansin kong hindi siya makatulog at sinisilip niya ako sa aking higaan. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Siguro dahil bukod sa akin ay wala na siyang tropa sa Doha at dahil na din siguro wala siyang makausap mula nang pinili kong layuan siya at iwasan. Mahal ko si James, ang pagkakaiba nga lang ay iniiwasan ko siyang tignan kung nariyan siya. Ilang buwang hindi kami nag-iimikan. May mga pagkakataong halos magkabangga kami sa pintuan ng aming kuwarto at maririnig ko ang mahina niyang sorry ngunit hindi ko iyon pinapansin. Parang wala lang din akong narinig o nakita. Naghilom na ang galit ko s

