NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 24 Mandy’s POINT OF VIEW “Alam mo na kung bakit maraming nababaliw sa akin? Basta iyong iyo lang ako basta behave lang. Lagi natin itong gagawin. Yung mga paninilbi mo sa akin, papalitan ko ng sarap sa kama kaya mag-eenjoy tayong dalawa babe.” Huminga ako nang malalim. Sandaling pumikit nang halikan ako sa labi. “Sandali, hugas lang ako. Bahala ka na rin maglinis sa katawan mo ha? Pagbalik ko dapat aalis na rin ako ha? Baka kasi darating bigla yung roommate mo na lalaki. Bakit ng aba may kasama kang lalaki sa kuwarto mo? Hindi ba kayo no’n?” “Hindi ah. Allergic sa akin ‘yon. Saka bata pa kami bestfriend ko na ‘yon.” “Talaga lang ah. Sige sabi mo eh. Iba lang kasi talaga ang tingin no’n sa akin kapag nakikita niya ako

